Padron:Portal:Anime at Manga/Selected article/11
Ang Fushigi Yûgi: The Mysterious Play (ふしぎ遊戯 Fushigi Yūgi) ay isang Hapon na manga (nang lumaon ito'y naging anime) nilikha ni Yū Watase. Ang pamagat na ginamit ay Fushigi Yūgi sa bersyon ng Viz at tinawag namang Fushigi Yugi sa Singapore.
Sa istorya, dalawang dalaga (Miaka and Yui) ang nakakita ng aklat sa isang mahigpit na seksiyon sa Pambansang Aklatan, na pinamagatang "Ang Libro ng Kalawakan ng Apat na Diyos". Nang buksan nila ang aklat at binasa ang unang pahina, sila'y hinigop ng aklat at napasok sa loob ng istorya, kung saan ang mundong iyon ay maihahambing natin sa sinaunang Tsina.
Ang Fushigi Yugi ay may limampu't dalawang (52) tagpo sa telebisyon, na kung saan ay hinati sa dalawang bahagi. Dagdag pa nito, mayroon din itong dalawang (2) espesyal na tagpong pangtelebisyon, at may kabuuang labing tatlo (13) OAVs, na hinati sa mga sumusunod: Serye 1 (3 senaryo), Serye 2 (6 na senaryo) at Fushigi Yuugi Eikoden (4 na senaryo)