PhilSports Complex
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Philippine Institute of Sports Complex (kilala din bilang PhilSports) ay isang pambansang palaruan sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa Meralco Avenue sa Lungsod ng Pasig, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Matatagpuan dito ang mga tanggapan ng Philippine Sports Commission at ilang mga asosayon ng pambansang palakasan.
Full name | Philippine Institute of Sports Complex |
---|---|
Lokasyon | Pasig, Metro Manila, Philippines |
Facilities |
|
Construction | |
Itinayo | 1985 |
Binuksan | 1985 |
Ayos | 2010, 2012, 2015, 2019 |
Tenants | |
Philippine Sports Commission Philippine Olympic Committee |
Ginawa ang ilang pasilidad sa PhilSports Complex upang mapunan ang pangangailangan ng mga Filipinong manlalaro sa pagsasanay at gawing mga silid para matirahan. Sa bisa ng Republic Act 6847, na nilikha ang Philippine Sports Commission, ginawa at pinapanatili ang isang pasilidad na pampalakasan na kumpleto sa kagamitan. Hinggil sa pagkalapit nito sa mga distritong pang-kalakalan ng Makati at Ortigas, ginagamit din ang lugar upang magdaos ng mga konsyerto at kumbensiyon.
Kasaysayan
baguhinDating palaruan ng dating paaralan na may pangalang Saint Martin's Integrated School (Elementarya at Hayskul). Inilipat ang paaralan kay dating Unang Ginang Imelda Marcos noong dekada 1970 at muling inorganisa ang paaralang bilang University of Life, isang paaralang bokasyonal. Naging University of Life Training and Recreational Arena ( ULTRA ) Sports Complex ang aktwal na pangalan nito. Nang naalis sa puwesto si Marcos, pinasara ang University of Life. Bagaman, inilipat ang mga pasilidad pampalakasan sa Philippine Sports Commission para sa paghahanda sa 1991 Southeast Asian Games. Maraming naging pangalan na inugnay sa lugar. Ang mga ito ay The Ultra, PSC-Philippine National Academy of Sports (PSC-PNAS) at PSC Sports Complex. Hinggil sa pagkalito ng publiko lalo na sa mga konsyerto, napagpasyahan ng komisyon na magkaroon ng permanenteng pangalan: PhilSports. Nagtamo ang espasyo ng lugar sa maximum na tagapanood nang magtanghal ng isang konsyerto ang grupong Taiwanes na F4 at si Barbie Xu noong 2003.
Sa Philsports din naganap ang mga laban ng badminton para sa 2005 Southeast Asian Games noong 27 Nobyembre 2005 hanggang 5 Disyembre 2005.
PhilSports Stadium ng 2006
baguhinNoong 4 Pebrero 2006, nangyari sa PhilSports Complex ang isang stampede. Gaganapin sana doon ang Wowowee, isang palabas ng ABS-CBN, ang unang anibersaryo ng palabas, at maraming tao ang naghintay sa labas ng tarangkahan ng PhilSports. Nang biglang nagkagulo ang mga tao at naapakan ang mga taong natumba. Kasalukuyang iniimbistiga ang sanhi ng stampede, na sang-ayon sa mga ulat ay kinitil ang 74 mga katao.
Mga pasilidad
baguhin- PhilSports Arena (seating capacity: 10,000)
- PhilSports Football and Athletics Stadium (seating capacity: 20,000)
- PhilSports Swimming Center