Nguyễn Tấn Dũng

(Idinirekta mula sa Nguyen Tan Dung)
Sa pangalang Biyetnames na ito, ang apelyido ay Nguyễn, ngunit kalimitan pinapapayak bilang Nguyen. Ayon sa kaugaliang Biyetnames, ang taong ito ay dapat na tawagin ayon sa pangalang ibinigay sa kanya Dũng.

Si Nguyễn Tấn Dũng [1] (born 17 Nobyembre 1949 sa Cà Mau province) ay ang punong ministro ng Biyetnam. Kinompirma ang kanyang pagkakatalaga ng Pambansang Kapulungan noong 27 Hunyo 2006, nominado siya ng kanyang sinundan na si Phan Văn Khải, na nagretiro sa tungkulin. Si Dung ay kasalukuyang pang-apat sa herarkiya ng Partido Komunista ng Biyetnam.

Nguyễn Tấn Dũng
Si Nguyễn Tấn Dũng noong 2014
Punong Ministro ng Vietnam
Nasa puwesto
27 Hunyo 2006 – 7 Abril 2016
PanguloNguyễn Minh Triết
Nakaraang sinundanPhan Văn Khải
Sinundan niNguyễn Xuân Phúc
Personal na detalye
Isinilang (1949-11-17) 17 Nobyembre 1949 (edad 75)
Cà Mau, Vietnam
Partidong pampolitikaĐCSVN

Talambuhay

baguhin

Si Nguyễn Tấn Dũng ay isinilang sa lalawigan ng Cà Mau sa Timog Vietnam. Noong kanyang ika-12 kaarawan (Nobyembre, 17 1961), ang batang si Nguy?n T?n Dung ay nagboluntaryong sumali sa militar na sangay ng National Liberation Front of South Vietnam, na lumaon ay bahagi ng Vietnam People's Army, siya ang gumagawa ng unang-lunas at mga gawaing pakikipag-komunikasyon; nagtrabaho din siya bilang nars at manggagamot. Apat na beses siyang nasugatan sa Digmaang Biyetnam, at di nagtagal napasama sa lebel na 2/4 sugatang sundalo. Nagtapos siya ng kanyang degree sa batas pagkatapos ng digmaan.

Si Dung ay nauna nang nagsilbi bilang Unang Deputy na Punong ministro mula 29 Setyembre 1997. Isa rin siyang Gobernador ng State Bank ng Vietnam mula 1998 hanggang 1999. Tinanggap siya sa Partido Komunista ng Vietnam noong 10 Hunyo 1967, tapos sumali sa militar bilang mandirigma at nahalal bilang kasapi ng Politburo ng partido sa Ikawalo, Ikasiyam at Ikasampung Pambansang Kapulungan ng Partido.[2]

Siya ang unang senyor na Vietnamese na komunistang pinuno na ipinanganak matapos ang August Revolution noong 1645 at ang pinakabatang Punong Ministro ng Vietnam (57 taong gulang). Isa siyang taal na taga-timog at nanatili sa timog Vietnam sa kasagsagan ng Digmaang Biyetnam.

Nahalal siyang muli noong 25 Hulyo 2007.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. kilala rin bilang Ba Dung, Dung ang Ikatlo, resulta ng paraan ng pagtawag sa Timog Biyetnam, kung saan isinasaalang-alang ng mga tao ang katayuan ng isang indibidwal batay sa pagkakasunod-sunod nilang magkakapatid kanilang pamilya sa paraan ng pagtawag sa kanya; sa kasong ito, si Dung ay ang pangalawang anak ng kanyang mga magulang
  2. Nhan Dan, "Nguyen Tan Dung elected new Prie Minister" Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine., June 27, 2006.
  3. "Vietnam's punong ministro confirmed for new five-year term : Asia World". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-11. Nakuha noong 2009-01-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga tungkuling pampolitika
Sinundan:
Phan Văn Khải
Punong Ministro ng Biyetnam
2006 – kasalukuyan
Kasalukuyan