Padron:UnangPahinaArtikulo/NAPOCOR

Ang Pambansang Korporasyon sa Elektrisidad (NAPOCOR o NPC) (Inggles: National Power Corporation) ay isang korporasyong pag-aari ng pamahalaan na naglilingkod bilang pinakamalaking tagapagbigay at tagapaglikha ng elektrisidad sa Pilipinas. Ito rin ang pangunahing tagapagbigay ng kuryente para sa MERALCO, ang natatanging tagapamahagi ng kuryente sa Kalakhang Maynila. Ang NAPOCOR ay ang pinakamalaking korporasyon sa bansa sa larangan ng rentas, kahit may suliranin sa pagkakaroon ng kita nito. Nakapaglikha ng mga paratang na nadadawit ang kumpanya sa pagsasagawa nang madalas ng mga katuusang labag sa batas, na nagdudulot ng mahinang pagkakaroon ng kita. Subali't nananatili pa rin sa pagpapatunay na ito. Ang mga ibang agam-agam na ang pagkahina sa pagkakaroon ng kita ay dulot lamang ng kapaligirang pang-ekonomiya. Itinatag ang NAPOCOR noong Nobyembre 3, 1936 sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 120 na ipinasa ni Pangulong Manuel L. Quezon. Isinabansa ng batas ang industriyang hidroelektriko at inilaan ukol sa gamit ng NAPOCOR, lahat ng mga batis, mga lawa at mga bukal sa Pilipinas kung saan makakalikha ng kuryente, na napapailalim sa mga umiiral na karapatan. Ang korporasyon ay itinatag nang likas bilang di-pansaping korporasyong pambayan sa ilalim Batas Komonwelt Blg. 120. Noong 1960, gayumpaman, sa ilalim ng Batas Republika Blg. 2641, napalitan ito sa pansaping korporasyon, ganap na pag-aari ng pamahalaan, na may halaga ng puhunang P100 angaw.