Nichelino
Ang Nichelino ay isang komuna (munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Turin sa rehiyong Italyano na Piamonte, na matatagpuan mga 8 kilometro (5 mi) timog-kanluran ng Turin.
Nichelino | |
---|---|
Comune di Nichelino | |
Mga koordinado: 45°0′N 7°39′E / 45.000°N 7.650°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Piamonte |
Kalakhang lungsod | Turin (TO) |
Mga frazione | Stupinigi |
Pamahalaan | |
• Mayor | Giampiero Tolardo |
Lawak | |
• Kabuuan | 20.56 km2 (7.94 milya kuwadrado) |
Taas | 229 m (751 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 47,721 |
• Kapal | 2,300/km2 (6,000/milya kuwadrado) |
Demonym | Nichelinesi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 10042 |
Kodigo sa pagpihit | 011 |
Santong Patron | San Mateo |
Saint day | Setyembre 21 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Nichelino ay may mga hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Turin, Orbassano, Beinasco, Moncalieri, Candiolo, at Vinovo.
Kasaysayan
baguhinNoong 1559, ang Nichelino ay isang fief ng pamilya Ussel (Occelli), na naging isang lalawigan noong 1564. Sa huling bahagi ng ika-17 siglo mayroon itong 400 naninirahan, karamihan ay nagtatrabaho bilang mga magbubukid. Noong 1854, nang mayroon itong 1,700 mga naninirahan, ang unang estasyon ng tren ay itinayo sa bayan. Ang populasyon ay nanatiling halos matatag hanggang kalagitnaan ng ika-20 siglo, nang ang isang malaking daloy ng imigrasyon mula sa katimugang Italya ang nagpalobo sa populasyon mula sa c. 15,000 ng 1961 hanggang sa mga 45,000 ng 1971.
Mga pangunahing tanawin
baguhinSa frazione ng Stupinigi matatagpuan ang tanyag na Palazzina di Stupinigi, itinala ng UNESCO bilang Pandaigdigang Pamanang Pook. Kapansin-pansin din ang kastilyo, na kilala bilang Palazzo Occelli (1565).
Mga kambal-bayan
baguhin- Caluire-et-Cuire, France
- Victoria, Malta, Malta
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ All demographics and other statistics: Italian statistical institute Istat.