Pag-ampon
Ang pag-ampon, pag-aampon, pag-aring-anak, ariing anak, o adopsiyon ay isang gawain ng pagkupkop at pagturing bilang tunay na anak sa isang batang ulila.[1][2][3] Kaugnay ng kahulugang pambatas, isa itong legal na hakbang o pamamaraang pumuputol sa legal na pagkakaugnay ng isang tao sa kanyang totoo at biyolohikal na mga magulang o mga "magulang sa dugo at laman", at nagpapalit o nagbibigay ng bagong mga magulang.[4] Sa Aklat ng Henesis (Henesis 30:3) ng Lumang Tipan ng Bibliya, inilalarawan ang pag-aampon ng anak o bata bilang "panganganak sa tuhod".[5] Sa pinalawak nitong kahulugan, ito ang paggamit ng isang tao ng hiniram na ideya o patakaran ng ibang tao o pangkat ng mga tao.[3] Tumutukoy din ang pag-aampon sa pagbibigay at paglalaan ng proteksiyon, pagtatanggol, pagpapatuloy, pagkakanlong, at pagkandili sa isang taong nangangailangan nito.[1]
Tinatawag na ampon, batang-ampon, anak na ampon, o putok sa buho ang isang batang inampon o sumailalim sa proseso ng adopsiyon. Samantala, tinatawag namang ampunan, bahay-ampunan, at asilo ang lugar na ginagamit bilang alagaan at kupkupan ng mga ulilang batang hindi naaampon ng bagong mga magulang. Tinatawag na tagaampon, taga-ampon, o tagapag-ampon, tagapagpala ang tao o mga taong umampon sa batang nangangailangan at naghahanap ng pagkalinga at pagmamahal ng isang magulang.[1]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 English, Leo James (1977). "Ampon, pag-ampon, pag-aampon, ariing anak, at iba pa". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 48. - ↑ Blake, Matthew (2008). "Adoption". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), makikita sa Adoption Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine. - ↑ 3.0 3.1 Gaboy, Luciano L. Adoption, adopsiyon - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Dobelis, Inge N. atbp (1994). "Adoption". Reader's Digest Legal Problem Solver, A Quick-and-Easy Action Guide to the Law. Reader's Digest, Reader's Digest Association, Inc., New York/Montreal, ISBN 0895775506.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 16. - ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Paliwanag ukol sa pariralang Manganak sa aking tuhod, Ang Ibang mga Anak ni Jacob". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 50.