Pag-ipit ng mga tao sa PhilSports Stadium ng 2006

Ang Pag-ipit ng mga tao sa PhilSports Stadium, ay naganap bandang alas-sais ng umaga ng 4 Pebrero 2006, mayroong hindi bababa sa 73 katao ang naapakan hanggang mamatay at mas marami sa 300 ang nasugatan nang nagkaroon ng isang stampede sa PhilSports Complex (ULTRA) stadium sa Lungsod Pasig sa Pilipinas, kung saan gaganapin ang unang taon ng palatuntunang Wowowee sa tanghali ng araw na iyon. Nagsimula ang stampede nang namahagi ang mga organizer ng palatuntunan ng tiket sa mga tao, karamihan sa mga ito ay nag-camping sa labas ng stadium ng ilang araw.[1]

PhilSports Stadium stampede
Ang kuha mula sa istampid sa PhilSports Stadium noong 2006.
Oras6:00 A.M. (PST)
Petsa4 Pebrero 2006; 18 taon na'ng nakalipas (2006-02-04)
LugarPhilSports Football and Athletics Stadium, Pasig, Metro Manila, Philippines
Kilala rin bilangULTRA stampede
Wowowee stampede
UriCrowd crush
Mga namatay73
Mga nasugatan400

Insidente

baguhin

Sinasabi ng ilang sources na libu-libong tao ang nagsimulang pumila sa entrance ng stadium ang nag-panic nang mayroong sumigaw na may bomba. [2] Ayon kay Mayor Vicente Eusebio ng Lungsod Pasig, maaring may pagkukulang din ang mga producer at organizer dahil nalampasan na ang kapasidad ng stadium, lalo na sa bilang ng tao na naroon sa lugar na manunuod ng programa. Sinisi naman ni Philippine National Red Cross Chairman at Senador Richard Gordon ang hindi magandang organisasyon ng pangyayari sa trahedya.

 
Ang PhilSports Stadium kung saan naganap ang istampid (kuha mula noong 2018.)

Dahil sa trahedya, napagdesisyonan ng ABS-CBN na kanselahin ang programa ng isang buwan. Nangako si Gabby Lopez, pangulo ng kompanya, na mamimigay ng saklolo at pinansiyal na tulong sa mga biktima at ng kanilang pamilya.[3]

Itinatag ni National Capital Region Police Office Director General Vidal Querol ang Task Force Ultra upang imbestigahan ang pinagmulan ng tradehya.

Tingnan rin

baguhin

Sanggunian

baguhin