Paaralang pang-agham

(Idinirekta mula sa Paaralang Pang-agham)

Ang mga paaralang pang-agham ay mga paaralan na kung saan ang agham at sipnayan ay binibigyan ng kabigatan at malaking halaga. Bago makapasok sa ganitong uri ng paaralan, ang mga humahangad makatala ay isinasailalim muna sa mga pagsusulit sa agham at sipnayan. Sa Pilipinas, lahat ng naitayong paaralang pang-agham ay mga mataas na paaralan.

Kasaysayan

baguhin

Sa kasaysayan ng ika-20 siglo hanggang kasalukuyan, ang pinakaunang mataas na paaralang pang-agham na naitatag ay ang Mataas na Paaralan ng Agham ng Bronx, na naitatag noong 1938. Isa ito sa pinakakilalang mataas na paaralan, sa Estados Unidos at sa buong daigdig, at itinuturin itong isa sa pinakamagaling sa daigdig.

Sa Pilipinas, ang pinakaunang paaralang pang-agham na naitatag ay ang Mataas na Paaralang Pang-agham ng Maynila, na naitatag noong ika-1 ng Oktubre, 1963. Ang MPPMaynila ay hinubog na maging katulad ng Mataas na Paaralan ng Agham ng Bronx. Sa kasalukuyan, isa ito sa pinakamagagaling na paaralang pang-agham sa buong Pilipinas. Isang taon pagkatapos ng pagkatatag ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Maynila, ang Mataas na Paaralang Pang-agham ng Pilipinas ay naitindig. Ito ang natatanging mataas na paaralang pang-agham sa Pilipinas na tinutustusan ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya. Mabilisan naman itong sinundan ng pagkabuo ng iba pang mga mataas na paaralang pang-agham sa iba't ibang mga lungsod at lalawigan sa Pilipinas. Ang ilan sa mga naitatag sa bawat rehiyon ay pinili upang maging bahagi ng Mga Mataas na Paaralang Pang-agham ng mga Lalawigan. Sa kasalukuyan, ang karamihan ng mga nagtatapos sa mga paaralang pang-agham sa ay nakapapasok din sa mga tanyag na pamantasan sa Pilipinas o ibang bansa.

Ilang Halimbawa

baguhin

en:Category:Science high schools in the Philippines