Pagkabulok ng partikulo
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Pagkabulok ng partikulo (Ingles: Particle decay) ang espontaneyosong proseso ng isang elementaryong partikulo na nagtratransporma (nagbabago) sa ibang mga elementaryong partikulo. Sa prosesong ito, ang elementaryong partikulo ay nagiging ibang partikulo na may mas maliit na masa at isang panggitnang partikulo gaya ng W boson sa pagkabulok ng muon. Ang panggitnang partikul ay nagbabago naman sa iba pang mga partikulo. Kung ang mga partikulong nalikha ay hindi matatag, ang proseso ng pagkabulok ay nagpapatuloy.
Ang particle decay ay maaari ring gamiting upang tukuyin ang pagkabulok ng mga hadron. Gayunpaman, ang terminong ito ay hindi karaniwang ginagamit upang ilarawan ang pagkabulok na radyoaktibo kung saan ang hindi matatag na atomikong nukleyus ay nagtatransporma sa mas magaang nukleyus na sinasamahan ng emisyon (paglabas) ng mga partikulo o radiasyon bagaman ang dalawang ito ay magkatulad sa konsepto.
Probabilidad ng pagpaptuloy at panahon ng buhay ng partikulo
baguhinAng pagkabulok ng partikulo ay isang prosesong Poisson at kaya ang probabilidad ng isang partikulo ay nagpapatuloy para sa panahong t bago ang pagkabulok ay ibinibigay ng distribusyong eksponensiyal na ang konstante ng panahon ay nakabatay sa belosidad ng partikulo;
- kung saan
- ang ang mean na panahon ng buhay ng partikulo (kapag nagpapahinga), at i
- ang ang paktor ni Lorentz ng partikulo.
Tabla ng mga panahon ng buhay ng elementaryong partikulo
baguhinAng lahat ng mga datos ay mula sa Particle Data Group.
Uri Pangalan Simbolo Enerhiya (MeV) Mean na panahon ng buhay Lepton Electron / Positron 0.511 Muon / Antimuon 105.6 Tau lepton / Antitau 1777 Meson Neutral Pion 135 Charged Pion 139.6 Baryon Proton / Antiproton 938.2 Neutron / Antineutron 939.6 Boson W boson 80,400 Z boson 91,000
Rate ng pagkabulok
baguhinAng panahon ng buhay ng isang partikulo ay ibinibigay ng inberso ng rate ng pagkabulok nito na na probabilidad kada unit ng panahon na ang partikulo ay mabubulok. Para sa isang partikulo na may masang M at apat-na-momentum na P, ang diperensiyal na rate ng pagkabulok ay ibinibigay ng pangkalahatang pormula na
- kung saan
- ang n ang bilang ng mga partikulong nalikha ng pagkabulok ng orihinal,
- ang S ang kombinatoryal na pkator para isaalang-alang ang hindi makikilala ang pagkakaiba na mga huling estado (tingnan sa baba),
- ang ang inbariantong elementong matrix' o amplitudo ng probabilidad na nagdudugtong sa simulang estado sa huling estado (na karaniwang kinukwenta gamit ang mga diagramang Feynman),
- ang ang elemento ng yugtong espasyo, at
- ang ang apat-na-momentum ng partikulong i.
Ang paktor na S ay ibinigay ng
kung saan
- ang m ang bilang ng mga hanay ng hindi makilala ang pagkakaiba na mga partikulo sa huling estado, at
- ang ang bilang ng mga partikulo ng uring j, upang ang .
Ang yugtong espasyo ay maaaring tukuyin mula sa
- kung saan
- ang ang apat na dimensiyon na punsiyong Dirac delta,
- ang ang (tatlong-) momentum na partikulong i, at
- ang ang enerhiya ng partikulong i.
Maaring i-integrado sa ibabaw ng yugtong espasyo upang makuha ang kabuuang rat eng pagkabulok para sa tinukoy na huling estado.
Kung ang isang partikulo ay may maraming mga sanga ng pagkabulok o modo (modes) na may iba't ibang mga huling estado, ang kabuuang rate ng pagkabulok nito ay makukuha sa pamamagitan ng pagsusuma ng mga rate ng pagkabulok para sa lahat ng mga sangya. Ang rasyo ng pagsasanga para sa bawat modo ay ibinigay ng rate ng pagkabulok nito na hinati ng kabuaang rate ng pagkabulok.
Dalawang-katawang pagkabulok
baguhin
Rate ng pagkabulok
baguhinSabihing ang isang magulang na partikulo ng masang M ay nabulok sa dalawang mga partikulo na tinatakan na 1 and 2. Sa balangkas ng pagpapahinga ng magulang na partikulo,
na makukuha sa pamamagitan ng pag-aatas na ang apat-na-momentum ay iingatan sa pagkabulok, i.e.
Gayundin, sa mga sperikal na koordinado,
Kung gagamitin ang punsiyong delta upang isagawa ang at ang na mga integral sa yugtong-espasyo para sa dalawang-katawang huling estado, matatagpuan na ang rate ng pagkabulok ng balangkas na nagpapahinga ng magulang na partikulo ay
Mula sa dalawang magkaibang mga balangkas
baguhinAng anggulo ng inilabas na partikulo sa balangkas na lab ay kaugnay ng anggulong inilabas nito sa sentro ng balangkas na momentum ng ekwasyon na
3-katawang pagkabulok
baguhinAng elementong yugtong espasyon ng isang partikulong nabubulok sa tatlo ay
Kompleks na masa at rate ng pagkabulok
baguhinAng masa ng hindi matatag na partikulo ay porma na isang kompleks na bilang na may real na bahagi na masa nito sa karaniwang kahulugan at imahinaryong bahagi na rate ng pagkabulok nito na mga natural na unit. Kapag ang imahinaryong bahagi ay malaki kumpara sa real na bahagi, ang partikulo ay karaniwang iniisip na resonansiya kesa sa isang partikulo. Ito ay dahil sa teoriyang quantum field, ang partikulo ng masang M (isang real na bilang ay kalimitang ipinapalit sa pagitan ng dalawa pang ibang mga partikulo kapag walang sapat na enerhiya upang likhain ito, kung ang panahon ng paglalakbay sa pagitan ng iba pang mga partikulong ito ay sapat na maikli, sa order na 1/m ayon sa prinsipyong walang katiyakan. Para sa isang partikulo ng masang , ang partikulo ay maaaring maglakbay sa panahong 1/m ngunit nabubulok pagkatapos ng panahon ng order na . Kung ang If , kung gayon ang partikulo ay karaniwang nabubulok bago nito kompletuhin ang paglalakbay nito.