Paglaki ng bata
Ang paglaki ng bata (Ingles: child development) ay tumutukoy sa biyolohikal, sikolohikal, at emosyonal na pagbabago na nangyayari sa isang tao mula kapanganakan hanggang sa pagtatapos ng kanilang pagbibinita o pagdadalaga. Nahahati ang pagkabata sa tatlong yugto ng buhay na binubuo ng maagang pagkabata, gitnang pagkabata, at huling pagkabata.[1] Madalas manyari ang maagang pagkabata mula kapanganakan hanggang sa gulang na 6 na taon. Sa panahon na ito, ang pag-unlad ng bata ay makabuluhan, dahil nagaganap dito ang karamihan sa mga milyahe ng buhay katulad ng pagsambit ng unang salita, pagtutong gumapang, at pagtutong lumakad. Mayroong haka-haka na sa gitnang pagkabata o ang mga gulang mula 6-13 taon ang pinakamahalagang taon sa buhay ng legal na isang bata. Isang yugto ng buhay ang pagbibinata o pagdadalagana karaniwang nagsisimula mula sa 15 na taong gulang, at umaabot hanggang sa legal na pagtanda o 18 na taong gulang (sa Pilipinas). Sa kurso ng pag-unlad, umuunlad ang isang indibidwal mula sa pagdepende sa iba hanggang sa pagsasanay na mag-isa. Isa itong tuloy-tuloy na proseso na mayroong madaling kasunod, ngunit walang katulad para sa bawat bata. Hindi ito nangyayari sa parehong bilis at naiimpluwensiyahan ang bawat yugto ng mga nakaraang karanasan sa pag-unlad. Dahil higit na naiimpluwensiyahan ang mga henetiko at mga pangyayari mula sa buhay bago ang kapanganakan, iilan lamang ang henetiko at mga paglaki bago ang kapanganakan sa bumubuo ng pag-aaral ng paglaki ng bata. Ang iba pang kaugnay na tuntunin hinggil sa paksa na ito ay ang pang-sikolohiyang pag-unlad, na tumutukoy sa pag-unlad ng tao sa kabuuan ng kaniyang buhay, at pedyatriya, isang sangay ng medisina na iniuugnay sa pangangalaga sa mga bata.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Children, National Research Council (US) Panel to Review the Status of Basic Research on School-Age; Collins, W. Andrew (1984). Introduction (sa wikang Ingles). National Academies Press (US).
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)