Padron:NoongUnangPanahon/2008-04-10
- 401 — Ipinanganak si Theodosius II, ang emperador ng Silangang Imperyong Romano mula 408 — 450.
- 1841 — Pinagtibay ng isang makaharing atas ang utos sa pagiging isang lalawigang politiko-militar ng Nueva Vizcaya.
- 1899 — Nagtapos ang dalawang araw na Labanan sa Santa Cruz sa pagitan ng mga Amerikano at Pilipino.
- 1979 — Ipinanganak sa Maynila, Pilipinas si Ryan Agoncillo, isang Pilipinong aktor.
- 1980 — Ipinanganak si Kasey Kahne, isang Amerikanong mamamaneho ng NASCAR, at unang ipinalabas ang Kung Tawagin Siya'y Bathala, isang Pilipinong aksiyong pelikula ng Bukang Liwayway Productions.