Osmosis
Ang Osmosis ay tuloy-tuloy na paggalaw ng mga natutunaw na mga molekula sa papamamagitan ng isang medyo-tinatagusang balamban o semi-permeable membrane sa loob ng isang rehiyon na may mataas na konsentrasyon ng solusyon, sa direksyon na nauuwi sa pagbalanse ng mga konsentrasyong solusyon sa dalawang bahagi.[1][2][3] Maari din gamitin ang salitang ito upang isalarawan ang prosesong pisikal kung saan gumagalaw ang kahit anong panunaw sa ibayo ng isang medyo-tinatagusang balamban (tinatagusan sa panunaw, ngunit di sa solusyon) na hinihiwalay ang dalawang solusyon ng magkaibang konsentrasyon.[4][5] Maaring likhain ang osmosis upang gumawa.[6]
Ang presyong osmotiko ay ang pinakamababang presyon na kailangan upang mapanatili ang equilibrium o balanse na walang paggalaw ng panunaw. Ang osmotikong presyon ay isang katangiang magbigay ng tuntuning panlahat (colligative property), ibig sabihin, ang osmotikong presyon ay dumedepende sa konsentrasyong molar ng solusyon ngunit hindi sa kanilang identidad.
Ang osmosis ay isang mahalagang proseso sa sistemang biyolohikal, sapagkat ang balambang (membrane) pang-biyolohiya ay medyo-tinatagusan. Sa pangkalahatan, ang mga balambang ito ay hindi maaaring madaanan ng malalaking mga molekulang polar katulad ng iono, protina, polysacaharide, ngunit maaaring daanan ng di-polar at/o ng mga molekulang hidropobika katulad ng mga lipid, gayon din ng maliliit na molekula katulad ng oksiheno, dioksidong karbono, nitroheno, at nitric oxide. Ang abilidad ng tinatagusan ay dumedepende sa abilidad ng solusyon, charge, kimika at laki ng solusyon. Ang mga molekula ng tubig ay naglalakbay sa balambang ng plasma, balambang tonoplast (vacuole) o protoplast sa pamamagitan ng pagkalat sa phospholipid bilayer gamit ang aquaporin (mga maliliit na transmembrane na mga protina katulad ng mga responable sa dipusyong pinagaan at mga kanal ng iono). Ang osmosis ay nagbibigay ng pangunahing pamamaraan kung saan ang tubig ay dinadala papunta at paalis ng selula. Ang presyong turgor ng isang selula ay pinapanatili ng osmosis sa balambang selula sa pagitan ng loob ng selula at ng kanyang hipotonikong kapaligiran.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Osmosis". Oxford English Dictionary (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) edisyon). Oxford University Press. Setyembre 2005.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Osmosis, (Sa Ingles) Encyclopædia Britannica on-line
- ↑ Haynie, Donald T. (2001). Biological Thermodynamics (sa wikang Ingles). Cambridge: Cambridge University Press. pp. 130–136. ISBN 0-521-79549-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Waugh, A.; Grant, A. (2007). Anatomy and Physiology in Health and Illness (sa wikang Ingles). Edinburgh: Elsevier. pp. 25–26. ISBN 0-443-10101-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Osmosis Naka-arkibo 2009-03-07 sa Wayback Machine.. University of Hamburg. (Sa Ingles) huling binago: 31 Hulyo 2003
- ↑ "Statkraft to build the world's first prototype osmotic power plant". Statkraft (sa wikang Ingles). 2007-10-03. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-27. Nakuha noong 2016-06-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-02-27 sa Wayback Machine.