Ōdate

(Idinirekta mula sa Odate, Akita)

Ang Ōdate (大館市, Ōdate-shi, Hapones: [oːdate]) ay isang lungsod sa Prepektura ng Akita, Hapon. Magmula noong 1 Enero 2020 (2020 -01-01), may tinatayang populasyon na 71,558 katao ang lungsod sa 31,634 mga kabahayan,[1] at may daming 82 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 913.22 square kilometre (352.60 mi kuw).

Ōdate

大館市
Gusaling Panlungsod ng Ōdate
Gusaling Panlungsod ng Ōdate
Watawat ng Ōdate
Watawat
Opisyal na sagisag ng Ōdate
Sagisag
Kinaroroonan ng Ōdate sa Prepektura ng Akita
Kinaroroonan ng Ōdate sa Prepektura ng Akita
Ōdate is located in Japan
Ōdate
Ōdate
 
Mga koordinado: 40°16′17″N 140°33′51″E / 40.27139°N 140.56417°E / 40.27139; 140.56417
Bansa Hapon
RehiyonTōhoku
PrepekturaAkita
Pamahalaan
 • AlkaldeHajime Obata
Lawak
 • Kabuuan913.22 km2 (352.60 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Enero 2020)
 • Kabuuan71,558
 • Kapal78/km2 (200/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon)
- PunoAkita sugi
- BulaklakKrisantemo
Bilang pantawag0186-49-3111
Adres20 Nakajō, Ōdate-shi, Akita-ken 017-8555
WebsaytOpisyal na websayt

Kasaysayan

baguhin

Ang lugar ng kasalukuyang Ōdate ay bahagi ng sinaunang Lalawigan ng Dewa, bagamat nanatili ito sa labas ng kapangyarihan ng konseho ng Yamato hanggang sa panahong Heian. Noong panahong Edo, napasailalim ang lugar sa kapangyarihan ng angkang Satake, na namuno sa ikatlong bahagi ng hilaga ng lalawigan mula sa Dominyong Kubota, at napanatili ang pangalawang moog sa Kastilyo ng Ōdate. Nawasak ang kastilyo sa kasagsagan ng Digmaang Boshin.

Kasunod ng pagsisimula ng panahong Meiji, ang lugar ay naging bahagi ng Distrito ng Kitaakita, Prepektura ng Akita noong 1878. Itinatag ang bayan ng Ōdate noong Abril 1, 1889 kasabay ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad. Noong panahong Meiji, ang pagkakatuklas ng "itim na inambato" o "black ore" (espalerita at galena - isang paghahalo ng sink, tingga, ginto, pilak, at iba pang mahalagang mga metal) ay humantong sa pagpapaunlad ng maraming mga minahan sa lugar, kabilang ang minahan ng Hanaoka;[2] subalit naubos ang mga deposito pagsapit ng kalagitnaan ng panahong Shōwa.

Noong Hunyo 20, 2005, sinanib sa Ōdate ang mga bayan ng Hinai at Tashiro, kapuwa mula sa Distrito ng Kitaakita.

Heograpiya

baguhin

Matatagpuan ang Ōdate sa kabundukan ng hilagang Prepektura ng Akita, kalakip ang Kabundukang Ōu sa silangan at Prepektura ng Aomori sa hilaga. Isang limasan ang lungsod na napapaligiran ng mga bundok sa lahat ng panig. Bahagi ng lungsod ay nasa mga hangganan ng Pambansang Liwasan ng Towada-Hachimantai. Malaking bahagi ng lungsod ay nababalot ng kagubatan. Dahil nasa looban ito, kilala ang lungsod sa matinding pag-ulan ng niyebe tuwing taglamig nila.

Kalapit na mga munisipalidad

baguhin
Prepektura ng Akita
Prepektura ng Aomori

Demograpiya

baguhin

Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[3] naabot ng Ōdate ang pinakamataas na populasyon nito noong dekada-1950, at bumaba ito mula noon.

Historical population
TaonPop.±%
1920 64,055—    
1930 70,629+10.3%
1940 75,333+6.7%
1950 96,841+28.6%
1960 103,531+6.9%
1970 97,856−5.5%
1980 95,529−2.4%
1990 90,098−5.7%
2000 86,288−4.2%
2010 78,951−8.5%
Datos ng klima para sa Ōdate (1981–2010)
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Sukdulang taas °S (°P) 10.8
(51.4)
17.6
(63.7)
20.1
(68.2)
30.4
(86.7)
32.1
(89.8)
35.1
(95.2)
37.5
(99.5)
38.3
(100.9)
35.7
(96.3)
27.4
(81.3)
22.4
(72.3)
16.2
(61.2)
38.3
(100.9)
Katamtamang taas °S (°P) 1.3
(34.3)
2.5
(36.5)
6.5
(43.7)
14.6
(58.3)
20.0
(68)
24.2
(75.6)
26.9
(80.4)
28.8
(83.8)
24.1
(75.4)
17.8
(64)
10.5
(50.9)
4.1
(39.4)
15.1
(59.2)
Arawang tamtaman °S (°P) −2.4
(27.7)
−1.7
(28.9)
1.6
(34.9)
8.2
(46.8)
13.8
(56.8)
18.4
(65.1)
21.9
(71.4)
23.4
(74.1)
18.4
(65.1)
11.5
(52.7)
5.3
(41.5)
0.3
(32.5)
9.9
(49.8)
Katamtamang baba °S (°P) −6.3
(20.7)
−6.0
(21.2)
−3.0
(26.6)
2.2
(36)
8.2
(46.8)
13.5
(56.3)
17.9
(64.2)
19.1
(66.4)
13.8
(56.8)
6.4
(43.5)
0.9
(33.6)
−3.1
(26.4)
5.3
(41.5)
Sukdulang baba °S (°P) −19.0
(−2.2)
−17.2
(1)
−14.5
(5.9)
−8.5
(16.7)
−2.1
(28.2)
4.6
(40.3)
9.4
(48.9)
9.9
(49.8)
2.7
(36.9)
−2.0
(28.4)
−8.0
(17.6)
−15.8
(3.6)
−18.0
(−0.4)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 101.1
(3.98)
79.8
(3.142)
98.0
(3.858)
108.0
(4.252)
126.7
(4.988)
108.9
(4.287)
215.4
(8.48)
194.4
(7.654)
160.1
(6.303)
141.9
(5.587)
151.8
(5.976)
126.9
(4.996)
1,613
(63.503)
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 1.0 mm) 20.0 17.3 15.7 12.1 12.1 10.8 13.9 11.6 12.8 14.4 17.8 19.8 178.3
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw 59.1 85.5 124.2 153.9 174.0 164.9 144.0 167.1 133.7 124.6 81.1 56.1 1,468.2
Sanggunian: Japan Meteorological Agency[4]

Ekonomiya

baguhin

Nakabatay ang ekonomiya ng Ōdate sa agrikultura, paggugubatan, at pana-panahong turismo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ōdate City official statistics (sa Hapones)
  2. "Mineral deposits of Northern Asia". docstoc.com. 2012. Nakuha noong 2013-07-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Ōdate population statistics
  4. "大舘 1981-2010年". 気象庁. Nakuha noong Hunyo 6, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin

  Gabay panlakbay sa Ōdate mula sa Wikivoyage