Palaro ng Timog Silangang Asya 2005

(Idinirekta mula sa 2005 Southeast Asian Games)

Ang ika-23 Palaro ng Timog Silangang Asya ay naganap sa Pilipinas noong 27 Nobyembre hanggang 5 Disyembre 2005. Nagsimula ang Football para sa kalalakihan noong Nobyembre 20, ang Water Polo noong Nobyembre 21, Football para sa kababaihan noong Nobyembre 23, Paglalayag. At Tennis noong Nobyembre 26.

Ika-23 Palarong Timog Silangang Asya
MottoOne Heritage, One Southeast Asia
Mga bansang kalahok11
Mga atletang kalahok5,336
Disiplina443 sa 40 disiplina
Seremonya ng pagbubukas27 Nobyembre 2005
Seremonya ng pagsasara5 Disyembre 2005
Opisyal na binuksan niGloria Macapagal-Arroyo
Pangulo ng Pilipinas
Panunumpa ng ManlalaroMikaela Cojuangco-Jaworski
Panunumpa ng HukomCaesar Mateo
Torch lighterMaria Antoinette Rivero
Main venueQuirino Grandstand, Rizal Park
Website2005 Southeast Asian Games
<  Hanoi—Ho Chi Minh City 2003 Nakhon Ratchasima 2007  >

Naibigay ang unang gintong medalya sa Singapore noong Nobyembre 25 ng manalo ang kuponan nito sa Water Polo, kasama ang kuponan nang mga Pilipinas na nagkamit ng medalyang pilak at medalyang tanso namana ang kuponan ng Malaysia.

Kinukunsidera ang mga Laro bilang isang kahangahangang pangyayari at isang mahalagang pagkakataon para sa mga atleta na magkaroon ng karanasan at paghahanda para sa darating na Asian Games at Olympic Games. Ang pagtibayin ang pagkakaibigan, pagkaisa at pagkakaunawaan ng mga bansa saTimog-silangang Asya ay ang nilalayon ng mga Larong ito.

Ito ang ikat-long pagkakataon na sa Pilipinas ito naganap, noong 1991 at 1981 ang huling dalawa. Bagaman nakisentro sa Maynila ang karamihan ng mga laro, nakakalat ang mga labanan sa sampo na mga iba pang lungsod sa bansa. Nakitang hindi pabor sa ibang mga kuponan ng ibang bansa ang gantong kalagayan na maaaring magkaroon ng mga problema sa akomodasyon at paglalakbay, isang mga pag-alala ng nakumpirma nang dumating sila.

Organisasyon

baguhin

Pag-Unlad at Preparasyon

baguhin
Host cities / provinces of the 2005 Southeast Asian Games (Luzon).
Host cities / provinces of the 2005 Southeast Asian Games (Visayas).
Province Competition Venue Sports
Manila Emilio Aguinaldo College Arnis, Wushu
Rizal Memorial Sports Complex Athletics, Baseball, Gymnastics, Table tennis, Tennis
Diosdado Macapagal Boulevard Athletics (Marathon)
PhilSports Arena Badminton
Makati Coliseum Billiards and snooker
Makati Sports Club Squash
GSIS Theater Bodybuilding, Muay
Pearl Bowling Center Bowling
Roxas Boulevard Cycling: Criterium
Amoranto Velodrome Cycling: Track
Alabang Country Club Equestrian
Pasig Sports Center Fencing
Marikina Sports Complex Football
La Mesa Ecopark Rowing, Traditional boat race
PNSA Clay Target Range Shooting (Trap and skeet)
PSC-PNSA Shooting Range BNS Fort Bonifacio Shooting (Air Pistol, Rifle, Practical)
Rosario Sports Complex Softball
Cuneta Astrodome Taekwondo
San Andres Gymnasium Wrestling
Cebu Ramon M. Durano Sports Complex Cycling (Mountain)
Waterfront Hotel Dancesport
Mandaue Coliseum Judo, Karate
Cebu Coliseum Pencak silat
University of San Carlos Sepak takraw
Negros Occidental University of St. La Salle Boxing
Paglaum Sports Complex Football
Panaad Stadium
Luxur Place Weightlifting
West Negros University Volleyball
Zambales Remi Field Subic Bay Freeport Zone Archery
Malawaan Fishing Area Subic Bay Freeport Zone Canoeing
Subic Bay Yacht Club Sailing
Boardwalk Triathlon
Cavite Tagaytay City Convention Center Chess
Tagaytay Cycling (Road)
Laguna Trace College Los Baños Aquatics
The Country Club Canlubang Golf
Pampanga Hidden Vale Sports Club Lawn bowls, Pétanque


Talaan ng mga medalya

baguhin

(Naka-bold ang punong-abala (host) na bansa.)

Pos. Bansa Ginto Pilak Tanso Kabuuan
1   Pilipinas 113 84 94 291
2   Thailand (THA) 87 78 118 283
3   Vietnam (VIE) 71 68 89 228
4   Malaysia (MAS) 61 50 64 175
5   Indonesia (INA) 49 79 89 217
6   Singapore (SIN) 42 32 55 129
7   Myanmar (MYA) 17 34 48 99
8   Laos (LAO) 3 4 12 19
9   Brunei (BRU) 1 2 2 5
10   Cambodia (CAM) 0 3 9 12
11   Silangang Timor (TLS) 0 0 3 3
Kabuuan 444 434 583 1461

Maskota

baguhin

Si Gilas ay isang Agilang Pilipino. Ito ang isa sa mga pinakamalaking mga agila sa daigdig, natutukoy sa kanyang mala-dakilang balahibo sa kanyang ulo. Simbolo ng kagilasan, kalakasan at pagpapahalaga ang agila na kinukuha ang pagkapanalong sigla ng lahat ng mga kalahok na atleta. Nagmula ang pangalan ni Gilas sa mga Filipinong salita na Maliksi, Malakas, Matalino, Angat, Matalas.

Ang Tarsier dapat ang orihinal na mascot hanggang sa pinalitan ito ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PhilSOC) sa kasalukuyang mascot.

Ginagamit ng logo ang isang maskara pang-pista na karaniwang matatagpuan sa mga bansa sa Timog-silangang Asya. Kinakatawan nito ang maraming mga iba't ibang kultura na magsama-sama para sa mga Laro na kasabay din na kinukuha ng maskara ang labis na sigla at ospitalidad ng mga mamamayang Filipino. Naging inspirasyon ng logo ang Maskara Festival ng Lungsod Bacolod na isang pook din ng mga labanan.

Ang nag-disenyo sa logo ay isang graphic designer na Filipino, si G. Joel Manalastas.

Tema at himno

baguhin

"One Heritage, One Southeast Asia" (Isang Pamana, Isang Timog-silangang Asya) ang tema ng mga Laro. Binibigyan diin ng tema ang kahalagaan ng pagkakaisa at kooperasyon upang matamo ang isang karaniwang hangarin at aspirasyon. "We're All Just One" ("Iisa Tayong Lahat") ang imno ng mga Laro. Nilikha ito nina Jose Mari Chan, isang mang-aawit at taga-katha ng awitin, Rene Nieva, isang taga-katha ng mga liriko. Inawit ito ni Julia Abueva, isang siyam-na-taong gulang na soprano, apo ng Pambansang Artista ng Pilipinas na si Napoleon Abueva at tinugtog ng San Miguel Philharmonic Orchestra sa ilalim ng baton ni Ryan Cayabyab.

Mga paghahanda

baguhin

Philippine SEA Games Organizing Committee (PhilSOC) ang nag-organisa sa mga Laro. Noong 1991 ang huling pagkakataon na naging punong-abala ang Pilipinas sa SEA Games.

Pinulaan ang paghahanda ng Pilipinas ng lokal at sa rehiyon. Nakaranas ng problema ang sampung bumibistang bansa sa akomodasyon at paglalakbay. Karagdagan pa nito, habang ang mga lugar ng mga labanan sa labas ng Maynila ay aktibong nakahanda para sa pagsalubong sa mga bumibistang mga atleta, nagkaroon ng suliranin ang mga nag-organisa sa malawakang paglakap ng suporta at paghayag ng SEA Games. Ilan lamang sa mga makikitang indikasyon ng mga Laro maliban sa mga anunsiyo ng mga patalastas (commercial) na mga tagatangkilik ay ang mga banner na ipinaskil ng pamahalaan ng Maynila.

Ang Palaro

baguhin

Seremonya ng pagbubukas

baguhin

Seremonya ng pagsasara

baguhin

Mga Bansang naglalahok

baguhin

Lahat ay 11 bansa ng Timog Silangang Asya naglalahok kasama ang Pilipinas maging ay mahabang delegasyon na may 892 na atleta.[1]

Mayo 40 mga palakasan ang gaganapin sa 2005 Sea Games sa mahigit mga 393 na mga pangyayari. Magsisilbi ang Kalakhang Maynila bilang pangunahing sentro ng mga Laro, bagaman may mga ilang pangyayari ang gaganapin sa Lungsod ng Bacolod, Lungsod ng Cebu, Los Baños at Canlubang, Laguna, Lungsod Tagaytay, Lungsod ng Angeles, Pampanga, Lungsod ng Antipolo at sa Malayang-daungan ng Look ng Subic.

Sa rekomendasyon ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHILSOC) sa Southeast Asian Games Federation, hindi isinali ang Basketbol sa kompetisyon dahil sa pasya ng FIBA na huwag pahintulutan ang bansang punong-abala na sumali sa kahit anong internasyunal na kompetisyon ng nasabing laro.

¹ - not an official Olympic Sport
² - sport played only in the SEA Games
³ - not a traditional Olympic nor SEA Games Sport and introduced only by the host country.
° - a former official Olympic Sport, not applied in previous host countries and was introduced only by the host country.

Ibinobrodkast

baguhin

Pag-alala at Kontrobersiya

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin

Padron:Sequence

Padron:Events at 2005 Southeast Asian Games Padron:NOCin2005SoutheastAsianGames

  1. Official Results Book of the 23rd Southeast Asian Games (PDF). p. 48. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 26 Hunyo 2016. Nakuha noong 30 Setyembre 2018.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)