Paglipat ng datos
Ang paglipat ng datos (Ingles data migration) ay ang proseso ng pagpili, pahanda, pagkuha, at pagbago ng datos at permanenteng paglipat nito mula sa isang sistemang imbakan ng kompyuter patungo sa isa pa. Kasama rin sa prosesong ito ang pagpapatunay o pagtiyak ng ng nilipat na datos para pagiging kumpleto nito at itinuturing ang pagdekomisyon ng legasiyang imbakan ng datos bilang bahagi ng buong proseso ng palipat ng datos.[1][2] Susi ang paglipat ng datos para sa kahit anumang implementasyon ng sistema, pag-upgrade (o pagtaas), o konsolidasyon, at tipikal na isinasagawa sa paraan na awtomatiko kung posible, na pinapalaya ang magtatrabahong tao at gawang nakakapagod. Nangyayari ang paglipat ng datos sa iba't ibang kadahilanan, kabilang ang pagpapalit ng mga kagamitang server o storage (imbakan), pagpapanatili o pag-upgrade, migrasyon o paglipat ng aplikasyon, pagsama-sama ng websayt, pagbangon o pagbawi mula sa kalamidad, at relokasyon ng data center (o sentro ng datos).[2]
Mga kategorya
baguhinIniimbak ang datos sa mga file o database at ginagamit ng mga aplikasyong software na sumusuporta sa mga proseso ng negosyo. Maaaring kailanganin ang paglipat at pagpalit ng datos dahil sa iba't ibang pangangailangan ng negosyo, na nagdidikta sa diskarte sa paglipat. Apat na pangunahing kategorya ng migrasyon o paglipat ang natukoy:
Paglipat ng imbakan o storage
baguhinMaaring piliin ng isang negosyo na bigyan-katuwiran ang pisikal na midya upang makuha ang pakinaba ng mas episyenteng teknolohiya ng pag-imbak.[2] Magreresulta ito sa paglipat ng mga pisikal na bloke ng datos mula sa isang teyp o disk sa isa pa, na kadalasang ginagamit ang kaparaanang birtuwalisasyon. Hindi kadalasang mababago ang pormat at nilalaman ng datos sa proseso at maaring karaniwang matamo ng kakaunti o walang epekto sa mga patong sa itaas.[3]
Migrasyon ng database
baguhinSa parehong kaparaanan, maaring mangailangan ang paglipat mula sa isang bendador (o vendor) ng database sa isa pa, o ang pag-upgrade ng software ng database na ginagamit. Ang huling kaso ay mababa ang kalamangan na mangailangan ng pisikal na migrasyon ng datos, subalit maaring mangyari ito sa pangunahing pagtaas o upgrade. Sa mga kasong ito, maaring mangailangan ng isang proseso ng pagbabagong pisikal yayamang ang maaring lubhang baguhin ang saligang pormat ng datos. Maaring makaapekto o hindi ang kilos na ito sa patong ng aplikasyon, na malamang na depende kung nagbago ang wikang pamprograma (programming language) ng manipulasyon ng datos o ang protokol.[4] Bagaman, sinulat ang mga makabagong aplikasyon na halos buong agnostiko sa teknolohiya ng database,[5] kaya, dapat mangailangan lamang ng isang siklo ng pagsubok ang isang pagbabago mula sa Sybase, MySQL, IBM Db2 o SQL Server tungong Oracle na hindi naapektuhan ng masama ang parehong punsyonal at di-punsyonal na pagganap nito.
Migrasyon ng aplikasyon
baguhinAng pagbabago ng bendador o mapagkukunan ng aplikasyon—para sa isang bagong platapormang CRM o ERP, halimbawa—ay hindi maiiwasang magkaroon ng mahalagang pagbabago habang gumagana ang halos lahat ng aplikasyon o suite ng sarili nito partikular na modelo ng datos at nakikipag-interaksyon sa mga ibang aplikasyon at sistema sa loob ng environment (o kapaligiran) ng integrasyon ng aplikasyong pangnegosyo.[6] Dagdag pa dito, para mapahintulutan na mabenta ang aplikasyon sa pinakamalawak na posibleng merkado, nakakonpigura ang mga package (o pakete) mula sa estanteng komersyal para sa bawat mamimili gamit ang metadata. Maaring magbigay ang mga bendador ng mga API (o application programming interfaces) upang iprotekta ang integridad ng datos na kailangan nilang hawakan.
Migrasyon ng proseso ng negosyo
baguhinGumagana ang mga proseso ng negosyo sa pamamagitan ng mga kombinasyon ng mga aksyon ng tao at mga sistema ng aplikasyon, na kadalasang pinapagana sa pamamagitan ng mga kagamitan ng pamamahala ng proseso ng negosyo. Kapag nabago ito, maaring magbigay sila ng pangangailangan ng paggalaw ng datos mula sa isang imbak, database, o aplikasyon tungo sa isa pa upang ilapat ang mga pagbabago sa organisasyon at impormasyon tungkol sa mga kliyente, produkto at operasyon. Ang mga halimbawa ng mga ganoong tagapagpatupad ng migrasyon ay ang mga pagsama-sama at pagkuha, optimisasyon ng negosyo, at reorganisasyon upat atakihin ang bagong mga merkado o tumugon sa bantang kompetisyon.[7]
Karaniwang pinangangasiwaan ng departamento ng IT (information technology o teknolohiyang pang-impormasyon) ang unang dalawang kategorya ng paglilipat bilang mga regular na gawain sa pagpapatakbo, na may kaunting paglahok mula sa iba pang mga yunit ng negosyo. Gayunpaman, ang huling dalawang kategorya ay direktang nakakaapekto sa mga gumagamit ng pagpapatakbo at mas kumplikado. Ang matagumpay na paghahatid ng mga paglilipat na ito nang walang makabuluhang downtime (o paghinto) ng negosyo ay maaaring maging mahirap. Kabilang sa mga pangunahing kinakailangan ang kakayahang umangkop, sinkronisasyon, pag-awdit na nakatuon sa negosyo, at malinaw na bisibilidad para sa mga stakeholder, na kadalasang pinapadali ng isang tanggapan ng pamamahala ng proyekto o pangkat ng pamamahala ng datos.[8]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Morris, J. (2012). "Chapter 1: Data Migration: What's All the Fuss?". Practical Data Migration (sa wikang Ingles) (ika-ikalawa (na) edisyon). BCS Learning & Development Ltd. pp. 7–15. ISBN 9781906124847.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 Dufrasne, B.; Warmuth, A.; Appel, J.; atbp. (2017). "Chapter 1: Introducing disk data migration". DS8870 Data Migration Techniques (sa wikang Ingles). IBM Redbooks. pp. 1–16. ISBN 9780738440606.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Seiwert, C.; Klee, P.; Marinez, L.; atbp. (2012). "Chapter 2: Migration techniques and processes". Data Migration to IBM Disk Storage Systems (sa wikang Ingles). IBM Redbooks. pp. 7–30. ISBN 9780738436289.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fowler, M.; Beck, K.; Brant, J.; atbp. (2012). Refactoring: Improving the Design of Existing Code (sa wikang Ingles). Addison-Wesley. pp. 63–4. ISBN 9780133065268.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fronc, A. (1 Marso 2015). "Database-agnostic applications". DBA Presents (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Hulyo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Plivna, G. (1 Hulyo 2006). "Data migration from old to new application: An experience". gplivna.eu (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Hulyo 2018. Nakuha noong 20 Hulyo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Allen, M.; Cervo, D. (2015). Multi-Domain Master Data Management: Advanced MDM and Data Governance in Practice (sa wikang Ingles). Morgan Kaufmann. pp. 61–2. ISBN 9780128011478.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Allen, M.; Cervo, D. (2015). Multi-Domain Master Data Management: Advanced MDM and Data Governance in Practice (sa wikang Ingles). Morgan Kaufmann. pp. 61–2. ISBN 9780128011478.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)