Inhinyeriyang nukleyar
Ang inhinyeriyang nukleyar ay isang larangan sa inhinyeriya na humaharap sa paglalapat o paggamit ng pagkasira ng nukleyong atomiko at ng iba pang mga bagay-bagay na may kaugnayan sa pisikang sub-atomiko, na nakabatay sa mga prinsipyo ng pisikang nukleyar. Kabilang dito ang interaksiyon at pagpapanatili ng mga sistema ng pisyong nukleyar at mga kumponente (mga sangkap) na katulad ng mga reaktor na nukleyar, mga planta ng enerhiyang nukleyar[1], at mga sandatang nukleyar.
Kabilang din sa inhinyeriyang nukleyar ang pag-aaral ng pusyong nukleyar, mga paggamit na pangmedisina[2] at iba pa na may kaugnayan sa radyasyon, pag-iingat na pangradyasyon, paghahatid ng init, gatong na nukleyar at iba pang kaugnay na mga teknolohiya, proliperasyong nukleyar, at ang epekto ng basurang radyoaktibo o ng radyoaktibidad sa kapaligiran.
Mga sanggunian
baguhinMga kawing panlabas
baguhin- Major: Nuclear Engineering Naka-arkibo 2010-12-27 sa Wayback Machine.
- Nuclear Science and Engineering Naka-arkibo 2012-11-07 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Inhenyeriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.