Pagsasakripisyo ng bata

Ang pagsasakripisyo ng bata ay ang rituwalistikong pagpatay ng bata upang kaluguran o payapain ang isang diyos, nilalang sobrenatural, o sagradong kaayusang panlipunan, kalipian, pangkat o pambansang debosyon upang matamo ang ninais na resulta. Tulad nito, isa itong anyo ng pagsasakripisyo ng tao. Inakala ang pagsasakripisyo ng bata na isang sukdulang ekstensyon ng ideya na kapag mas mahalaga ang bagay ng pagsasakripisyo, mas tapat ang taong gumagawa nito.[1]

Selyong silindrong Babiloniko na kinakatawan ang pagsasakripisyo ng bata

Mukhang natapos ang pagsasanay ng pagsasakripisyo ng bata sa Europa at Malapit na Silangan bilang bahagi ng isang pagbabagong pangrelihiyon ng huling sinaunang panahon.[2]

Mga kalinangan bago ang Kolumbiyano

baguhin

Nahanap ng mga arkeologo ang mga labi ng higit sa 140 bata na ginawang alay sa hilgang rehiyong baybayin ng Peru.[3]

Sa Sinaunang Malapit na Silangan

baguhin

Paggagapos kay Isaac

baguhin
 
Sa pagsasalarawan ng Pagagapos kay Isaac ni Julius Schnorr von Karolsfeld, 1860, pinapakita si Abraham na hindi hinahandog si Isaac.

Nakasaad sa Genesis 22 ang paggagapos kay Isaac, ni Abraham upang ihandog ang kanyang anak, si Isaac, bilang isang alay sa Bundok Moria. Isang pagsubok ito ng pananampalataya (Genesis 22:12). Sumang-ayon si Abraham sa utos na ito na hindi nakikipagtalo. Natapos ang kuwento sa pagpapakita ng isang anghel na pinigilan si Abraham sa huling minuto at ginawang hindi na kailangan na maging alay si Isaac dahil sa pagbibigay ng isang lalaking tupa, na hinuli sa katabing sanga ng kahoy, upang ito na lamang ang isakripisyo. Binigyan diin ni Rabi A.I. Kook, unang Punong Rabi ng Israel, ang kasukdulan ng kuwento, na iniutusan si Abraham na isakripisyo si Isaac ay ang buong punto: upang tapusin ang, at ang pag-ayaw ng Diyos sa rituwal ng pagsasakripisyo ng bata.[4] Sang-ayon kay Irving Greenberg, sinisimbolo ng salaysayin ng paggagapos kay Isaac ang pagbabawal ng pagsamba sa Diyos sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng tao, sa panahon na ang pagsasakripisyo ng tao ay karaniwan sa buong mundo.[5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "LacusCurtius • Greek and Roman Sacrifices (Smith's Dictionary, 1875)" (sa wikang English). Nakuha noong 5 Agosto 2015.
  2. Guy Strousma, "The End of Sacrifice" in The Making of the Abrahamic Religions in Late Antiquity (Oxford 2015). Academia link. (sa Ingles)
  3. "Peru child sacrifice discovery may be largest in history". BBC News (sa wikang English). 28 Abril 2018.
  4. "Olat Reiya", p. 93. (sa Ingles)
  5. Irving Greenberg. 1988. The Jewish Way: Living the Holidays. New York : Summit Books. p.195. (sa Ingles)