Kabaligtarang pandagdag
Sa matematika, ang kabaligtarang pandagdag (Ingles: additive inverse) o aditibong inberso (mula Kastila inverso aditivo) ng isang bilang na a ay ang bilang na, kapag dinagdag sa a, ay magreresulta sa sero. Dahil rito, kilala rin ang bilang na ito bilang ang kasalungat (na bilang),[1] pagpalit sa pananda,[2] at negasyon.[a] Kilala rin itong opwesto o opuwesto, na mula rin sa wikang Kastila para sa salitang "kabaligtaran" o "kasalungat". Para sa isang tunay na bilang, binabaligtad nito ang pananda nito: ang kabaligtarang pandagdag (kasalungat na bilang) ng isang positibong bilang ay negatibo, at ang kabaligtarang pandagdag ng isang negatibong bilang naman ay positibo. Ang kabaligtarang pandagdag ng sero ay ang sarili niya.
Ang kabaligtarang pandagdag ng a ay isinusulat sa anyong -a.[3][4] Halimbawa, ang kabaligtarang pandagdag ng 7 ay -7, dahil 7 + (-7) = 0, at ang kabaligtarang pandagdag naman ng -0.3 ay 0.3, dahil -0.3 + 0.3 = 0.
Sa parehong diwa, ang kabaligtarang pandagdag ng a - b ay -(a - b), na maaari pang pasimplehin sa anyong b - a. Bilang halimbawa, ang kabaligtarang pandagdag ng 2x - 3 ay 3 - 2x, dahil 2x - 3 + 3 - 2x = 0.[5]
Ang pormal na kahulugan ng kabaligtarang pandagdag ay ang elementong kabaligtaran nito sa ilalim ng operasyong tambalan ng pagdaragdag, na nagpapahintulot ng isang malawak na paglalahat sa mga matematikal na bagay bukod sa mga bilang. Tulad ng ibang mga operasyong nagbabaligtad, ang dobleng kabaligtarang pandagdag ay walang netong epekto: -(-x) = x.
Talababa
baguhin- ↑ Hindi madalas gamitin ang terminong ito dahil na rin sa posibleng kalituhan maaaring maidulot nito, dahil ang kabaligtarang pandagdag ng isang negatibong bilang ay isang positibong bilang.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Tussy, Alan; Gustafson, R. (2012), Elementary Algebra [Mababang Alhebra] (sa wikang Ingles) (ika-5 (na) edisyon), Cengage Learning, p. 40, ISBN 9781133710790
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link). - ↑ Brase, Corrinne Pellillo; Brase, Charles Henry (1976). Basic Algebra for College Students [Panimulang Alhebra para sa mga Estudyante sa Kolehiyo] (sa wikang Ingles). Houghton Mifflin. p. 54. ISBN 978-0-395-20656-0.
...to take the additive inverse of the member, we change the sign of the number. [Salin: ...para kunin ang kabaligtarang pandagdag ng miyembro, papalitan natin ang pananda ng bilang.]
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Compendium of Mathematical Symbols" [Konpendyo ng mga Simbolong Pangmatematika]. Math Vault (sa wikang Ingles). Marso 1, 2020. Nakuha noong Pebrero 22, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Weisstein, Eric W. "Additive Inverse" [Kabaligtarang Pandagdag]. mathworld.wolfram.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Pebrero 22, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Additive Inverse" [Kabaligtarang Pandagdag]. www.learnalberta.ca (sa wikang Ingles). Nakuha noong Pebrero 22, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Tingnan din
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.