Luzon

pinakamalaking pulo ng Pilipinas
(Idinirekta mula sa Luson)

Ang Luzon, Kalusunan o Hilagang Pilipinas, ang pinakamalaking pulo sa Pilipinas at ika-17 sa daigdig. Katawagan din ang "Luzon" sa isa sa tatlong pangkat pangkapuluan sa bansa, kasama ng Kabisayaan at Mindanao.

Luzon
Palayaw: Hilagang Pilipinas
Heograpiya
LokasyonTimog-silangang Asya
ArkipelagoKapuluan ng Pilipinas
Pamamahala
Pilipinas
Demograpiya
Populasyon39,500,000

Bilang isang pulo, ang Luzon ay may sukat na 104,688 kilometro kwadrado. Dito matatagpuan ang lungsod ng pamahalaan ng bansa, ang Maynila, at ang pinakamataong lungsod, ang Quezon City. Mabundok ang pulo at dito matatagpuan ang Bundok Pulag, ang ikalawang pinakamataas na bundok sa bansa, at ang Bulkang Mayon, ang pinakatanyag na bulkan. Nasa kanluran ng pulo ang Dagat Timog Tsina, sa silangan ang Dagat Pilipinas, at sa hilaga ang Kipot ng Luzon.

Ang pangkat ng pulo na matatawag na Kalusunan ay kinabibilangan ng Luzon kasama ang pangkat ng Batanes at Babuyan sa hilaga, ang mga pulo ng Catanduanes, Marinduque, Masbate, Romblon, Mindoro at Palawan sa timog. Nahahati ang pangkat ng pulo sa walong rehiyon at 38 lalawigan.

Heograpiya

baguhin

Ang kabuuang sukat ng Luzon ay 76,969,315.9 square kilometre (29,718,019.0 mi kuw),[1], ang ika-17 pinakamalaking pulo sa buong daigdig. Matatagpuan sa Luzon ang punong lungsod ng Pilipinas, ang Maynila, at ang pinakamataong lungsod sa Pilipinas, ang Lungsod ng Quezon. Mabundok ang pulo na kung saan matatagpuan ng Bundok Pulag, ang ikatlong pinakamataas na bundok sa bansa, at ang mga Bulkang Pinatubo, Bulkang Mayon, Bulkang Taal, ay ilan sa mga tanyag na mga bulkan sa Luzon. Matatagpuan sa kanluran ng Luzon ang Dagat Kanlurang Pilipinas, sa silangan ang Dagat Pilipinas, at sa hilaga ang Kipot ng Luzon.

Halos parihaba ang sukat ng pulo ng Luzon at may mahabang tangway sa timog silangan na tinatawag na Tangway ng Bikol. Ang hilagang bahagi ng pulo ay kinapalolooban ng malalaking bulubundukin, ang Cordillera Central.

Sa silangan ng Cordillera Central ay ang malaking Lambak ng Cagayan, na nagsisilbing tagasalo, ng Ilog Cagayan, ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas. Sa silangan ng lambay ay matatagpuan ang bulubundukin ng Sierra Madre, ang pinakamahabang bulubundukin sa bansa.

Sa timog silangan ng Look ng Maynila matatagpuan ang pinakamalaking lawa sa bansa, at ang pinakamalaking lawa sa loob ng kalupaan sa Timog Silangang Asya, ang Lawa ng Bay.

Rehiyon Anim na dibisyon Apat na dibisyon Tatlong dibisyon Dalawang dibisyon
Rehiyon ng Ilocos Ilocandia Hilagang Luzon Hilaga at Gitnang Luzon Hilaga at Gitnang Luzon
Lambak ng Cagayan
Cordillera Administrative Region Cordilleras
Gitnang Luzon Gitnang Luzon
National Capital Region Kalakhang Maynila Southern Luzon
Calabarzon Southern Tagalog Southern Luzon Southern Luzon
Mimaropa
Rehiyon ng Bicol Bicolandia

Pisikal

baguhin

1. HILAGANG LUZON

baguhin
 
Ang Hilagang Luzon (Northern Luzon)

Ang Hilagang Luzon o Northern Luzon ay binubuo ng 3 kluster sa tatlong rehiyon, Ang Rehiyon ng Ilocos, Cordillera Administrative Region at Lambak ng Cagayan, dito matatagpuan ang Sierra Madre (Pilipinas), pinakamahabang ilog sa Pilipinas ang Ilog Cagayan, Bulubunduking Caraballo, Banaue Rice Terraces at ang lungsod ng Baguio. Dito matatagpuan ang unang hangganan ng Pilipinas ang lalawigang isla ng Batanes na kilalang dayuhan ng mga turista ang White Parola at ang Windmill sa bayan ng Bangui, Ilocos Norte, Ang Hilagang Luzon ay ang bumabakod sa tinatawag na Luzon Straight at pumapagitan sa mga bansang Tsina at Taiwan sa Timog Dagat Tsina. Ito ay ang dulo ng Luzon sa direksyong Hilaga (North).

Ang Gitnang Luzon o Central Luzon Region 3 ay ang Gitnang Rehiyon sa isla ng Luzon ito ay pumapagitan sa mga rehiyon ng Hilagang Luzon, Timog Luzon at Kalakhang Maynila, ito ang mga lalawigan ng: Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales, Ang probinsya ng Aurora sa pagitan ng taong 2002 ay nakapaloob sa Rehiyong Timog Katagalugan o Southern Tagalog. Ang rehiyong sentro ng Gitnang Luzon ay ang San Fernando, Pampanga.

4 Dibisyon

baguhin
Rehiyon Sentrong rehiyon Dibisyon
Rehiyon ng Ilocos, 1 San Fernando, La Union Northwestern Luzon
CAR Baguio Northcentral Luzon
Lambak ng Cagayan, 2 Tuguegarao Northeastern Luzon
Gitnang Luzon, 3 San Fernando, Pampanga Central Luzon

2. TIMOG LUZON

baguhin
 
Ang Timog Luzon (Southern Luzon)

Ang Timog Luzon o Southern Luzon ay binubuo ng 3 kluster sa tatlong rehiyon, Ang Calabarzon (IV-A), Mimaropa (IV-B) at Bicol Region, kabilang ang Metro Manila na nasa ikalawang dibisyon, dito matatagpuan ang hangganan ng Sierra Madre sa pagitan ng Laguna at Quezon, at iilan pang mga tanawin ng Lawa ng Laguna, Bulkang Taal, Talon ng Pagsanjan, Tagaytay, Hinulugang Taktak, Bundok Banahaw, El Nido, Puerto Galera at Bulkang Mayon, Ito ay ang dulo ng Luzon sa direksyong Timog (South). Ang mainland Tagalog ay ang kasalukuyang rehiyon ng Calabarzon na binubuo ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon, Ang Minparo o Mimaropa ay ang Rehiyon IV-B na nasa outland at ang Bicolandia ay ang rehiyon 5 ang ikahuling rehiyon sa isla ng Luzon.

Ang Kalakhang Maynila o Metro Manila ay ang sentrong panglungsod o kauuluhan sa Pilipinas, Ito ay binubuo ng 16 na lungsod at 1 bayan, Ang rehiyong sentro nito ay ang Maynila ang kapitolyo ng Pilipinas, dating lalawigan o probinsya ang Metro Manila na sumasaklaw sa pangalang Tondo, Noong taong 1898, kabilang rito ang mga distrito at barangay ng bawat saklaw ng lungsod maging ang ilang bayan sa lalawigan ng Rizal.

4 Dibisyon

baguhin
Rehiyon Sentrong rehiyon Dibisyon
Kalakhang Maynila, NCR Maynila Metro Manila
Calabarzon, 4-A Calamba Southern Luzon
Mimaropa, 4-B Calapan Southwestern Luzon
Rehiyon ng Bicol, 5 Legazpi Southeastern Luzon

Kalakhan sa Luzon

baguhin
 
Ang lungsod ng Quezon City ang pinakaurbanisadong lungsod sa Luzon.

Ang Kalakhan sa Luzon o Metro sa Luzon ay ang mga kalakhan na naka-ayon sa bawat rehiyon, kapitolyo, lalawigan at lungsod, isla ng Luzon ang mga kalakhan ay dibisyon mula sa rehiyon hanggang sa lalawigan pababa sa lunsod.

Kalakhang Luzon

baguhin
Kalakhan (Metro) Sentrong kalakhan Dibisyon
Kalakhang Baguio Baguio Hilagang Luzon/Cordillera's
Kalakhang Maynila Maynila Timog Luzon/Maynila
Kauuluhang Laguna Calamba
Kalakhang Naga Naga
Kalakhan (Metro) Sentrong kalakhan Dibisyon
Kalakhang Dagupan Dagupan Hilagang Luzon
Kalakhang Angeles Angeles Gitnang Luzon
Kalakhang Olongapo Olongapo
Kalakhang Batangas Batangas Timog Luzon

Pagkakahating Administratibo

baguhin

Ang pulo ng Luzon ay kinapalolooban ng 8 sa 17 rehiyon ng Pilipinas. Ang mga rehiyong ito ay hindi mga pampolitika na entidad, subalit nagsisilbing pagkakahating administratibong pangkat ng mga lalawigan.


Administratibo at rehiyon

baguhin
Lokasyon Rehiyon
(designation)
Populasyon
(2015)[2]
Area[i][3][4] Density Regional
center
  Ilocos Region
(Region I)
5,026,128
(5.0%)
13,012.60 km2
(5,024.19 mi kuw)
390/km2
(1,000/mi kuw)
San Fernando
(La Union)
  Cagayan Valley
(Region II)
3,451,410
(3.4%)
28,228.83 km2
(10,899.21 mi kuw)
120/km2
(310/mi kuw)
Tuguegarao
  Central Luzon
(Region III)
11,218,177
(11.1%)
22,014.63 km2
(8,499.90 mi kuw)
510/km2
(1,300/mi kuw)
San Fernando
(Pampanga)
  Calabarzon
(Region IV-A)
14,414,774
(14.3%)
16,873.31 km2
(6,514.82 mi kuw)
850/km2
(2,200/mi kuw)
Calamba
  Southwestern Tagalog Region[ii]
(Mimaropa)
2,963,360
(2.9%)
29,620.90 km2
(11,436.69 mi kuw)
100/km2
(260/mi kuw)
Calapan
  Bicol Region
(Region V)
5,796,989
(5.7%)
18,155.82 km2
(7,010.00 mi kuw)
320/km2
(830/mi kuw)
Legazpi
  Cordillera
Administrative
Region

(CAR)
1,722,006
(1.7%)
19,422.03 km2
(7,498.89 mi kuw)
89/km2
(230/mi kuw)
Baguio
  National Capital
Region

(NCR)
12,877,253
(12.8%)
611.39 km2
(236.06 mi kuw)
21,000/km2
(54,000/mi kuw)
Manila
Region 2015 sensus Area Density Sentrong rehiyon Kinukumpuning LGUs
Table note(s)
  1. Land area figures are the sum of each region's component provinces (and/or independent cities), derived from the National Statistical Coordination Board (Philippine Statistics Authority) official website.
  2. 2.0 2.1 The list includes the associated islands of Luzon (provinces of Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Romblon, Batanes, Catanduanes and Masbate).
  3. 3.0 3.1 3.2 An independent component city, not under the jurisdiction of any provincial government.
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 A highly urbanized city, independent from any province

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Islands by Land Area". Island Directory Tables. United Nations Environment Programme. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Pebrero 2018. Nakuha noong 4 Marso 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Census of Population (2015). Highlights of the Philippine Population 2015 Census of Population. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "PSGC Interactive; List of Provinces". Philippine Statistics Authority. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Enero 2013. Nakuha noong 3 Abril 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "PSGC Interactive; List of Cities". Philippine Statistics Authority. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Abril 2011. Nakuha noong 7 Abril 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.