Pagitan ng dalawang mga suso

Ang hati sa pagitan ng dalawang mga suso (Ingles: cleavage, literal na "kahatiang nakabuka", mula sa cleave, "buksan sa pamamagitan ng paghati" o "ibuka sa pamamagitan ng paghati"[1]) ay ang biyak o gatla sa gitna ng mga suso ng isang babae na nakahimlay sa ibabaw ng isternum, na ipinapakita o pinalilitaw ng isang kasuotan na may mababang "leeg" o mababang butas na pangleeg ng isang baro. Kaugnay ito ng mababang gupit sa damit ng mga kababaihan, katulad ng pormal na mahabang damit o balintawak, damit panglangoy o damit pangligo, mga pang-itaas na kasuotang pangkasuwal, at iba pang mga kasuotang dinisenyo upang mabigyang-diin ang pagpapansin sa mga suso.

Suzanne Valadon, larawang ipininta ni Renoir, 1885. Ipinakikita sa larawang ito ang anyo o hubog ng hati sa pagitan ng dalawang mga suso ng isang babae mula sa pagtanaw na patagilid.
Aktuwal na larawan ng isang babae na nagpapakita ng hati sa pagitan ng dalawang mga suso.

May ilang mga taong tumuturing sa paggamit ng hati sa pagitan ng mga suso bilang isang anyo ng pambabaeng ligaw-biro o pang-uupat sa loob ng hangganan ng pamayanan, pangkat ng mga taong kaalinsabay o kauri, at personal na mga pamantayan ng kayumian, pati na para sa epektong estetiko at erotiko nito. Maraming mga babae ang gumagamit ng pagitan ng dalawang mga suso upang dagdagan o pag-igihin ang kanilang pagiging kaakit-akit o kariktang seksuwal. May ilang mga taong nakakaramdam ng kasiyahang erotiko mula sa pagtingin sa pagitan ng mga suso ng isang babae, may ilan namang nasisiyahan mula sa paglalantad ng pagitan ng mga suso ng kanilang kaparehang babae, at may ilang mga babaeng nagpapakita ng pagitan ng kanilang mga suso para sa kasiyahan ng kanilang mga katambal.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Cleave, cleavage". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 45.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.