Paghahati sa sero
Sa matematika, ang paghahati sa sero ay ang paghahating may pahati (pamahagi) na sero. Isinusulat ito sa anyong a/0, kung saan hatiin (panakda) ang a. Sa karaniwang aritmetika, wala itong sagot, dahil walang bilang na kapag pinarami nang 0 na beses ay magreresulta sa a (basta ba a ≠ 0). Dahil sero ang resulta sa kahit anong bilang na pinarami nang 0 na beses, wala ring sagot ang ekspresyong 0/0; kung ito ay nasa anyo ng isang hangganan, ito ay nasa anyong di-matukoy. Sa kasaysayan ng matematika, isa sa mga pinakaunang tumukoy sa problemang ito ay ang kritisismo ni George Berkeley sa kalkulong napakalinggit noong 1734 sa aklat na The Analyst.[1]
May mga istrakturang pangmatematika na may kahulugan ang a/0 para sa ilang mga a tulad ng timbulog ni Riemann o ang pinahabang tunay na linya. Gayunpaman, hindi ito pasok sa ilang mga tuntunin ng karaniwang aritmetika (ang mga batlain ng parang).
Samantala, sa mga kompyuter, ang naturang problema ay magreresulta sa isang kamalian sa programa. Depende sa pagpoprograma at sa uri ng bilang na hinati (hal. floating point o buumbilang), maaari magresulta ito sa positibo o negatibong awanggan sang-ayon sa pamantayang IEEE 754, gumawa ng isang exception, gumawa ng mensahe ng error, pagtapos sa naturang programa, magresulta ng not-a-number (NaN), o tuluyang mag-crash kung hindi nakadisenyo ang programa para sa mga ganitong kaso.
Sanggunian
baguhin- ↑ Cajori, Florian (1929), "Absurdities due to division by zero: An historical note" [Mga kalokohan dahil sa paghahati sa sero: Pagtingin sa Kasaysayan], The Mathematics Teacher [Ang Guro sa Matematika] (sa wikang Ingles), 22 (6): 366–368, JSTOR 27951153
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link).
Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.