Neutralino
Sa partikulong pisika, ang neutralino[1] ay isang hipotetikal na partikulong hinulaan ng supersymmetriya. Mayroong apat na mga neutralino na fermion at elektrikong neutral na ang pinakamagaan ay tipikal na matatag. Ang mga ito ay karaniwang tinatakan na N͂01 (ang pinakamagaan), N͂02, N͂03 at N͂04 (ang pinakamabigat) bagaman minsan ang ay ginagamit rin kapag ang ay ginagamit upang tukuyin ang chargino. Ang mga apat na estado na ito ay mga paghahalo ng bino at ng neutral na wino na neutral na electroweak gaugino at neutral na higgsino. Dahil sa ang mga neutralino ay Majorama fermion, ang bawat isa sa kanila ay katulad ng mga antipartikulo nito. Dahil sa ang mga partikulong ito ay nakikipag-ugnayan lamang sa mahinang mga bektor na boson, ang mga ito ay hindi direktang nalilikha sa hadron collider sa saganang bilang. Ang mga ito ay pangunahing lumilitaw bilang mga partikulo sa mga sunod sunod na pagkabulok ng mas mabigat na mga partikulo(na mga pagkabulok na nangyayari sa maraming mga hakbang) na karaniwan ay nagmumula sa may kulay na supersymmetrikong mga partikulo gaya ng mga squark at gluino.
Simbolo | N͂01, N͂02, N͂03, N͂04 |
---|
Sa mga nagkokonserbang mga modelong R-paridad, ang pinakamagaang neutralino ay matatag at ang lahat ng mga supersymmetrikong sunod sunod na pagkabulok ay nauuwing mabulok sa partikulong ito na umaalis sa detektor na hindi nakikita at ang eksistensiya nito ay mahihinuha lamang sa pamamagitan ng pagtingin sa hindi balanseng momentum sa detektor.
Ang mga mas mabigat na neutralino ay karaniwang nabubulok sa pamamagitan ng neutal na Z boson tungo sa mas magaang neutralino o sa pamamagitan ng may kargang W boson tungo sa magaang chargino: [2]
N͂02 | → | N͂01 | + | Z0 | → | Missing energy | + | l+ | + | l− | ||||||
N͂02 | → | C͂±1 | + | W∓ | → | N͂01 | + | W± | + | W∓ | → | Missing energy | + | l+ | + | l− |
Ang masang mga paghahati sa pagitan iba't ibang mga neutral ay magdidikta kung aling mga paterno(patterns) ng pagkabulok ang pinapayagan.
Sanggunian
baguhin- ↑ Martin, pp. 71–74
- ↑ J.-F. Grivaz and the Particle Data Group (2010). "Supersymmetry, Part II (Experiment)" (PDF). Journal of Physics G. 37 (7): 1309–1319.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)