Ang isang lepton ay isang elementaryong partikulo at isang pundamental na konstituente ng materya.[1] Ang pinakakilala sa lahat ng mga lepton ang elektron na nangangasiwa sa halos lahat ng mga kemika dahil sa ito ay matatagpuan sa mga atomo at direktang kaugnay nakatali sa lahat ng mga mga katangiang kemikal. Ang dalawang pangunahing mga klase ng lepton ang may kargang mga lepton(na kilala rin bilang tulad ng elektron na mga lepton) at mga neutral na lepton (na mas kilala bilang mga neutrino). Ang mga may kargang lepton ay maaaring sumama sa ibang mga partikulo upang bumuo ng iba't ibang mga kompositong partikulo gaya ng mga atomo at positronium samantalang ang mga neutrino ay bihirang nakikipag-ugnayan sa anumang bagay at dahil dito ay bihirang mapagmasdan.

Lepton
Ang mga lepton ay sangkot sa ilang mga proseso gaya ng pagkabulok ng partikulo. L
KomposisyonElementaryong partikulo
EstadistikaFermioniko
Henerasyonuna, ikalawa, ikatlo
Mga interaksiyonElektromagnetismo, Grabitasyon, Mahinang interaksiyon
Simbolol
AntipartikuloAntilepton (l)
6 (elektron, elektron neutrino, muon, muon neutrino, tau, tau neutrino)
Elektrikong karga+1 e, 0 e, −1 e
Kargang kulayNo
Ikot12

May mga anim na uri ng mga lepton na kilala bilang mga lasa(flavours) na bumubuo ng tatlong henerasyon.[2] Ang unang henerasyon ang mga elektronikong lepton na binubuo ng elektron (e) at elektron na neutrino (νe); ang ikalawang henerasyon ang mga muonikong lepton(muonic lepton) na binubuo ng muon (μ) at muon neutrino (νμ); at ang ikatlong henerasyon ang mga tauonikong lepton(tauonic leptons) na binubuo ng mga tau at tau neutrino(ντ). Ang mga elektron ang may pinakamababang masa sa lahat ng mga may kargang lepton. Ang mas mabigat na mga muon at tau ay mabilis na nagbabago sa mga elektron sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na pagkabulok ng partikulo na transpormasyon mula sa mas mataas na estadong masa sa mas mababang estadong masa. Sa dahilang ito, ang mga elektron ang pinaka matatag at pinakakaraniwang may kargang lepton sa uniberso samantalang ang mga muon at tau ay maaarin lamang malikha sa mataas na enerhiyang pagbabanggang gaya ng mga nasasangkot sa mga sinay kosmiko at sa mga isinasagawa sa mga akselerador ng partikulo.

Ang mga lepton ay may iba't ibang mga likas na katangian kabilang ang elektrikong karga, ikot at masa. Hindi tulad ng mga quark, ang mga lepton ay hindi sumasailalim sa malakas na interaksiyon ngunit ang mga ito ay sumasailalim sa iba pang tatlong pundamental na interaksiyon na grabitasyon, elektromagnetismo(hindi kasama rito ang mga neutrino na mga elektrikong neutral) at mahinang interaksiyon. Sa bawat lasa ng lepton, mayrong katugong uri ng antipartikulo na tinatawag na antilepton na iba lamang sa mga lepton sa dahilang ang ilang mga katangian nito ay may katumbas na magnitudo ngunit kabaligtarang senyas. Gayunpaman, ayon sa ilang mga teoriya, ang mga neutrino ay maaaring sarili nitong antipartikulo ngunit hindi alam sa kasalukuyan kung ito ang ang kaso o hindi.

Ang unang may kargang lepton, ang elektron ay tineorisa noong gitnang ika-19 na siglo ng ilang mga siyentipiko[3][4][5] at natuklasan noong 1897 ni J. J. Thomson.[6] Ang sumunod na lepton na natuklasan ang muon na natuklasan ni Carl D. Anderson noong 1936 ngunit ito ay maling kinlasipika bilang isang meson nang panahong ito.[7] Pagkatapos ng imbestigasyon, natantong ang muon ay walang mga inaasahang katangian ng isang meson kundi bagkus ay umaasal tulad ng elektron na may mas mataas lamang na masa. Umabot hanggang 1947 na imungkahi ang konsepto ng lepton bilang isang pamilya ng partikulo.[8] Ang unang neutrino na elektron neutrino ay minungkashi ni Wolfgang Pauli noong 1930 upang ipaliwanag ang ilang mga katangian ng pagkabulok na beta.[8] Ito ay unang napagmasdan sa eksperimentong Cowan–Reines neutrino na isinagawa nina Clyde Cowan at Frederick Reines noong 1956.[8][9] Ang muon neutrino ay natuklasan noong 1962 nina Leon M. Lederman, Melvin Schwartz at Jack Steinberger,[10] at ang tau ay natuklasan sa pagitan ng 1974 at 1977 nina Martin Lewis Perl at mga kasama nito sa Stanford Linear Accelerator Center at Lawrence Berkeley National Laboratory.[11] Ang tau neutrino ay nanatiling mailap hanggang Hulyo 2000, nang ang kolaborasyong DONUT mula sa Fermilab ay naghayag ng pagkakatuklas nito.[12][13]

Ang mga lepton ay mahalagang bahagi ng Pamantayang Modelo. Ang mga elektron ang isa sa mga sangkap ng atomo kasama ng mga proton at neutron. Ang mga eksotikong atomo kasama ang mga muon at tau imbis na mga elektron ay maaaring i-sintetisa(synthetisized) gayundin din ang mga lepton-antilepton partikulo gaya ng positronum.

Sanggunian

baguhin
  1. "Lepton (physics)". Encyclopædia Britannica. Nakuha noong 2010-09-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. R. Nave. "Leptons". HyperPhysics. Georgia State University, Department of Physics and Astronomy. Nakuha noong 2010-09-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. W.V. Farrar (1969). "Richard Laming and the Coal-Gas Industry, with His Views on the Structure of Matter". Annals of Science. 25 (3): 243–254. doi:10.1080/00033796900200141.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. T. Arabatzis (2006). Representing Electrons: A Biographical Approach to Theoretical Entities. University of Chicago Press. pp. 70–74. ISBN 0226024210.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. J.Z. Buchwald, A. Warwick (2001). Histories of the Electron: The Birth of Microphysics. MIT Press. pp. 195–203. ISBN 0262524244.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. J.J. Thomson (1897). "Cathode Rays". Philosophical Magazine. 44: 293.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. S.H. Neddermeyer, C.D. Anderson (1937). "Note on the Nature of Cosmic-Ray Particles". Physical Review. 51 (10): 884–886. Bibcode:1937PhRv...51..884N. doi:10.1103/PhysRev.51.884.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 "The Reines-Cowan Experiments: Detecting the Poltergeist" (PDF). Los Alamos Science. 25: 3. 1997. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2013-02-21. Nakuha noong 2010-02-10.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. F. Reines, C.L. Cowan, Jr. (1956). "The Neutrino". Nature. 178 (4531): 446. Bibcode:1956Natur.178..446R. doi:10.1038/178446a0.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  10. G. Danby; atbp. (1962). "Observation of high-energy neutrino reactions and the existence of two kinds of neutrinos". Physical Review Letters. 9: 36. Bibcode:1962PhRvL...9...36D. doi:10.1103/PhysRevLett.9.36. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-12-05. Nakuha noong 2012-02-04. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |author= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. M.L. Perl; atbp. (1975). "Evidence for Anomalous Lepton Production in e+e Annihilation". Physical Review Letters. 35 (22): 1489. Bibcode:1975PhRvL..35.1489P. doi:10.1103/PhysRevLett.35.1489. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |author= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Physicists Find First Direct Evidence for Tau Neutrino at Fermilab" (Nilabas sa mamamahayag). Fermilab. 20 Hulyo 2000.{{cite nilabas sa mamamhayag}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. K. Kodama et al. (DONUT Collaboration) (2001). "Observation of tau neutrino interactions". Physics Letters B. 504 (3): 218. arXiv:hep-ex/0012035. Bibcode:2001PhLB..504..218D. doi:10.1016/S0370-2693(01)00307-0.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)