Pagbabago ng gene sa pamamagitan ng CRISPR

(Idinirekta mula sa Pagbabago ng gene na CRISPR)

Ang pagbabago ng gene sa pamamagitan ng CRISPR (binibigkas na /ˈkrispər/ "crisper", na akronimo para sa "Clustered Regularly Interspaced Short Palindromic Repeats") ay isang pamamaraan ng inhenyerang henetiko sa biyolohiyang molekular kung saan binabago ang henoma ng mga buhay na organismo. Batay ito sa isang simpleng bersiyon ng bakteryal na CRISPR-Cas9 sistemang pandepenseng antibiriko. Sa paghahatid ng nukleyesang Cas9 kasama ng isang sintetikong gabay na RNA (gRNA) sa isang selula, maaaring putulin ang henoma ng isang selula sa ninais na lokasyon na pumapayag sa mga gene na maalis o maidagdag nang in vivo (sa mga buhay na organismo).[1]

CRISPR-Cas9

Ito ay maituturing na isa sa pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng biyoteknolohiya dahil maaaring mabago ang mga henoma na in vivo na may labis na katumpakan, kadalian at kamurahan. Magagamit ito sa paglikha ng maraming mga bagong medisina, mga produktong agrikulutural, at mga organismong henetikong binago o bilang pagkontrol sa mga patoheno at mga peste. Ito ang nagbigay ng Gantimpalang Nobel kina Jennifer Doudna at Emmanuelle Charpentier sa Kimika noong 2020. May mga posibilidad ito para sa paggamot ng mga sakit na henetiko gaya ng mga mutasyong somatiko gaya ng kanser.[2][3] Nakamit ang ikatlong pangkat ng mananaliksik ang Gantimpalang Kavli para sa parehong pagkakatuklas [4] na pinangunahan ni Virginijus Šikšnys.[5][6][7]

Dinesenyong sanggol

baguhin
 
Proseso ng isang pre-implantasyong henetikong diyagnostiko. Kinakasangkutan ang pertilisasyong in vitro ng aliman sa inkubasyon ng magkasamang esperma at obosito o itlog ng babae, o direktang pagpapasok ng esperma sa obosito. PCR - polymerase chain reaction, FISH - fluorescent in situ hybridisation.

Ang isang dinesenyong sanggol ay isang sanggol na binago ang gene kabilang ang pag-aalis dito ng isang partikular na gene na nauugnay sa isang sakit.[8] Nangyari ito noong 2019 nang ipanganak ang kauna-unahan sa kasaysayan ng sangkatauhan ang dinesenyong kambal na sanggol na sina Lulu at Nana sa Tsina. Nagkaroon ang mga binagong bilig nina Lulu at Nana ng malawak na kritisismo.[9]

Ang pagdating ng teknolohiya sa pagbago ng gene sa pamamagitan CRISPR-Cas9 ay humantong sa posibilidad na lumikha ng "disenyong sanggol." Ang teknolohiyang ito ay may posibilidad na alisin ang ilang mga henetikong sakit, o pagpapabuti ng kalusugan sa pamamagitan ng pagpapahusay ng ilang mga henetikong katangian.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Bak RO, Gomez-Ospina N, Porteus MH (Agosto 2018). "Gene Editing on Center Stage". Trends in Genetics (sa wikang Ingles). 34 (8): 600–611. doi:10.1016/j.tig.2018.05.004. PMID 29908711. S2CID 49269023.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The Nobel Prize in Chemistry 2020". The Nobel Prize (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-12-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Cohen J (Oktubre 7, 2020). "CRISPR, the revolutionary genetic "scissors," hon.ored by Chemistry Nobel". Science (sa wikang Ingles). doi:10.1126/science.abf0540. S2CID 225116732.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Cohen J (2018-06-04). "With prestigious prize, an overshadowed CRISPR researcher wins the spotlight". Science | AAAS (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-05-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Owens R (8 Oktubre 2020). "Nobel prize: who gets left out?". The Conversation (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Disyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Lithuanian scientists not awarded Nobel prize despite discovering same technology". LRT.LT. 8 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Šikšnys V (2018-06-16). "Imam genų žirkles, iškerpam klaidą, ligos nelieka". Laisvės TV / Freedom TV. 12:22 minuto sa. LaisvėsTV. <...>Tai mes tą savo straipsnį išsiuntėm į redakciją pirmieji, bet laimės ten daug nebuvo. Viena redakcija pasakė, kad mes net recenzentam nesiųsim. Nusiuntėm į kitą redakciją – tai jis (straipsnis) pragulėjo kažkur ant redaktoriaus stalo labai ilgai. Na ir taip galų gale išsiuntėm į trečią žurnalą ir trečias žurnalas po kelių mėnesių jį išspausdino. Bet, aišku, Berklio universiteto mokslininkams sekėsi geriau – jie išsiuntė straipsnį į žurnalą Science – jį priėmė ir išspausdino per 2 savaites. Nors iš tikro jie tą straispnį išsiuntė pora mėnesių vėliau nei mes. Nakuha noong 2018-06-30. <...> Well, we were who had sent the article first, but had not much of luck.{{cite episode}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Litwano)
  8. Veit, W. (2018). Procreative Beneficence and Genetic Enhancement – KRITERION – Journal of Philosophy 32(1):75-92. https://doi.org/10,,,j.k5113, BMJ, 30 Nobyembre 2018 pp. k5113 (sa Ingles)
  9. Dyer O (30 Nobyembre 2018). "Researcher who edited babies' genome retreats from view as criticism mounts". BMJ (sa wikang Ingles). pp. k5113. doi:10.1136/bmj.k5113.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)