Padron:UnangPahinaAlam/Paunang tulong-panlunas
Ang paunang tulong-panlunas ay ang pagbibigay ng pangunahing magagawang tulong, kalinga, at pangangalaga sa mga taong napinsala ng sakuna o karamdaman. Isinasagawa ito ng isang taong pangkaraniwan hanggang sa panahong maaari nang ibigay ang mas dalubhasang tulong pang-sagip buhay ng mga manggagamot. Kinasasangkapan ang kasanayang ito ng mga payak, ngunit nakapagliligtas, na kasanayang may kaugnayan sa panggagamot. Maaaring makatamo ng pagsasanay ang isang pangkaraniwang tao upang maisagawa ang pagbibigay ng tulong na ito, kahit man hindi ginagamitan ng mga natatanging aparatong panggagamot. Maaari ring ibigay ang tulong na ito sa mga hayop, ngunit ang artikulong ito ay tumutukoy lamang para sa magagawang paunang-tulong na pantao.