Padron:Portal:Anime at Manga/Selected series/12
Ang Shōnen Onmyōji (少年陰陽師) ay isang magaang na nobela na ginawa ni Mitsuru Yūki at ang ilustrasyon ay ginawa ni Sakura Asagi. Ang nobela ay kasalukuyang nakalisensiya sa The Beans ng 'Kadokawa Shoten'. Ang magaang na nobela ay mayroong 25 bolyum, kasama ang 3 maiikling istorya at isang tabing istorya. Ang gumaganap na manga ay nakalisensiya sa Beans Ace.
Mayroon ding serye ng mga CD, isang larong PlayStation 2 at ito ay isang adapsiyong manga na inanunsiyo noong 2005 at ang musikal na rin. Sa kalayuan, ito ay inanunsiyo noong Agosto 2006 sa Newtype na ang isang adapsiyong anime ay gagawin bilang animasyon ng Studio Deen at ang mga tauhan ay ilalarawan ni Shinobu Tagashira. Sa huli, sinimulan itong ipalabas noong 3 Oktubre 2006.
Ang anime ay ipinalabas sa Animax sa ilalim ng titulong, Shōnen Onmyoji: The Young Spirit Master. Ito ay ipinalabas sa mga istasyon sa buong mundo, kasama ang Hong Kong at Taiwan, at ito ay isinasalin at binobosesan ang mga serye sa Wikang Ingles para sa mga istasyong Ingles tulad ng nasa Timog Silangang Asya at Timog Asya, at ibang rehiyon.
Ang anime ay nakalisensiya para sa distribusyong Hilagang Amerika ng Geneon Entertainment. Subalit, dalawang bolyum lamang ng serye ang nailabas, at hindi pa ito tapos dahil sa pagdating sa pamilihang Amerikano. Noong 3 Hulyo 2008, ang FUNimation ay naganunsiyo na mayroon ito ugnayan sa Geneon para ilabas ang kanilang paglilisensiya, kasama ang Shōnen Onmyōji.