Pagpag
Ang pagpag ay isang katawagang Tagalog para sa mga tirang pagkaing itinapon ng mga restawran o kainan sa basurahan o sa tambakan ng basura na hinahalungkat o kinakalakal para kainin.[1] Karaniwang itong hinuhugusan at muling niluluto upang kainin. Itinitinda rin ito sa ilang mga karinderya sa mas murang mga halaga.[2] Hinango ang katawagang pagpag sa karaniwang kahulugan nito sa Tagalog — ang pagpag bilang ang pag-alis ng isang bagay sa pamamagitan ng pagyugyog. Ang tirang pagkain ay tinatanggalan ng mga maduduming elemento sa pamamagitan ng pagpagpag kung kaya't tinawag itong pagpag. Nagbuhat mula sa mga tunay na hamon ng kagutuman na nagdulot mula sa labis na kahirapan.[3]
Maaring kainin ang pagpag sa mismong pinagkuhanan nito o kaya'y lutuin ito. Kadalasang piniprito ito sa mainit na mantika. May mga maliliit na mga industriyang nasa bahay ang lumitaw dahil sa pagpag. May mga mahihirap na ginagawang hanapbuhay ang pangangalakal, pagkolekta, pagproseso at pagbenta ng mga prinosesong pagpag sa ibang mahihirap.[3]
May panganib sa kalusugan ang pagkain ng pagpag. Kabilang sa mga ito ang paglunok ng lason at toksin, mga sakit na nakukuha sa pagkain at ibang karamdaman. Nagbabala ang Pambansang Komisyon Laban sa Kahirapan laban sa pagkain ng pagpag dahil sa banta ng malnutrisyon at sakit.[4] Sa kabila ng panganib ng pagkain ng pagpag, isang nagtitinda ng pagpag ang nagsabing wala pang namatay sa pagkain ng papag na binibenta niya.[5]
Ibang gamit ng salita
baguhinSa karaniwang gamit, nangangahulugan na ang pagpag ay ang pagtanggal ng alikabok o dumi. Katawagan din ang pagpag sa pamahiing Pilipino na nagsasabing hindi maaring umuwi ang isang taong galing sa burol hangga't hindi siya nagpapagpag.[6] Ginagawa ito upang maiwasan na sundan ng kaluluwa ng namatay ang tahanan ng dumalaw sa burol.[7][8]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Associated Press (13 Enero 2015). "Image of Asia: Eating pagpag in celebration of pope's visit". Daily Mail (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Hunyo 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'Garbage chicken' a grim staple for Manila's poor" (sa wikang Ingles). CNN. 1 Mayo 2012. Nakuha noong 10 Hunyo 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Rodriguez, Fritzie (15 Marso 2014). "Meal of the day: 'Pagpag'". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Hunyo 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Michaela Cabrera (30 Abril 2008). "Filipino poor scavenge for recycled food to survive". Reuters (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Enero 2015. Nakuha noong 10 Hunyo 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 10 January 2015[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ "Kalderetang pagpag, tampok sa 'Reel Time'". GMA News. 16 Abril 2016. Nakuha noong 10 Hunyo 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Manlangit, Shinji (30 Oktubre 2015). "14 of the Dumbest Superstitions from the Philippines". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Agosto 2022. Nakuha noong 10 Hunyo 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Garcia, Joseph (26 Disyembre 2013). "A horror treat". BusinessWorld (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Hunyo 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Marasigan, Zig (28 Disyembre 2013). "'Pagpag:' Stylish superstition". Rappler (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Disyembre 2013. Nakuha noong 10 Hunyo 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)