Ang nihil obstat (Latin para sa "walang humahadlang")[1][2] ay isang deklarasyon nang walang pagtutol sa isang pagkukusà o pagtatalagá.

Isang imprimi potest, nihil obstat at imprimatur (ni Richard Cushing) sa isang aklat na inilathala ng Random House noong 1953. Ang aklat na tinutukoy ay ang salin sa Ingles ni Louis J. Gallagher, S.J. ng De Christiana expeditione apud Sinas ni Matteo Ricci, S.J. at Nicolas Trigault, S.J.

Bukod pa sa pangkaraniwan nitong diwa, higit na ginagamit ang naturang parirala bilang "pagpapatotoo ng isang sensura ng simbahan na walang nilalaman na makasisira sa pananampalataya o morál ang isang aklat".[1] Sa isang Censor Librorum inaatang ng isang obispo ng Simbahang Katoliko ang pagsusuri ng isang teksto. Hindi nangangahulugang sumasang-ayon ang mga naggagawad ng nihil obstat sa mga nilalaman, opinyon o ipinahayag sa isang teksto; sa halip ito'y pagtitiyak lamang na ang teksto ay "walang nilalaman na taliwas sa pananampalatay at morál."[1]

Ang nihil obstat ay ang unang hakbang sa pagpapalathala ng isang aklat na ipatatangkilik sa Simbahan. Kung ang may-akda ay kasapi ng isang relihiyosong institusyon at ang aklat na tinutukoy ay tungkol sa relihiyon o morál, kinakailangang kumuha rin ng imprimi potest ("maaaring ipalimbag") sa isang superyor mayor.[3] Ang huling pag-apruba ay ipinararaan sa imprimatur ("hayaang mailimbag") ng obispo ng may-akda o ng obispo ng limbagan kung saan ito ipalalathala.[4]

Tignan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 The America Heritage Dictionary, nakuha noong 2009-07-30{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. The Importance of the Imprimatur and Nihil Obstat for Roman Catholic Literature, nakuha noong 2009-07-30{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  3. "Code of Canon Law, canon 832". Intratext.com. 2007-05-04. Nakuha noong 2013-01-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Code of Canon Law, canon 824". Intratext.com. 2007-05-04. Nakuha noong 2013-01-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawil

baguhin