Pagsabog sa Glorietta ng 2007
Ang 2007 Glorietta explosion na naganap sa bahagi ng Glorietta 2 ng pamilihang Glorietta at Ayala Center sa Lungsod ng Makati, Kalakhang Maynila, sa Pilipinas noong 19 Oktubre 2007 bandang 1:25 ng hapon, oras sa Pilipinas. Ayon sa paunang ulat, ang pagsabog ay nanggaling mula sa isang tangke ng LPG na sumabog sa isang kainan sa loob ng pamilihan.[1] Ngunit hanggang sa ngayon hindi pa matukoy ng mga otoridad ang tunay na dahilan o pinanggalingan ng pagsabog. Ang nasabing pagsabog ay pumatay sa labing-isang katao at mahigit isandaang katao naman ang nasugatan. Karamihan sa mga biktima ay sinugod sa Makati Medical Center at Ospital ng Makati.[2][3][4]
Ang lugar ng pagsabog sa Glorietta | |
Petsa | 19 Oktubre 2007 |
---|---|
Oras | 1:25 PM PST |
Lokasyon | Lungsod ng Makati, Pilipinas |
Mga nasawi | |
11 patay | |
129 sugatan | |
Ang pagsabog
baguhinAng naganap na pagsabog ang kumitil sa buhay ng labing-isang katao dahilan ng tama ng bubog at 126 naman ang nasugatan. Ang pagsabog ay unang naiulat dahil sa tangke ng LPG na aksidenteng lumiyab mula sa Luk Yuen Noodle House. Ngunit dahil sa malaking pinsala na naganap sa pagsabog, binalewala na ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ang nasabing senaryo at pinalagay nila na ito ay maaaring dahil sa isang bomba.[5] Habang merong indikasyon na ang pangyayaring ito ay maaaring aksidente, ang posibilidad na ito ay isang atake ng terorista ay hindi maaaring balewalain agad, ayon sa FCO sa kanilang pahayag. Sinabi ng Nagkakaisang Kaharian na merong malaking banta ng terorismo sa Pilipnas habang binabalak pa ng mga grupo ng mga terorista ang pag-atake at meron silang kakayahang gawin ang mga ito saanman at kailanman sa bansa.[6] Nagpadala ng Makati Rescue ng 40 rescue personnel at apat na duktor pang-emergency medical services o EMS para magsagawa ng operasyong paghahanap at pagsagip. Naunang nakarating ang grupo ng 10 rescue personnel sa lugar limang minuto pagkatapos ng pagsabog.[7]
Bandang 7:30 ng gabi oras sa Pilipinas, naiulat na siyam ang napatay sa pagsabog at mahigit 100 ang nasugatan. Karamihan sa mga biktima ay naisugod sa Makati Medical Center at sa Ospital ng Makati[2][3][8]. Nakilala ng National Disaster Coordinating Council bandang 5 ng hapon ang lima sa 11 nasawi bilang si Lester Peregrina, Jose Alan de Jesus, Liza Enriquez, Janin Marcos at Maureen de Leon. Ang huling nabanggit ay narekober ng mga rescue team ng Pilippine National Red Cross sa pamumuno ni Richard Gordon[9]. Samantala, nagpahayag ang embahada ng Estados Unidos at Nagkakaisang Kaharian ng simpatiya sa mga biktima ng pagsabog, at nangako ng pagtulong sa PNP at sa gobyerno sa imbestigasyon.[10][11] Iniulat din ng mga opisyal na sampung katao naman ang nawawala. Nakilala ng mga pulis ang lima sa mga namatay at opisyal na nilabas ang pangalan ng 34 sa mga nasugatan na isinugod sa Makati Medical Center bandang 3 ng hapon.[12][13]
Habang umuusad ang imbestigasyon apat na araw matapos ang pagsabog, tinatangi ng mga autoridad ang posibilidad na ang pagsabog ay dahil sa isang aksidente at hindi isang atakeng terorista. Bagaman merong bakas ng RDX (Cyclotrimethylenetrinitramine) na natagpuan sa lugar, hindi ito nangangahuligan na bomba ang sanhi nito, dahil meron ding pangkalakalan (commercial) na gamit ang RDX. Ayon sa mga autoridad, ang pinakamalaking maaaring dahilan ng pagsabog, ay ang pag-ipon ng mitein sa poso negro ng gusali maging ng ibang materyales na nakakasunog sa basement.[14][15] Hindi rin isinasantabi ng mga autoridad ang posibilidad ng atakeng terorista at iniimbestiga pa ang insidente para matukoy ang tunay na sanhi ng pagsabog.[15]
Sa wakas, noong 22 Nobyembre 2007, pinagtibay ng Pambansang Pulisya na ang pagsabog ay sanhi ng gas at hindi bomba. Ngunit hindi pa rin nila matukoy kung paano ito nangyari. Pinapag-aralan na ng mga pulis ang anggulo ng kapabayaan.[16]
Huling ulat at pagsampa ng kaso
baguhinNoong 8 Enero 2008, nalaman ng mga ekspertong galing ibang bansa na inatasan ng Ayala Land, Inc (ALI) na ang pagsabog ay sanhi ng bomba na may sangkap na RDX na ginagamit sa industriya at militar, at sangkap din sa pampasabog na C-4, isang bombang plastik.[17] Noong 10 Enero 2008, inanunsyo ni Punong Tagapangasiwa Luizo Ticman na ang kasong kriminal ng "reckless imprudence resulting to multiple homicide, physical injuries and damage to property" ay isasampa laban sa: mga inhinyero Arnel Gonzales, Jowell Velvez, at Clifford Arriola, Joselito Buenaventura, Charlie Nepomuceno, Jonathan Ibuna, at Juan Ricafort ng Marchem Industrial Sales and Service Inc.; para sa paglabas ng Kodigo sa Sunog: inhinyero Ricardo Cruz, tagapangasiwa sa operasyon ng Metalline Enterprises at ang katiwala nito, si Miguel Velasco; para sa matinding kapabayaan sa tungkulin dahilan ng labis na pinsala: Makati City Fire Station Senior Fire Officer 4 Anthony Grey, SFO2 Leonilo Balais, Senior Inspector Reynaldo Enoc, at Chief Inspector Jose Embang Jr.; hepe ng Makati City Fire Station - "dahil sa isang simpleng kapabayaan sa tungkulin - dahil sa pagkabigo na pag-aralan at patunayan bago maglabas ng katibayan ng pag-inspeksiyon ng kaligtasan sa sunog ."[18] Sinalaysay ni Ticman na ang huling ulat na nilagda ng Kalihim ng DILG Ronaldo Puno - "walang sangkap ng bomba ang natagpuan sa basement ng pamilihang Glorietta 2; ang kawalan ng crater, sangkap pampasabog, o anumang improbisadong kagamitang pansabog sa "lugar ng pagsabog; walang uling o pangingitim sa kisame. Dinetalye ng huling ulat ng Multi-Agency Investigation Task Force na ang unang pagsabog ay dahilan sa pagsabog ng mitein, at bandang 1:31 ng hapon na ang mga "gas na naipun sa ibabaw ng tubig na sinlalim ng tuhod, diesel, dumi ng tao at kusina sa basement ng pamilihan na may mahinang sirkulasyon ng hangin na pinabayaan ng 76 araw"; ang pangalawang pagsabog ay dahil sa "pagsabog ng singaw ng diesel bandang 1:32 ng hapon; "nalaman" ng Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat ang "posibleng sanhi ng pagsabog" - ang control panel ng motor ng bombang pandumi 2 at 3 sa basement; angh pagtaas ng temperatura dahilan ng gas ng mitein ay nagdulot ng pangalawang pagsabog. Sinuportahan naman ng Pulisyang Pederal ng Australya at ang kopya ng Powerpoint ni Ambassador ng EU Kristine Kenney na nagllaman ng ulat ng mga eksperto sa Estados Unidos ang resulta ng MAITF.[19] Noong 11 Enero 2008, personal na sinampahan ni Punong Tagapangasiwa Luizo Ticman ng kaso laban sa mga 15 akusado sa Kagawaran ng Hustisya, Maynila.[20]
Noong 16 Enero 2008, pinahayag ni kit Collier, kasangguni at eksperto sa terorismo at paghihimagsik ng International Crisis Group, sa mga midyang pang-ibang bansa sa Annual Prospects Forum, Mandarin Hotel, Lungsod ng Makati na nagdududa siya sa naantalang huling ulat ng Pambansang Kagawarann ng Hustisya tungkol sa resulta na ang pagsabog sa Glorietta 2 ay dahil sa pagsabog ng gas. Binanggit ni Kit ang mga bakas ng RDX na isang sangkap pampasabog na nakita sa lugar. Sinabi ni Aini Ling, isang ekspertong Malaysiano na inatasan ng ALI sa kanilang bayad na imbestigasyon, sa kanyang ulat na ang pagsabog ay dahilan sa bomba, at ito ay dahil sa mga bakas ng RDX na natagpuan sa lugar ng pagsabog. Samantala, magsasagawa din si Raul M. Gonzaies ng paunang imbestigasyon sa kasong kriminal na isinampa ng pulis.[21]
Noong 22 Enero 2008, pinawalang-sala ni Raul M. Gonzales ang Ayala Land, Inc, isang kompanyang kabahagi ng Ayala Corporation para sa real estate, sa pananagutan sa nasabing pagsabog. Ngunit sinabi din ni Gonzales na ang Ayala Property Management, Inc. (APMC) ay nasa ilalim pa rin ng imbestigasyon.[22]
Nirekomenda ng "Task Force Glorietta" ng Kagawaran ng Hustisya noong 22 Mayo 2008, ang pagsampa ng kasong kriminal ng "reckless imprudence resulting in homicide and multiple physical injuries" laban sa 8 akusado : Candelario Valdueza, inhenyerong pamproyekto ng Makati Supermarket Corp. (MSC), Clifford Arriola, tagapamahala ng operasyo ng Marchem Industrial Sales and Services Inc.; Joselito Buenaventura, Marchem supervisor; Charlie Nepomuceno, Jonathan Ibuna, and Juan Ricaport, lahat na maintenance personnel ng Marchem; Engr. Ricardo Cruz, tagapamahala ng operasyon ng Metalline Enterprises, at katiwalang si Miguel Velasco Jr. Samantala, pinawalang-sala din ang ibang mga suspek.[23] Tinanggi ng resolusyong ito na may 51 pahina ang teorya ng ALI patungkol sa bomba at pinatunayan ang teorya ng pulisya ukol sa pagsabog sanhi ng biogas, ngunit pinawalang-sala din nito ang mga may-ari ng Ayala Mall, at ang mga inheniyhero ng Ayala Land na si Marcelo Botanes, Jowell Velvez, at Arnel Gonzales, sa kadahilanang: "Napatunaya na ang Makati Supermarket Building ay pag-mamayari ng Makati Supermarket Corporation (MSC) at hindi ng Ayala Land, Inc (ALI), na mga kompanyang hiwalay at naiiba; Wala sa mga kagamitan na natagpuan sa basement ng supermarket ay pagmamay-ari, tinustos, o dinesenyo ng ALI." [24]
Pagsasaayos
baguhinInalok ng Ayala Land Inc ang mga pamilya ng mga nasawi ng isang bahay na nagkakahalagang P4 milyon at salaping P1 milyon para sa pagasaayos: mga nasawing si si Jose Allen (asawa ni Marie de Jesus), Anthony Marius (asawa ni Melanie Arroyo), Leslie Cruz (asawa ni Carlo Cruz), at Ricardo (asawa ni Amado Petras), inter alia.[25][26]
Mga pinsala
baguhinNoong 21 Oktubre 2007, opisyal na nilabas ng National Disaster Coordinating Council ang mga sumusunod na ulat:
- 11 patay
- 129 sugatan; at 95 ang nilabas na mula sa mga sumusunod na ospital:
- Ospital ng Makati (32)
- Makati Medical Center (63)
Pagkatapos
baguhinOpisyal na pinahayag ni Direktor-Heneral ng National Capital Region Police Office (NCRPO) Geary Barias sa Crossroads ng ABS-CBN News Channel:
"As of 8:00 this evening(Oktubre 19), we have accounted for eight casualties and 129 injured. They are scattered I think in two hospitals in Makati,"
Isang araw pagkatapos ng pagsabog, balik-operasyon na ang pamilihang Glorietta matapos mapatunayan ng mga inhinyerong nag-inspeksiyon sa nalalabing bahagi ng pamilihan na matibay pa rin ang mga ito. Nanatiling sarado ang Glorietta 2, maging ang ilan sa mga tindahan sa nalalabing bahagi ng mall, karamihan dito ay mga kainan.[27].
Noong 23 Oktubre 2007, nilabas sa telebisyon at sa radio pampubliko na nakunan ng kamera ng closed-cirtuit TV sa pamilihan ang aktwal na pagsabog. Nakunan ng Kamera 12 ang eksena sa pasukan ng unang palapag ng Glorietta 2, habang nakunan ng Kamera 10 ang eksena sa pamilihan ng aklat sa Glorietta 2.[28]
Reaksiyon
baguhinPinangako ng Ayala Land na sustentuhin ang mga bayarin sa ospital ng mga nasugatan sa pagsabog. Ibabalik din nila ang mga sasakyang naipit sa parking lot ng Glorietta 2 (Park Square 2) sa mga mayari. Nagbigay ng simpatiya ang Estados Unidos at Nagkakaisang Kaharian sa pamamagitan ng kanilang mga embahada ng simpatiya sa mga biktima ng pagsabog, at nangako ng pagtulong sa gobyerno ng Pilipinas at sa Pambansang Pulisya sa imbestigasyon.[10][11] Pinahayag din ng Pangulo noon ng Pilipinas na si Gloria Macapagal-Arroyo na magkakaroon ng masusing imbestigasyon ng pagsabog. Sinabi din niya na nasa pinakamataas na katayuang pambabala (highest alert status) na ang pulisya at militar, at mahigit 2,000 opisyales pangseguridad ang ipapakalat sa mga pampublikong lugar.[29]
Mga panlabas na kawing
baguhin- The Glorietta Blast, a Special Microsite for the Tragedy in Glorietta - from the Philippine Daily Inquirer Naka-arkibo 2007-10-27 sa Wayback Machine.
- abs-cbnnews.com, Initial photos in Makati blast Naka-arkibo 2007-07-09 at Archive.is
- manilatimes.net, Chronology of events Naka-arkibo 2008-01-16 sa Wayback Machine.
- GMA NEWS.TV, Report on Glorietta 2 explosion posted online
- pnp.gov.ph/press, Glorietta 2 Explosion Report Naka-arkibo 2008-01-27 sa Wayback Machine.
- Ayala Land Corporate Website
- Alveo Land Official Website
- Amaia Land Website
Talasangguian
baguhin- ↑ "Blast kills four in Philippine capital". World. The Washington Post. 2007-10-19. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-04. Nakuha noong 2007-10-19.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Blast kills eight and wounds 70 at Philippine mall". World. The Washington Post. 2007-10-19. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-04. Nakuha noong 2007-10-19.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Teves, Oliver (2007-10-19). "Blast at Manila shopping Mall kills 4". Yahoo! News. Yahoo! Inc. Nakuha noong 2007-10-19.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Afp.google.com, Nine people killed in bombing at the Philippines mall". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-06-09. Nakuha noong 2007-06-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-06-09 sa Wayback Machine. - ↑ Alberto, Thea (2007-10-19). ""Bomb likely" in Makati mall blast--Razon". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-21. Nakuha noong 2007-10-19.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-10-21 sa Wayback Machine. - ↑ "British Government Issues Philippine Travel Warning Due to Blast". Yahoo! 7. 2007-10-19. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-05. Nakuha noong 2007-10-26.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2013-01-05 at Archive.is - ↑
"Makati Rescue to Remain at Glorietta 2". Makati City Portal. 2007-10-19. Nakuha noong 2007-10-22.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Afp.google.com, Eight killed in bombing at Philippines mall". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-06-09. Nakuha noong 2007-06-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-06-09 sa Wayback Machine. - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-23. Nakuha noong 2010-09-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2012-09-23 sa Wayback Machine. - ↑ 10.0 10.1 "Inquirer.net, US, UK embassies express sympathy for blast victims". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-21. Nakuha noong 2010-09-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-10-21 sa Wayback Machine. - ↑ 11.0 11.1 GMA NEWS.TV, NDCC identifies 4 of 8 fatalities in Glorietta 2 blast
- ↑ "Abs-Cbn Interactive, Eight killed, 129 hurt in Makati mall blast". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-21. Nakuha noong 2010-09-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-10-21 sa Wayback Machine. - ↑ "Inquirer.net, List of dead and injured in Glorietta blast". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-21. Nakuha noong 2010-09-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-10-21 sa Wayback Machine. - ↑ "Inquirer.net, 'High level of certainty' mall blast an accident--probers". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-23. Nakuha noong 2010-09-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-10-23 sa Wayback Machine. - ↑ 15.0 15.1 GMANews.TV, Accident ‘high certainty’ in Glorietta blast - DILG chief
- ↑ "Inquirer.net, (UPDATE) Gas not bomb caused Makati mall blast -- PNP". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-02-12. Nakuha noong 2010-09-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-02-12 sa Wayback Machine. - ↑ Abs-Cbn Interactive, Source: ALI's probe result says Glorietta was bombed[patay na link]
- ↑ "www.abs-cbnnews.com, PNP: Two gas explosions hit Glorietta". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-07-09. Nakuha noong 2010-09-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-07-09 at Archive.is - ↑ "newsinfo.inquirer.net/breakingnews, 15 to be charged in mall blast--police". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-16. Nakuha noong 2010-09-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-03-16 sa Wayback Machine. - ↑ GMA NEWS.TV, 15 in Glorietta 2 blast formally charged
- ↑ "Abs-Cbn Interactive, Foreign experts cast doubts on PNP's Glorietta blast findings". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-07-09. Nakuha noong 2010-09-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-07-09 at Archive.is - ↑ Abs-Cbn Interactive, DOJ clears Ayala Land in Glorietta blast[patay na link]
- ↑ GMA NEWS.TV, Engineer, 7 others face raps over Glorietta blast
- ↑ Abs-Cbn Interactive, Why DOJ dismissed case vs. Ayala Land in Glorietta blast[patay na link]
- ↑ "inquirer.net, Widow remembers Glorietta blast". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-17. Nakuha noong 2010-09-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-10-17 sa Wayback Machine. - ↑ "newsinfo.inquirer.net, GLORIETTA BLAST 'I just tell her, mom's in heaven'". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-17. Nakuha noong 2010-09-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-10-17 sa Wayback Machine. - ↑ "Inquirer.net, Back to normal at the malls the morning after". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-21. Nakuha noong 2010-09-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-10-21 sa Wayback Machine. - ↑ TV Patrol World episode, Wednesday, 24 Oktubre 2007
- ↑ Blast Kills at Least 8 in Manila Mall