Pagmamanipula ng alok

Ang pagmamanipula ng alok(Ingles: bid rigging) ay isang anyo ng pandaraya kung saan ang isang pangkalakalan (commercial) na kontrata ay ipinangako sa isang partido kahit mukhang ang ibang mga partido ay presente sa pag-aalok(bidding) ng isang kontrata. Ang anyo ito ng kolusyon ay ilegal sa maraming mga bansa. Ito ay isang anyo ng pagmamanipula ng presyo(price fixing) at alokasyon sa pamilihan na kalimitang isinagawa kapag ang mga kontrata ay matutukoy sa pamamagitan ng pagtawag ng mga pag-aalok ng mga kompetitor gaya halimbawa ng kontrata ng konstruksiyon ng mga inprastrakturang isinagawa ng pamahalaan. Sa kasong ito, ang mga kompanya ng konstruksiyon o mga prodyuser ng hilaw na materyal ay nagpapasa ng alok sa pamahalaan upang manalo sa kontratang konstruksiyon na ito at ang pamahalaan naman ay pipili ng kompanya sa mga nag-aalok na ito na magbibigay ng pinakamalaking pakinabang gaya ng katipiran sa pamahalaan. Ang pagmamanipula ng alok ay halos palaging nagreresulta sa ekonomikang panganib sa ahensiyang naghahangad ng mga pag-aalok gayundin sa publiko na sa huli ang magpapasan ng gastos bilang mga tagabayad ng buwis o konsumer.

Mga uri

baguhin

May ilang mga pangkaraniwang pamamaraan ng pagmamanipula ng alok:

  • Ang subkontratang pagmamanipula ng alok ay nangyayari kung saan ang ilang mga kasabwat ay pumapayag na hindi magpasa ng mga alok o magpasa ng mga takip na alok na nilalayong hindi maging matagumpay sa kondisyong ang ilang bahagi ng matagumpay na taga-alok ay isu-subkontrata sa kanila.
  • Ang pagsupil ng pag-aalok ay nangyayari kung saan ang ilang magkasabwat ay pumapayag na hindi magpasa ng alok upang ang isa pang kasabwat ay matagumpay na manalo sa kontrata.
  • Ang komplementaryong pag-aalok na tinatawag ring takip na pag-aalok o kortesiyang pag-aalok ay nangyayari kung saan ang ilang mga taga-alok ay nagpapasa ng alok sa halagang alam nito na napakamahal o naglalaman ng mga kondisyong alam nilang hindi magiging katanggap tanggap sa ahensiyang tumatawag ng pag-aalok.
  • Ang rotasyon(pag-ikot) ng pag-aalok ay nangyayari kung saan ang mga nag-aalok ay nagpapalitan na maging matagumpay sa mga kontrata. Halimbawa ang bawat kasabwat ay itinakdang maging matagumpay sa ilang mga kontrata at ang isa pang kasabwat ay itinakdang manalo sa ibang mga kontrata. Ito ay isang anyo ng pamilihang alokasyon kung saan ang mga kasabwat ay nagtatalaga sa kanilang mga sarili sa ilang mga pamilihan, produkto, konsumer o mga heograpikong teritoryo upang ang bawat isa ay makakuha ng patas na bahagi ng kabuuang negosyo na hindi lumalahok sa patas at tunay na pakikipagtunggali sa iba pang mga tagaalok para sa mga kontratang ito.

Ang mga anyong ito ng pagmamanipula ng alok ay hindi mutual na ekslusibo sa iba at ang dalawa o higit pang mga gawaing ito ay maaaring mangyari ng sabay. Halimbawa, kung ang isang kasapi ng singsing ng mga nag-aalok ay itinalagang manalo ng isang partikular na kontrata, ang mga kasabwat naman nito ay iiwas na manalo sa pamamagitan ng hindi pag-aalok(pagsupil ng pag-aalok) o pagpasa ng napakataas na alok(takip na pag-aalok)

Kickbacks

baguhin

Ang isang kickback ang bahagi na napupunta sa isang opisyal mula sa mga pondong itinalaga sa kanya o sa kanyang organisasyon na ibinigay sa mga organisasyon na sangkot sa pagmamanipula ng alok. Halimbawa, sa Pilipinas ang isang politiko ay pinaglaanan ng pork barrel ng pamahalaan mula sa buwis ng taongbayan upang gastusin sa mga proyekto sa kanyang nasasakupan. Ang bawat senador ay pinaglalaanan ng 200 milyong piso na pork barrel at ang bawat mga kongresista ay pinaglalaanan ng 70 milyong piso pork barrel kada taon. Upang ipatupad ng mga politiko ang mga proyektong ito, ito ay tatawag ng mga kompanyang mag-aalok ng serbisyo o produkto na magsasagawa ng mga proyektong ito. Maaaring ibigay ng isang kurakot na politiko ang kontrata sa isang kompanya na hindi pinakamahusay na taga-alok(pinakamatipid) o ito ay magtatalaga ng halaga na hindi nararapat matanggap ng nanalo sa kontrata(sobrang mahal). Sa kasong ito, ang kompanyang nanalo ng kontrata ay nakikinabang at kapalit ng pagtatraydor ng kurakot na politiko sa tiwalang ibinigay ng publiko dito, ito ay tatanggap ng kabayarang "kickback" na bahagi ng kabayarang salaping tinanggap ng kompanya sa napanalunang kontrata. Ang mismong kabuuan ng halagang ito ay maaaring lahat o isang bahagi ng pagkakaiba sa pagitan ng aktwal na kabayaran sa kompanyang nagwagi at ang mas mababang presyo pangpamilihan na maaaring ibayad kung ang pag-aalok(bidding) ay naging kompetitibo. Ang kickback ay hindi lang limitado sa mga opisyal ng pamahalaan. Anumang sitwasyon na ang isa o maraming mga indibidwal ay pinagkatiwalaan ng mga pondo na hindi kanila ay suseptible sa ganitong uri ng korupsiyon. Ang mga kickback ay karaniwan rin sa industriyang parmasyutikal dahil ang maraming mga doktor ay tumatanggap ng kabayaran kapalit ng dagdag promosyon at preskripsiyon ng droga na itinitinda ng mga kompanyang parmasyutikal na ito.

Krimen

baguhin

Ang gawaing ito ay ilegal sa maraming mga bansa kabilang ang Estados Unidos, Canda, United Kingdom at marami pang iba.