Ang Orroli, ibig sabihin ay "roble pubescente" (Arrólli sa wikang Sardo) ay, isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Timog Cerdeña, rehiyon ng Cerdeña, kanlurang Italya, na matatagpuan mga 67.4 kilometro (41.9 mi) hilaga ng Cagliari. Noong Disyembre 31, 2010, mayroon itong populasyon na 2,430 at may lawak na 75.6 square kilometre (29.2 mi kuw).[2] Ang teritoryo ng Orroli ay naglalaman ng isa sa pinakamahalagang nuraghe ng Cerdeña na tinatawag na Nuraghe Arrubiu, ang tanging buo na halimbawa ng limang-toreng nuraghe, isa sa prinsa sa ilog Flumendosa, at ang prinsa ng Mulargia, na nagbigay ng pangalan sa artipisyal na lawa. Sa loob ng nayon mayroong maraming mga hostel at bed and breakfast na nakaayos ayon sa mga lumang pamumuhay at sinaunang tradisyon.

Orroli

Arrolli
Comune di Orroli
Nuraghe Arrubiu
Nuraghe Arrubiu
Lokasyon ng Orroli
Map
Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Italy Cerdeña" nor "Template:Location map Italy Cerdeña" exists.
Mga koordinado: 39°42′N 9°15′E / 39.700°N 9.250°E / 39.700; 9.250
BansaItalya
RehiyonCerdeña
LalawiganTimog Cerdeña
Lawak
 • Kabuuan75.6 km2 (29.2 milya kuwadrado)
Taas
550 m (1,800 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[1]
 • Kabuuan2,224
 • Kapal29/km2 (76/milya kuwadrado)
DemonymOrrolesi
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
08030
Kodigo sa pagpihit0782
WebsaytOpisyal na website

Ang Orroli ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Escalaplano, Esterzili, Goni, Nurri, at Siurgus Donigala.

Sa gitna ng mga batong bahay ng nayon na umaabot sa kahabaan ng talampas ng Pranemuru, na tinitirhan ng mahigit dalawang libong residente ng Orroli, ang mga sinaunang bahay manor ay namumukod-tangi at ginagamit bilang mga museo at talyer ng artisano. Matatagpuan ang lumang sentro ng bayan sa paligid ng simbahang parokya ng San Vincenzo Martire, na muling itinayo sa estilong Gotiko-Aragones noong ika-16 na siglo sa ibabaw ng mga guho na maaaring masubaybayan hanggang sa isang ika-6 na siglong Kristiyanong templo. Sa tabi nito, namumukod-tangi ang kampana nito, na gawa sa pulang porpiri.[3]

Simbolo

baguhin

Ang eskudo de armas at ang watawat ng munisipalidad ng Orroli ay ipinagkaloob sa pamamagitan ng atas ng Pangulo ng Republika noong Enero 21, 2009.[4]

Ebolusyong demograpiko

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. All demographics and other statistics: Italian statistical institute Istat.
  3. "Orroli". www.sardegnaturismo.it (sa wikang Ingles). 2015-11-20. Nakuha noong 2024-06-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Orroli (Cagliari) D.P.R. 21.01.2009 concessione di stemma e gonfalone". Nakuha noong 23 luglio 2022. {{cite web}}: Check date values in: |access-date= (tulong)
baguhin