Norberto Romuáldez

Filipinong manunulat, abogado at politiko
(Idinirekta mula sa Norberto Romualdez)

Si Norberto Romuáldez y López (6 Hunyo 1875 - 4 Nobyembre 1941) (karaniwang tinatawag na Norberto Romuáldez, Sr. upang hindi maikalito sa kaniyang anak na kasimpangalan niya) ay isang Pilipinong manunulat, politiko, hukom, at mambabatas. Siya ang unang Romuáldez na nagkamit ng pambansang kasikatan, at itinuturing na "Ama ng Batas hinggil sa Pambansang Wika."[1]

Norberto L. Romualdez
Asosyadong Hukom
sa Korte Suprema ng Pilipinas
Nasa puwesto
1 Nobyembre 1921 – 1 Abril 1932
Appointed byWarren Harding
Nakaraang sinundanManuel Araullo
Sinundan niJose Abad Santos
Personal na detalye
Isinilang6 Hunyo 1875(1875-06-06)
Burauen, Leyte
Yumao4 Nobyembre 1941(1941-11-04) (edad 66)
Palapag, Samar

Talambuhay

baguhin

Siya ang tiyuhin ng dating Unang Ginang Imelda Marcos, ang anak na babae ng kaniyang bunsong kapatid na si Vicente Orestes. Lumaki si Romuáldez sa Leyte at nakamit niya ang unang katayuan bilang manunulat sa wikang Waray-Waray. Ang An Pagtabang ni San Miguel (Ang Pagtulong ni San Miguel) ang una niyang sarsuwelang Waray.

Noong 1908, sinulat ni Romuáldez ang Bisayan Grammar and Notes on Bisayan Rhetoric and Poetic and Filipino Dialectology (Balarilang Bisaya at mga Tala hinggil sa Retorikang Bisaya at Poetika at Diyalektolohiyang Filipino), isang balarila tungkol sa wikang Waray-Waray. Noong sumunod na taon, ang 1909, itinatag niya ang Sanghiran san Binisaya ha Samar ug Leyte (Akademya ng Wikang Bisaya ng Samar at Leyte) para sa layuning maitaguyod at pasulungin pa ang karunungan at kaalaman sa wikang Waray-Waray. Matatas din si Romuáldez iba pang mga wikang tulad ng Kastila, Ingles, at Sebwano.

Nanlingkuran si Romuáldez bilang Kasamang Hukom ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas noong panahon ng mga Amerikano. Nakiisa rin siya sa Konstitusyonal na Kumbensiyon ng 1934 at 1935 na nagbunga ng Konstitusyon ng Komonwelt ng Pilipinas ng 1935.

Namatay si Romuáldez noong 1941 dahil sa isang hindi binubunyag na karamdaman.

Mga Sulatin

baguhin

Pangwika

baguhin
  • Bisayan Grammar (Balarilang Bisaya)
  • An Pagtabang ni San Miguel (Ang Tulong ni San Miguel)
  • An Anak han Manaranggot (Ang Anak ng Magtutuba)

Sanggunian

baguhin

Tingnan din

baguhin
Sinundan:
Manuel Araullo
Kasamang Hukom sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas
1921–1932
Susunod:
Jose Abad Santos