Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya

(Idinirekta mula sa ASEAN Declaration)

Ang Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya[2], na kadalasang dinadaglat bílang ASEAN o Asean,[3][4] ay isang kapisanang pangheopolitika, pang-ekonomiya, at pangkultura ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang Asean ay itinatag noong ika-8 ng Agosto 1967 at binuo ng Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore, at Thailand. Ang mga layunin ng samahang ito ay pagtaguyod ng paglago ng ekonomiya, kaunlarang panlipunan, pagsulong ng mga kultura sa mga kasapi, at pagpapalaganap ng kapayapaang pangrehiyon.

Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya
Watawat ng ASEAN အရှေ့တောင်အာရှနိုင်ငံများအသင်း (sa Birmano) Hiệp hội các quốc gia Đông Nam Á (sa Biyetnames) Association of Southeast Asian Nations (sa Ingles) Perhimpunan Bangsa-bangsa Asia Tenggara (sa Indones) សមាគមន៏ប្រជាជាតិអាស៊ីអាគ្នេយ (sa Khmer) ສະມາຄົມປະຊາຊາດແຫ່ງອາຊີຕະເວັນອອກສຽງໃຕ້ (sa Lao) Persatuan Negara-negara Asia Tenggara (sa Malay) தென்கிழக்காசிய நாடுகளின் கூட்டமைப்பு (sa Tamil) สมาคมประชาชาติแห่งเอเชียตะวันออกเฉียงใต้ (sa Thai) 东南亚国家联盟 / 東南亞國家聯盟 (sa Tsino)
Watawat
Salawikain: "Isang Pananaw, Isang Pagkakakilanlan, Isang Pamayanan"
"10 Bansa, 1 Pagkakakilanlan"
Awitin: (The ASEAN Way)"Ang Paraan ng ASEAN"
Luklukan ng KalihimanIndonesia Jakarta
Pinakamalaking lungsodIndonesia Jakarta
Wikang panggawainIngles[1]
KatawaganTimog-Silangang Asyano
Bansang-kasapi
PamahalaanKapisanang panrehiyon
• Tagapangulo
Laos Sonexay Siphandone
• Kalihim
Cambodia Kao Kim Hourn
Pagtatag
8 Agosto 1967
• Karta
16 Disyembre 2008
Lawak
• Kabuuan
4,522,518 km2 (1,746,154 mi kuw)
Populasyon
• Pagtataya sa 2023
683,290,000
• Densidad
144/km2 (373.0/mi kuw)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2024
• Kabuuan
US$ 12.007 trilyon
• Bawat kapita
US$ 17,528
KDP (nominal)Pagtataya sa 2024
• Kabuuan
US$ 4.248 trilyon
• Bawat kapita
$6,201
TKP (2022)0.736
mataas
Salapi
Sona ng orasUTC+9 hanggang +6:30 (Asean)
Kodigong pantelepono
Internet TLD
  1. Kung isinaalang-alang bilang isahang entidad.
  2. Napiling susi ng mga batayang tagaturol ng ASEAN
  3. Taunang paglaki 1.6%

Kasaysayan

baguhin
 
Deklarasyon ng Bangkok: Ang pagkatatag ng Asean noong 8 Agosto 1967.

Maaaring iguhit ang pagkatatag ng Asean mula sa pagkatatag ng dalawang hiwalay na organisasyon: ang Samahan ng Timog-Silangang Asya, isang alyansa na binubuo ng mga bansang Pilipinas, Malaysia at Thailand na itinatag noong taóng 1960, at ang Maphilindo, isang iminungkahing alyansa na ibubuo ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia.

Ang Asean ay itinatag noong 8 Agosto 1967, na ang mga ministro ng ugnayang panlabas ng limang bansa ay nagpulong sa Bangkok at naglagda ng Deklarasyon ng Asean, na kinikilala nang lubos na Deklarasyon ng Bangkok. Ang limang ministro ng ugnayang panlabas – Adam Malik ng Indonesya, Narciso Ramos ng Pilipinas, Tun Abdul Razak ng Malaysia, S. Rajaratnam ng Singapore, at Thanat Khoman ng Thailand – ay itinuring na Mga Ama ng Pagkatatag ng Organisasyon.

Naging bahagi ng Asean ang Brunei noong 8 Enero 1984, ang araw pagkatapos ng pagkamit ng kanilang kalayaan nang isang linggo. Ang Brunei ay ang unang bansa na naging kasapi sa kalunan ng Asean. Noong 28 Hulyo 1995, nagkaroon ng isang bagong kasapi ang Asean nang sumanib ang Vietnam bílang ikapitong kasapi. Pagkatapos ng dalawang taon, sumanib ang mga bansang Laos at Myanmar bílang kasapi ng Asean noong 23 Hulyo 1997. Kasabay dapat ang Cambodia sa araw ng pagsanib na iyon, ngunit ipinagpaliban muna sapagkat lumalaganap pa ang kaguluhang panloob sa politika. Noong 30 Abril 1999, sumanib na sa wakas ang bansang Cambodia at nakabuo ng isang matatag na samahán ang Asean.

Mga Pangunahing layunin ng Asean

baguhin

Ang mga bansang-kasapi ng Asean at nakapagpatibay ng mga pangunahing prinsipyo para sa kanilang mga ugnayan ng mga bawat isa, na nabibilang sa Kasunduan ng Pagkakaibigan at Pagkikiisa sa Timog-Silangang Asya (TAC):

  • Paggalang sa magkabilá ng-panig ukol sa kalayaan, kapangyarihan, kapantayan, katatagang panteritoryo, at pambansang pagkakakilanlan ng lahat ng mga bansa;
  • Karapatan ng bawat estado na mamahala ang kanilang pambansang pamamalagi na maging malaya sa kaguluhang panlabas, lihim na pagbabagsak o pamimilit
  • Walang mangyayaring kaguluhan sa ugnayang panloob ng isa't isa
  • Pagsasaayos ng mga kakulangan o pagtatalo sa pamamagitan ng mapayapang paraan
  • Pagtatakwil sa mga banta o paggamit ng puwersa; at
  • Mabisang pakikiisa sa pagitan ng mga bansang-kasapi.

Mga kasapi ng Asean

baguhin
 
Mga watawat ng 10 kasapi ng Asean
 
Ang mapa ng Asean na binubuo ng mga bansang-kasapi

Ang mga kasalukuyang bansang-kasapi sa Asean ay mula sa pinakauna hanggang sa pinakahuling sumapi:

Mga kasaping nagtatag

baguhin

Itinatag ang organisasyon ng ito sa pamamagitan ng Deklarasyon sa Bangkok noong 8 Agosto 1967.

Mga estadong sumapi sa kalaunan

baguhin

Timor-Leste

baguhin

Noong 23 Hulyo 2006, Si José Ramos-Horta, ang kasalukuyang pangulo ng Timor-Leste, ay lumagda ng pormal na pakiusap at inaasahan ang mabilis na paraan ng pagpasok upang maging ganap na kasapi sa loob ng limang taon.

Papua New Guinea

baguhin

Ang bansang Papua New Guinea ay kasalukuyang nasa katayuang tagamasid mula 1976.

Pagtitipon ng Asean

baguhin
 
██ Mga likas na kasapi ng Asean
██ Mga tagamasid sa Asean
██ Mga kandidatong-kasapi ng Asean
Asean Dagdag Tatlo
Pagtitipon ng Silangang Asya
Porong Panrehiyon ng Asean

Nagdadaos ng mga pagpupulong ang Asean na nakilalang Pagtitipon ng Asean (Asean Summit), kung saan nagpupulong ang mga punò ng pamahalaan ng bawat kasapi upang pag-usapan at pasyahan ang mga isyung panrehiyon, gayundin sa pagdaraos ng ibang pagpupulong kung saan kasáma ang mga bansa na nasa labas ng hanay na may hangaring magtaguyod ng mga ugnayang panlabas.

Mga Pagtitipong Pormal ng Asean
Petsa Bansa Punung-abala
Ika-1 Pebrero 23–24, 1976   Indonesia Jakarta
Ika-2 Agosto 4–5, 1977   Malaysia Kuala Lumpur
Ika-3 Disyembre 14–15, 1987   Pilipinas Maynila
Ika-4 Enero 27–29, 1992   Singapore Singapore
Ika-5 Disyembre 14–15, 1995   Thailand Bangkok
Ika-6 Disyembre 15–16, 1998   Vietnam Hanoi
Ika-7 Nobyembre 5–6, 2001   Brunei Bandar Seri Begawan
Ika-8 Nobyembre 4–5, 2002   Cambodia Phnom Penh
Ika-9 Oktubre 7–8, 2003   Indonesia Bali
Ika-10 Nobyembre 29–30, 2004   Laos Vientiane
Ika-11 Disyembre 12–14, 2005   Malaysia Kuala Lumpur
Ika-12 Enero 11–14, 20071   Pilipinas Cebu
Ika-13 Nobyembre 18–22, 2007   Singapore Singapore
Ika-143 27 Pebrero – 1 Marso 2009
10–11 Abril 2009
  Thailand Cha Am, Hua Hin
Pattaya
Ika-15 23 Oktubre 2009   Thailand Cha Am, Hua Hin
Ika-16 8–9 Abril 2010   Vietnam Hanoi
Ika-17 28-31 Oktubre 2010   Vietnam Hanoi
Ika-18 7–8 Mayo 2011   Indonesia4 Jakarta
Ika-19 14–19 Nobyembre 2011   Indonesia Bali
Ika-20 3–4 Abril 2012   Cambodia Phnom Penh
Ika-21 17–20 Nobyembre 2012   Cambodia Phnom Penh
Ika-22 24–25 Abril 2013   Brunei Bandar Seri Begawan
Ika-23 9–10 Oktubre 2013   Brunei Bandar Seri Begawan
Ika-24 10–11 Mayo 2014   Myanmar Naypyidaw
Ika-25 12–13 Nobyembre 2014   Myanmar Naypyidaw
Ika-26 26–27 Abril 2015   Malaysia Kuala Lumpur at Langkawi
Ika-27 18–22 November 2015   Malaysia Kuala Lumpur
Ika-28 6–8 Setyembre 2016   Laos Vientiane
Ika-29 6–8 Setyembre 2016   Laos Vientiane
Ika-30 28–29 Abril 2017   Pilipinas Pasay
Ika-31 10–14 Nobyembre 2017   Pilipinas Pasay
Ika-32 27–28 Abril 2018   Singapore Singapore
Ika-33 11–15 Nobyembre 2018   Singapore Singapore
Ika-34 20–23 Hunyo 2019   Thailand Bangkok
Ika-35 31 Oktubre–4 Nobyembre 2019   Thailand Bangkok
Ika-36 26 June 2020   Vietnam Hanoi
Ika-37 11–15 Nobyembre 2020   Vietnam Hanoi
Ika-38 26–28 Oktubre 2021   Brunei Bandar Seri Begawan
Ika-39 26–28 Oktubre 2021   Brunei Bandar Seri Begawan
Ika-40 10–13 Nobyembre 2022   Cambodia Phnom Penh
Ika-41 10–13 Nobyembre 2022   Cambodia Phnom Penh
Ika-42 9–11 Mayo 2023   Indonesia Labuan Bajo
Ika-43 5–7 Setyembre 2023   Indonesia Jakarta
Ika-44 6–11 Oktubre 2024   Laos Vientiane
Ika-45 6–11 Oktubre 2024   Laos Vientiane
1 Ipinagpaliban mula Disyembre 10–14, 2006.
2 Nagpunong-abala ng pagtitipon nang lumiban ang Myanmar.
3 Ang pagtitipon ay binubuo ng dalawang bahagi.
Ang unang bahagi ay nalipat mula 12–17 Disyembre 2008 dahil sa krisis pampolitika ng Thailand 2008.
Ang ikalawang bahagi ay napigil noong Abril 11 dahil sa pagpasok ng mga demonstrador sa lugar ng pagdaraos ng pagtitipon.
4 Nagmungkahi ang bansang   Indonesia sa bansang   Brunei ng palitan na magpupunong-abala sila sa APEC (at malamang ang pagpupulong ng G20) sa 2013.

Habang nagdaraos ang ikalimang Pagtitipon sa Bangkok, nagpasiya ang mga pinúnò na magpulong nang "di-pormal" sa pagitan ng bawat pagtitipon:

Mga Pagtitipong Di-pormal ng Asean
Petsa Bansa Punung-abala
Ika-1 30 Nobyembre 1996   Indonesia Jakarta
Ika-2 14–16 Disyembre 1997   Malaysia Kuala Lumpur
Ika-3 27–28 Nobyembre 1999   Pilipinas Maynila
Ika-4 22–25 Nobyembre 2000   Singapore Singapore

Ang paghahambing ng mga hanay sa mga malalaking bansa

baguhin
Organisasyon Lawak
km²
Populasyon GDP (PPP)
sa EU$
GDP (PPP)
bawat kapita

sa EU$
Mga bansang-
kasapi
UE 4,225,104 449,206,579 26.308 trilyon 58,838 27
ASEAN 4,522,518 683,290,000 12,007 trilyon 17,528 10
CSN 17,715,335 366,669,975 2,635,349 7,187 12
AU 29,922,059 1,494,988,668 8.990 trilyon 6,330 55
Malalaking
bansa
Hati ng
politika
India 3,287,263 1,428,627,663 14.594 trillion 10,123 36
Tsina 9,596,961 1,409,670,000 35.291 trillion 25,015 34
EU1 9,833,520 334,914,895 28.781 trillion 85,373 50
Canada1 9,984,670 41,288,599 2.472 trillion 60,495 13
Russia 17,098,246 143,679,916 5.473 trillion 38,292 89

Itinaya sa taong 2024. Bughaw-puti para sa pinakamalaking halaga, lunting-puti para sa pinakamaliit, sa mga hanay na pinaghahambingan.

Katayuan ng ekonomiya

baguhin

Ang talahanayang GDP ay nakabatay sa PPP na itinaya noong 2024.

Bansa GDP (PPP)
angaw
sa EU$(Itinaya)
GDP (PPP)
bawat kapita
sa EU$(Itinaya)
  Indonesia 4.721 trilyon 16,861
  Thailand 1.644 trilyon 23,401
  Vietnam 1.559 trilyon 15,470
  Pilipinas 1.392 trilyon 12,192
  Malaysia 1.306 trilyon 39,030
  Singapore 794.179 bilyon 133,737
  Myanmar 283.572 bilyon 5,200
  Cambodia 106.714 bilyon 6,541
  Laos 74.205 bilyon 9,787
  Brunei 33.875 bilyon 76,864

Mga Lider ng ASEAN

baguhin

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. ASEAN Charter (PDF). Association of Southeast Asian Nations. p. 29. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2015-11-09. Nakuha noong 2016-03-25. Article 34. The working language of ASEAN shall be English.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Ang Saligang Batas ng ASEAN" (PDF). Association of Southeast Asian Nations. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 10 Enero 2018. Nakuha noong 10 Enero 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. http://www.gmanetwork.com/news/story/282707/ulatfilipino/balitangpinoy/pnoy-umalis-na-patungong-cambodia-para-sa-asean-summit-biyahe-gagastusan-ng-p11-m
  4. http://www.gmanetwork.com/news/story/266003/ulatfilipino/balitangpinoy/ilang-miyembro-ng-asean-dismayado-sa-di-paglabas-ng-summit-ng-pahayag-ukol-sa-west-phl-sea[patay na link]

[1]

[2]

Mga kawing panlabas

baguhin
  1. "Selected Basic ASEAN Indicators" (PDF). 9, May 2015. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 4, September 2015. {{cite web}}: Check date values in: |date= at |archive-date= (tulong)
  2. "Report for selected countries and subjects". 13, April 2023. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)CS1 maint: url-status (link)