Padron:NoongUnangPanahon/04-1
Abril 1: Araw ng April Fools, Araw ng Islamikong Republika sa Iran
- 1924 — Nasintensiyahan si Adolf Hitler (nakalarawan, pang-anim mula kaliwa) ng limang taong pagkakakulong dahil sa kanyang tungkulin sa Beer Hall Putsch at sinimulan ang pagsusulat ng Mein Kampf.
- 1948 — Natanggap ng Kapuluang Peroe ang awtonomiya mula sa Denmark.
- 1949 — Digmaang Sibil ng mga Intsik: Pinangunahan ng Partido Komunista ng Tsina ang isang hindi matagumpay na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Kuomintang sa Beijing, matapos ang tatlong taong paglalaban.
- 1960 — Ipinadala ng TIROS-1 ang unang larawang pangtelebisyon mula sa kalawakan.
- 1978 — Naging Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ang Kolehiyo ng Komersyo ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang dekritong pampangulo.