Nicolas Capistrano

Pilipinong politiko

Si Nicolas Capistrano (Enero 7, 1864 – 1976[2]) ay isang rebolusyonaryong heneral ng Cagayan de Oro, na nakipaglaban sa mga Amerikano noong 1899 hanggang 1901.

Nicolas Capistrano
Si Capistrano mula sa publikasyong Philippine Education, inilathala noong 1917
Kapanganakan7 Enero 1864[1]
  • (Bulacan, Gitnang Luzon, Pilipinas)
Kamatayan1976[1]
MamamayanPilipinas
Trabahopolitiko

Talambuhay

baguhin

Si Nicolas Capistrano ay ipinanganak noong Enero 7, 1864 sa bayan ng Angat, lalawigan ng Bulacan sa Pilipinas. Pagkatapos ng kanyang pag-aaral sa Colegio de San Juan de Letran, nakakuha siya ng Bachelor of Arts degree sa Unibersidad ng Santo Tomas. Noong 1893, matagumpay niyang natapos ang isang bachelor's degree sa batas sa parehong institusyong pang-edukasyon. Noong 1894, naging kasapi si Capistrano sa Philippine Bar. Mula 1890 hanggang 1896, siya ay punong-guro ng isang pribadong paaralan sa Maynila. Kasunod nito, mula 1896 hanggang 1897, siya ang Registrar of Deeds (Tagapagtala ng mga Kasulatan) ng lalawigan ng Misamis. Mula 1899 hanggang sa kanyang pagsuko noong Abril 1901, pinamunuan ni Capistrano ang rebolusyonaryong gobyerno sa Misamis. Sa kaparehong panahon, pinamunuan niya ang mga rebolusyonaryong tropa sa kabundukan ng Misamis.[3][4]

Mula 1901 hanggang 1906, si Capistrano ang tagausig o piskal para sa lalawigan ng Misamis. Mula 1906 hanggang 1907, hinirang siya bilang miyembro ng lupon ng nasabing lalawigan. Noong 1909, naihalal si Capistrano sa Kapulungan ng mga Kinatawan bilang kinatawan ng ikalawang distritong pambatas ng Misamis. Muli siyang nahalal sa parehong posisyon noong 1912. Nahalal si Capistrano sa Senado ng Pilipinas noong 1916 bilang isa sa mga kinatawan ng ikalabing-isang distritong pang-senado. Dahil mas kaunting boto ang nakuha niya kaysa kay Jose Clarin sa nasabing distrito, nanungkulan siya ng tatlong taong termino mula 1916 hanggang 1919.

Pansariling buhay

baguhin

Napangasawa ni Capistrano si Cecilia Trinidad noong 1895[2] at nagkaroon sila ng siyam na mga anak.[5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 https://ancestors.familysearch.org/en/LZLX-MWV/nicolas-fernandez-capistrano-1864-1976; hinango: 10 Hunyo 2022.
  2. 2.0 2.1 "FamilySearch.org". ancestors.familysearch.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 10, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "General Nicolas Capistrano: Educator, Lawyer, Farmer, Patriot and Statesman (First of 2 parts)". SunStar (sa wikang Ingles). Abril 29, 2010. Nakuha noong Hunyo 10, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "The Saga of Gen. Nicolas Capistrano (Part 3)". SunStar (sa wikang Ingles). Mayo 23, 2010. Nakuha noong Hunyo 10, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Mrs. Elsie Musni Capistrano: Ulirang Ina 2019 (Ina ng Angkan)". Mindanao Daily News (sa wikang Ingles). Mayo 23, 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 19, 2022. Nakuha noong Hunyo 10, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)