Pambansang Korporasyon sa Elektrisidad
Ang Pambansang Korporasyon sa Elektrisidad (NAPOCOR o NPC; Ingles: National Power Corporation) ay isang korporasyong pag-aari ng pamahalaan na naglilingkod bilang pinakamalaking tagapagbigay at tagapaglikha ng elektrisidad sa Pilipinas. Ito rin ang pangunahing tagapagbigay ng kuryente para sa MERALCO, ang natatanging tagapamahagi ng kuryente sa Kalakhang Maynila at mga karatig na mga lalawigan. Nagsilbi din ang NPC bilang tagapamahala at may-ari ng grid ng kuryente sa Pilipinas at mga kaugnay nitong pasilidad at ari-arian mula sa paglikha nito noong Nobyembre 3, 1936 (sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 120 na ipinasa ni Pangulong Manuel L. Quezon) hanggang sa paglipat ng operasyon, pagpapanatili, at pagmamay-ari ng grid sa ibang korporasyong pagmamay-ari ng gobyerno, ang Pambansang Korporasyon sa Transmisyon (National Transmission Corporation o TransCo), noong Marso 1, 2003.
National Power Corporation | |
Punong-himpilan ng NAPOCOR sa Lungsod Quezon | |
Buod ng Ahensya | |
---|---|
Pagkabuo | 3 Nobyembre 1936 |
Kapamahalaan | Pamahalaan ng Pilipinas |
Punong himpilan | Panulukan ng Daang BIR at Abenida Quezon, Diliman, Lungsod Quezon, Pilipinas |
Kasabihan/motto | Pinapalakas namin kayo. |
Empleyado | 1,889 (July 2015) |
Taunang badyet | PHP1.536 Bilyon (2014) |
Tagapagpaganap ng ahensiya |
|
Websayt | www.napocor.gov.ph |
Dating pinakamalaking korporasyon sa bansa ang NAPOCOR sa larangan ng kita. Suliranin sa pagkakaroon ng kita ang pangunahing alalahanin nito dahil ang negosyo nito ay misyonaryong elektripikasyon na nagbibigay ng kuryente sa liblib, at malayo sa grid na lugar at pulo na nakasubsidiya.[1] Bilang isang korporasyong pagmamay-ari at kontrolado ng pamahalaan, napapailalim ang NAPOCOR sa pagsisiyasat ng Komisyon ng Awdit (Commission on Audit o COA) at Komisyon sa Pamamahala para sa Mga Korporasyong Pag-aari at Kinokontrol ng Pamahalaan (Governance Commission for Government Owned and Controlled Corporations o GCG). Pinapamahalaan din nito ang mga malalaking dike at 11 watershed (o lugar na pinanggagalingan ng tubig) sa bansa at patuloy na pinapangasiwa ang pagsasapribado ng mga natitirang hindi pa naaayos na ari-arian ng gobyerno. Mula noong Disyembre 2015, mayroon ang NPC ng kabuuang 1,735 Megawatt ng nililikhang kapasidad, na kinabibilangan ng 345 MW ng maliliit na mga henerador (o generator) sa maliliit na mga pulo at malayo sa grid na mga lokasyon, at 1,390 MW sa hidroelektrikong mga planta ng kuryente at mga malayang plantang na naglilikha ng kuryente sa pangunahing mga grid.
Kasaysayan
baguhinPagkalikha
baguhinItinatag ang NAPOCOR noong 3 Nobyembre 1936 sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 120 na ipinasa ni Pangulong Manuel L. Quezon.[2] Isinabansa ng batas ang industriyang hidroelektriko at inilaan ukol sa gamit ng NAPOCOR, lahat ng mga batis, mga lawa at mga bukal sa Pilipinas kung saan makakalikha ng kuryente, na napapailalim sa mga umiiral na karapatan. Ang korporasyon ay itinatag nang likas bilang di-pansaping korporasyong pambayan sa ilalim Batas Komonwelt Blg. 120. Noong 1960, gayumpaman, sa ilalim ng Batas Republika Blg. 2641, napalitan ito sa pansaping korporasyon, ganap na pag-aari ng pamahalaan, na may halaga ng puhunang P100 angaw.
Pagbabago sa karta
baguhinAng puhunang saping may pahintulot ay lumaki sa P250 angaw sa ilalim ng Batas Republika Blg. 3034 na ipinasa noong 17 Hunyo 1961 at lalo pang lumaki sa P300 angaw sa ilalim ng Batas Republika Blg. 4897 na sinang-ayunan noong 17 Hunyo 1967. Ang mahalagang kaganapan sa korporadong katunayan ng NAPOCOR ay pagpasa ng Batas Republika Blg. 6395 kung saan ipinanganak ang nabagong karta ng NAPOCOR noong 9 Setyembre 1971. Sa ilalim ng nabagong karta, ang mga gawain ng korporasyon ay ikinalat sa pamamahala at hahawakan ng tatlong tanggapang panrehiyon na itinatag sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang karta, tulad din, ay lumalawig ng buhay-korporado ng NAPOCOR sa taong 2036.
Ang pagpapaubaya ng NAPOCOR sa pagkukuryente ng Pilipinas
baguhinSa layunin ng pamahalaan na iangat ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagkakamit ng kabuuang pagkukuryente, lalo na sa kanayunan, inilabas ang Kautusang Pampanguluhan Blg. 40 noong 7 Nobyembre 1972 sa pagtatayo ng mga hiwalay na guhit na may mga sentral/ikinawing pasilidad na paglilikha at mga kooperatiba ukol sa pamamahagi ng kuryente. Ang NAPOCOR, bilang ahensyang nagpapairal na may pahintulot ng bansa, ay napagkakatiwalaan na may tungkulin sa pag-aayos ng mga linyang guhit ng pagpapadala at pagtatayo ng nakipag-ugnayang pasilidad na paglilikha sa Luson, Mindanaw, at ang mga pangunahing pulo ng bansa, kabilang ang Bisayas.
Noong Enero 1974, inilabas ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Kautusang Pampanguluhan Blg. 380 na isailalm ang NAPOCOR sa Tanggapan ng Pangulo. Isinaisip ang kilos upang ang NAPOCOR ay maging higit na mabisang sandigan sa pagsasakatuparan ng pamahalaan sa pagtitipid at paggamit ng pinagkunang-yaman sa tubig at sa kabuuang pagkukuryente sa bansa. Ibinunsod nang lubos ng Kautusan ang halaga ng puhunan ng NAPOCOR sa P2,000 angaw at ang pangunahing pagkakautang, pantanging pagkahaling, sa P3,000 angaw.
Noong Disyembre 1975, alinsunod sa pagpapatuloy ng pagpupunyagi ng Pilipinas upang ang makinarya ng pamahalaan ay maging higit na angkop at matugon sa mga pangangailangan ng paglilingkod at ng mga tao, nagpasiya ng Pangulo na isama ang NAPOCOR sa Kagawaran ng Gawaing Pambayan, Transportasyon at Komunikasyon. Ang paglipat ay nagdulot sa pamamagitan ng Liham ng Pagpapairal Blg. 30 na nasa petsang 11 Disyembre 1975, alinsunod sa Kautusang Pampanguluhan Blg. 830 na nasa petsang 27 Nobyembre 1975 na naglalawig 'malubay and umiiral na awtoridad sa Pangulo sa muling-pagtatayo ng Tanggapan ng Pangulo."
Lumalaking halaga ng puhunan
baguhinAng pinakahuling aksiyong Pampanguluhan na nagbibigay ng karagdagang udyok sa korporasyon sa pagpapairal ng programa sa pagpapaunlad ng kuryente ay naglalangkap sa Kautusang Pampanguluhan Blg. 938 na inilabas noong 27 Mayo 1976, na lumaki nang lubos ang halaga ng puhunan ng NAPOCOR sa P8,000 angaw at ang pangunahing pagkakautang sa P12,000 angaw.
Nagbibigay ito ng pahintulot sa NAPOCOR na makipagkasundo ng pautang panlabas ng hanggang EU$4,000 angaw. Ang pag-angat ng korporasyon ay nag-aalok upang katiin ang mga posibleng pinagkunan ng kuryente, lalong-lalo na ang pagpasok sa Kaunlaran ng enerhiyang nuklear, na nangangailangan ng higit na maraming lakas at sigla sa kakayang pampananalapi. Noong 6 Oktubre 1977, kasabay sa pagkatatag ng Kagawaran ng Enerhiya sa ilalim Kautusang Pampanguluhan Blg. 1206, isinama ang NAPOCOR sa bagong kagawaran ukol sa mga layunin ng pampatakarang pakikipagtulungan at integrasyon sa mga programang pansektor.
Sa isang kilos kung saan nasalangguhitan ang mapanuring kahalagahan ng kuryente sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa, at sa isang pagpapakita sa kakayahan ng mga tauhan ng NAPOCOR upang iangat sa hamon ng mga panahon, pinalaki ni Pangulong Marcos ang halaga ng puhunan sa P50,000 angaw. Ang aksiyon ng pagsasaayos ng rekord ng Pangulo ay nagawa sa pamamagitan ng pagpapalabas ng Blg. 1360 noong 24 Abril 1978, na itinatag nang mabisa ang NAPOCOR bilang pinakamalaking korporasyon sa bansa.
Ang paglaki ng halaga ng puhunan ng NAPOCOR sa P50,000 angaw ay itinuring pautos na pahintulutan ang NAPOCOR upang isulong ang programa sa pagpapalawak ng pabilisang kuryenteng ito ang pagtatayo ng mga pasilidad sa paglilikha sa Luzon, Visayas at Mindanao at ang pagkakaayos ng magkaalinsabay na mga guhit na linya sa paglilipat. Sa ilalim ng dating Kautusang Pampanguluhan Blg. 938 na inilabas noong 27 Mayo 1976, ang halaga ng puhunan ng NAPOCOR ay isinaayos sa P8,000 angaw habang ang bubong ng panlabas na paghihiram ay itinakda sa EU$400 angaw. Ang mga halaga nito, na ito'y napapaniwalaan, ay hindi na maaaring maging sapat sa taong 1987 kung saan napahintulutan ang NAPOCOR upang ipagpatuloy nang matagumpay at mabuo ang programa sa pagpapalawig ng kuryente nito.
Ang paglaki sa halaga ng puhunan ay inaasahang makayanan ng higit na mataas na antas ng korporadong pagkamalubay sa pagpapairal ng programa sa kuryente, na kasing antas sa tagapamahala ng korporasyon. Sa isang sabay-sabay na kaunlaran, inatasan ng pangulo si Gabriel Y. Itchon bilang Katulong na Ministro ng Enerhiya at magkaayong pangulo at punong opisyal sa tagapagpaganap ng NAPOCOR, ang kauna-unahang inatasan sa ganoong uri ng kakayahan sa kasunod na 43-taong kasaysayan ng korporasyon. Sa ilalim ng Kautusang Pampanguluhan Blg. 1360, napalitan ng paghirang ng Pangulo sa Pangkalahatang Tagapamahala bilang puno ng tanggapan. Sapul sa pagtatalaga ni Itchon bilang pangulo ng NAPOCOR ay ang mga pagtatalaga ng mga tauhan sa pangunahing tagapamahala sa mga posisyon ng pangalawang pangulo na nakatatanda, pangalawang pangulo, at pangkagawarang tagapamahala bilang bahagi ng kilos na muling-pagkabuo upang ang korporasyon ay maging higit na matugon at mapamihasahin sa mga pangangailangan ng paglilingkod at mga hiling ng mga kapanahunan.
Paghawak ng MERALCO
baguhinNoong Nobyembre 1972, nang inilabas ng Pangulo ang Kautusang Pampanguluhan Blg. 40, binigyan ng kapangyarihan ang NAPOCOR "na mag-ari at magsagawa ng operasyon, bilang tanging pinag-isahang sistema, ang lahat ng mga pasilidad sa paglilikha ukol sa paglalaan ng enerhiyang elektriko sa kabuuang lugar na sinalikupan ng anumang guhit na itinayo ng NAPOCOR." Nagdidili-dili na pag-isahin ang sistema ay nasa lahat ng mga yunit ng paglilikha ng MERALCO, at sa ganoon nagsimula ang isang mahaba at kaaya-ayang negosasyon ukol sa pagbibili at paglilipat ng mga yunit na ito sa pamahalaan na naaayon sa pasubali at kalagayan na tanggap ng lahat ng mga panig.
Sa wakas, noong 11 Hunyo 1978, ang ilang negosasyon ay nakarating sa matagumpay na kasagsagan na may paglalagda ng kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at MERALCO ukol sa pagbibili ng mga yunit na paglilikha ng enerhiya ng sa bandang huli sa kabuuang halaga ng P1,100 angaw. Nilagdaan ang kasunduan ng Ministro ng Pananalapi na si Cesar E. A. Virata, kumakatawan ng pamahalaan, at Cesar C. Zalamea, tagapangulo ng MERALCO, at naroon sina Ministro ng Enerhiya Geronimo Z. Velasco, Katulong na Ministro ng Enerhiya at Pangulo ng NAPOCOR Gabriel Y. Itchon, Kinatawan ng IBP Emilio M. Abelo, Sr. at Ingat-yaman ng MERALCO Antonio Ozateta bilang mga saksi.
Ang pagbibili ng pamahalaan ng mga plantang termal ng MERALCO ay nasa linya na may patakaran ng NAPOCOR upang isentralisahin ang lahat ng mga naikakarga sa paglilikha sa Luzon sa ilalim ng operasyon bilang bahagi ng pag-iisahin ng tinatawag na guhit ng Luzon. Sa ganitong sentralisasyon ay lumalayon sa pagbibigay ng enerhiya sa dako ng Pilipinas at nagtatayo nang paunti-unti ng naikakarga sa paglilikha ukol sa elektrisidad alinsunod sa layunin ng pamahalaan ng kabuuang elektripikasyon ng bansa.
Ang mga yunit ng MERALCO na sakop ng panimulang pagbebenta ay ang mga Malaya 1 sa Pililla, Rizal; Gardners 1 at II at Synders 1 at II sa Sucat, Parañaque, at mga pasilidad ng pag-iimbak ng dupong sa San Pascual, Batangas. Ang mga negosasyon ukol sa pagbebenta ng MERALCO ay nagsimula noong 1975 nang lumapit ang MERALCO sa pamahalaan ukol sa tulong ayon sa mga suliraning pampananalapi na nahihirapan para sa MERALCO na makamit ang malaking paglilingkod sa pautang na hinihiling. Kung gayon, ang inampalan ng inter-ahensiyang pamahalaan ay binuo upang mamuno ng mga pag-aaral ng pagtataya ng halaga.
Noong 11 Agosto 1975, ang unang kasunduang kalatas sa pagitan ng pamahalaan at MERALCO ay nilagdaan ng Kalihim sa Tagapagpaganap Alejandro B. Melchor, Jr. at dating Tagapangulo ng MERALCO Emilio M. Abello, Sr. Pagkalipas ng mga taon, ang komposisyon ng inampalan ng pamahalaan ay sumailalim sa mangilan-ngilang pagbabago na dinala tungkol sa mga pagreretiro mula sa paglilingkod, mga paglilipat sa mga gawain at mga pagtatalaga ng mga tauhang teknikal. Ang mga representasyon para sa NAPOCOR ay nagsimula kay Ramon R. Ravanzo noong 1975, sumunod kay Conrado D. del Rosario sa kasunod ng taong iyon, at kay Pangulong Gabriel Y. Itchon.
Noong 1986 sa kapanahunan ng Rebolusyong EDSA, nagretiro si Pangulong Gabriel Y. Itchon sa paglilingkod sa pamahalaan. Inatasan ni Pangulong Aquino ang dating Pangkalahatang Tagapamahala ng NAPOCOR na si Conrado D. del Rosario bilang bagong pangulo ng NAPOCOR na umupo sa tanggapan mula Mayo 1986 hanggang Nobyembre 1987. Napalitan si Del Rosario kay Ernesto M. Aboitiz na inatasan ni Pangulong Aquino bilang pangulo ng NAPOCOR noong Nobyembre 1987.
Hinalili ng NAPOCOR ang mga iba pang plantang tagalikha ng enerhiya
baguhinAng pinakamakabuluhang naisagawa ng NAPOCOR noong 1988 ay ang paglalagda ng kasunduang kalatas sa Pambansang Administrasyon sa Elektripikasyon (NEA) ukol sa paghalili ng NAPOCOR ng mga pasilidad ng paglilikha ng mga kooperatibang elektrikal sa mga malalayong pulo ng kapuluan. Ang direktiba ng Pangulong Aquino ay itinuon sa mga halaga ng elektrisidad sa buong bansa sa hindi hihigit na P2.50 bawat kilowat-oras at hinikayat ang NAPOCOR na ihalili ang mga gawaing produksiyon ng elektrisidad ng mga kooperatiba sa mga maliliit na pulo at mga hiwalay na lugar.
Sa Abril 1991, nakapaghalili ng NAPOCOR ang mga pasilidad sa paglilikha at operasyong teknikal ng iba't ibang kooperatiba ng mga 26 na malalayong pulo ng kapuluan. Lubos na suportado ng patakaran ng pamahalaan sa pag-uudyok ng mga pamumuhunan ng mga pribadong sektor, nakapagbuo ng NAPOCOR noong 1989 ang mga umiiral na tuntunin at alintuntunin ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 215, kung saan pinapayagan ang mga namumuhunang pribado na lumahok sa paglilikha ng kuryente sa pamamagitan ng mga pakakas tulad ng Kohenearsyon, Lipat Pagtatayo-Pag-andar (BOT), at Pagtatayo-Pansarili-Pag-andar (BOO). Ang direktibang ito ay nagpapalakas ng pambansang patakaran ng pag-uudyok ng pagkakadalawit ng aktibong pribadong sektor sa mga pangunahing gawaing pang-ekonomiya, na kinikilala na ang pribadong sektor ay maaaring maging kawaksi sa pagbubuo ng bansa.
Paglaki ng kapasidad ng mga plantang tagalikha
baguhinBukod pa rito, ang mga panukala mula sa iba't ibang tagapaglunsad ng BOT at BOO ay nabigyang-daan noong 1988 at sa unang bahagi ng 1989. Ang pagkakahantong nito sa paglalagda ng isang kasunduang BOT sa katapusan ng 1988 sa pagitan ng NAPOCOR at Maytakdang Pamamahala ng Enerhiya ng Hopewell ng Hong Kong ukol sa paglalagay ng dalawang 110-megawat na plantang turbina sa Luzon. Ang mga turbinang gas ay nakapag-ayunan sa mga planta ng enerhiya na tanggap ng karamihan dahil sa kanilang kalantayan sa pagpapatayo, kakayahan sa mabilisang pagsisimula, at kariwasaan ng pagkakabit ng guhit pangkuryente at higit na maikling panahon sa paglalagay. Ang sukdulang mithiin ng NAPOCOR ay makamit ang kabuuang elektripikasyon bago ang pagsapit ng ika-21 dantaon. Sa ganitong uri ng plano na pinapangarap, tinatanaw ng NAPOCOR ang interkoneksiyon ng mga malayang-lahatang guhit sa Luzon, Visayas at Mindanao sa pamamagitan ng makabagong sistema ng linya na higit na mataas kaysa sa ulo ng mga tao at mga kableng submarina. Noong 1990, ang proyektong interkoneksiyon ng Negros-Panay ay nailagay nang sa wakas sa operasyon. Ang mga kableng submarina na may sukat na 18.3 km (11.4 na milya) na nag-iinterkonekta ng mga dalawang pulo ay nagbibigay ng pagkakataon ang NAPOCOR na gamitin ang butal na singaw mula sa planta ng enerhiyang Heotermal ng Palimpinon sa Negros. Ang proyekto ay bahagi ng pangunahing plano ng malalansangang kuryente para sa kabuuang bansa. Ang pangunahing bahagi ng proyektong ito ay ang interkoneksiyon ng guhit ng Luzon sa Leyte kung saan ang malawak na parang ng singaw ay matatagpuan.
Kamay-sa-kamay na may mga kusa sa pagtitiyak ng matalab na paglilingkod sa kuryente, nagsumikap ang NAPOCOR na tumulong sa pagpapaunlad ng mga pamayanan sa mga lugar kung saan matatagpuan ang mga pasilidad planta ng enerhiya at paglilipat. Noong 13 Hunyo 1991, inatasan ni Pangulong Corazon C. Aquino si Pablo V. Malixi bilang ikaapat na pangulo ng korporasyon bilang kapalit kay Ernesto M. Aboitiz na itinalagang tagapangulo ng Pambansang Lupon sa Kuryente.
Sa taong din iyon, itinayo at ginawaran ng komisyon ng NAPOCOR ang mga 11 yunit ng turbinang gas sa kabuuan ng ng bansa upang makamtan ang mabilisang kakulangan sa paglalaan ng kuryente, na nagbunsod ng isang pinalaking tuyong relyebo. Bukod pa rito, nagpatayo ng samahan sa kuryente na pag-aari ng pamahalaan ang mga 768 pakat na tagalikhang disel (na may kabuuang kapasidad ng 19.7 KW) upang mapaglingkuran ang mga mamimili sa mga nakahiwalay na pulo – nasa linya na may misyon ng NAPOCOR upang dalhin ang mga kapararakan ng elektrisidad sa mga pinakamalayong panulukan ng bansa.
Nagkaroon ng pagbabago sa pamunuang korporado ng NAPOCOR noong 1993. Iniluklok si Dr. Francisco L. Viray bilang bagong pangulo ng NAPOCOR. Noong Setyembre 1994, napalitan at naging ikaanim na pangulo na si Guido Alfredo A. Delgado, isang bangkero at pinakabata na niluklok sa pagkapangulo ng NAPOCOR. Siya'y pumalit kay Dr. Viray na hinirang bilang Kalihim ng Enerhiya, dating Pangalawang Tagapangulo ng Lupong NP Delfin L. Lazaro na nagpasiyang magretiro sa paglilingkod sa pamahalaan.
Naghinuha ng NAPOCOR ang taong 1995 na may kabuuang kapasidad sa paglilikha ng 9,507 megawat (MW), ang pag-akyat na 4.84% mula sa taya ng 9,068 MW. Ito ay dahil sa paggawad ng komisyon ng bilang ng planta ng enerhiya sa taong iyon ng NAPOCOR at ng mga malayang tagalikha ng kuryente. Gayundin, ang kabuuan ng 312 salikop km (195 milya) ng mga linyang paglilipat ay itinayo sa lahat ng panig ng bansa. Umakyat ang produksiyon ng enerhiya ng NAPOCOR sa 33,296 gigawat oras (GWh) noong 1995, isang pag-akyat nang 8.7% mula sa mga pigura noong nakaraang taon habang ang mga benta ng enerhiya ay umakyat nang 7.9% sa 31,031 GWh. Ang paglawak nito sa produksyo at mga benta ay tumapat sa umaakyat na pangangailangan ukol sa kuryente noong taon din iyon na umakyat nang 10.68% sa 5,328 MW. Noong 1996, ginawaran ng komisyon ng NAPOCOR ang 10-kilowat planta ng enerhiyang turbina sa hangin. Bukod pa rito, ang 700-mega na planta ng enerhiyang pinaapoy na uling na itinayo ng Hopewell sa ilalim ng pakakas na BOT ay ginawaran ng komisyon sa operasyon.
Talaan ng mga planta ng enerhiya ng NAPOCOR
baguhinAng mga planta ng enerhiya na pag-aari ng NAPOCOR ay kasalukuyang nakatayo:[3]
Uri ng planta | Pangalan | Pinagkunan ng enerhiya | Rehiyon |
---|---|---|---|
Bacon-Manito Leyte Makiling-Banahaw Palinpinon Tiwi |
Init ng lupa Init ng lupa Init ng lupa Init ng lupa |
VIII IV VII V | |
Agus 1 Agus 2 Agus 4 Agus 5 Agus 6 Agus 7 Agusan Amlan Angat Cawayan Loboc Magat Pantabangan - Masiway Pulangui Mataas na Agno |
Tubig Tubig Tubig Tubig Tubig Tubig Tubig Tubig Tubig Tubig Tubig Tubig Tubig Tubig |
ARMM XII XII XII XII XI VII III V VII III III X CAR | |
Batangas Bohol Masinloc Panay Gabara ng Kuryente 101 Gabara ng Kuryente 102 Gabara ng Kuryente 103 Gabara ng Kuryente 104 |
Karbon Gasolinang Diesel Gasolinang Diesel Gasolinang Diesel Gasolinang Diesel Gasolinang Diesel Gasolinang Diesel |
VII III VI VII VII VII VII |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Rappler Animate: Why electricity rates in Philippines are high". Rappler (sa wikang Ingles).
- ↑ "Kasaysayan ng NAPOCOR". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-24. Nakuha noong 2008-07-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-07-24 sa Wayback Machine. - ↑ "Tala ng mga Planta ng Enerhiya ng NAPOCOR". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-12. Nakuha noong 2008-07-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-07-12 sa Wayback Machine.