Pagpapalawak ng Association of Southeast Asian Nations

Ang Pagpapalawak ng Association of Southeast Asian Nations ay ang proseso ng pagtanggap ng bagong mga bansang sasapi sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN. Nagsimula ito sa limang orihinal na kasaping bansa ng ASEAN na nagtatag ng samahan nang lagdaan nila ang Bangkok Declaration noong 1967. Mula noon, lumago ang bilang ng mga bansang kasapi ng ASEAN sa sampu, at Cambodia ang pinakahuling tinaggap na kasapi noong 1999.

██ Buong kasapi ng ASEAN
██ Tagamasid sa ASEAN
██ Kandidato na maging kasapi ng ASEAN
ASEAN Plus Three
East Asia Summit
ASEAN Regional Forum

Sa ngayon, may dalawang estado ang naghahangad na matanggap sa ASEAN, ang Papua New Guinea[1][2] at Timor-Leste.[3]

Batayan sa pagsapi

baguhin

Isang sa mga batayan upang maging kasapi ang isang prospektibong kasapi ay ang pagsang-ayon at pagsunod o pagtanggap sa lahat ng tratado, deklarasyon, at kasunduan ng ASEAN, simula sa mga binalangkas sa Bangkok Declaration ng 8 Agosto 1967 at ng mga pagpapaliwanag at pagpapainam sa mga sumunod pang mga tratado, deklarasyon, at kasunduan ng ASEAN. Isang karaniwang alalahaníng kailangang matugunan sa negosasyon ay ang kakayahan ng isang prospektibong kasapi na lumahok sa ASEAN Free Trade Area at lahat pa ng naisaayos na kooperasyong pang-ekonomiya. Isa sa mahalagang paraan ng oryentasyon ng isang prospektibong kasapi ay ang pagdalo nito sa mga pagpupulong ng ASEAN at paglahok sa mga proyektong pakikipagtulungan.[4]

Hindi nagtakda ng ano mang kondisyon ang Bangkok Declaration sa pagiging kasapi maliban sa lokasyon nito sa Timog-silangang Asya at ang karaniwang prinsipyo ng pakikipag-ugnayan sa mga estado. Wala itong batayan sa pagiging kasapi kaugnay ng karakter ng pamahalaan, sistemang ideolohikal at oryentasyon, patakarang pang-ekonomiya, o antas ng kaunlaran. Kung ito'y nagkaroon ng ganitong batayan sa pagsapi, ang samahang panrehiyon ay hindi maisasakatuparan sa Timog-silangang Asya, dahil sa pagkakaiba-iba ng mga ito.[5] Upang matanggap bilang kasaping estado sa ASEAN, ang isang estado ay kailangang magkaroon ng pasuguan sa lahat ng kasalukuyang kasaping bansa ng pangkat.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Papua New Guinea asks RP support for Asean membership bid". GMA News and Public Affairs. 30 Marso 2009. Nakuha noong 26 Enero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Somare seeks PGMA's support for PNG's ASEAN membership bid Naka-arkibo 2010-03-06 sa Wayback Machine. Hinango noong 8 Hulyo 2009
  3. East Timor ASEAN Bid Hinango noong 28 Hulyo 2006
  4. Preparations for the Membership of ASEAN Hinango noong 14 May0 2011
  5. Severino, Rodolfo (2006) Southeast Asia in search of an ASEAN community: insights from the former ASEAN secretary-general, Institute of Southeast Asian Studies.
  6. Aquino to back East Timor's bid for ASEAN membership Naka-arkibo 2012-03-27 sa Wayback Machine. Hinango nooong 14 Mayo 2011