Pagsiklab ng monkeypox sa Pilipinas ng 2022

Ang Pagsiklab ng monkeypox sa Pilipinas ng 2022, ay parte ng malawakang pandaigdigang pagsiklab (outbreak) ng Monkeypox birus na nanalasa sa mundo ay mula sa Kanlurang Aprika , Ang pagsiklab ay unang naitala sa Pilipinas, na ang sinuspetyahan na kaso ay nakumpirma noong Hulyo 28, 2022 ayon sa DOH.[1][2]

2022 monkeypox outbreak in the Philippines
SakitHuman monkeypox
Uri ng birusMonkeypox birus
LokasyonPilipinas
Petsa ng pagdatingHulyo 29, 2022
Kumpirmadong kaso4
Gumaling4
Patay
0

Pagdating

baguhin

Ang unang kaso ng Monkeypox ay naipapasa tao sa tao, dumating ang monkeypox sa Pilipinas noong ika 28, Hulyo, na ang isang 31 taon gulang na lalaki na bumiyahe mula Singapore noong ika 19, Hulyo 2022 ng bumalik sa Pilipinas, siya ay nag positibo ang lalaki at at sumailalim sa Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa na nagpositibo noong Hulyo 28, Ang pasyente ay nakatakdang lumabas sa takdang oras ng kanyang paggaling ayon sa health department na iaanunsyo sa patuloy na mga iaisolation, 10 pa na katao kasama ang 3 na mga nakasalamuha ngunit ang mga ito ay nag negatibo sa pagsasailalim sa examinasyon.[3][4]

Noong Agosto 6 ang pasyente ay na discharged at sumailalim sa patuloy na 21 kuwarentina sa isolation, ng hindi na ito makahawa pa ng iba ayon sa DOH, Ang ibang mga nakasalamuha ay nag negatibo.

Responde

baguhin

Noong Mayo 24, 2022 ang DOH ay nagpahayag ng kahandaan ukol sa Monkeypox para makita ang kontaminasyon kung sakaling lumobo ang mga kaso sa Pilipinas, Ang sakit ay kilala bilang ibang uri ng bulutong, Ang bawat mag popositibo ay iimbestigahan ng Epidemiology Bureau (EB) at ng Regional Epidemiology Surveillance Unit. At iaanunsyo ang lahat na pinaghihinalaan kaso at bilang na sasailalim sa (RT-PCR) para sa monkeypox.

Noong Hunyo 20, 2022 ang "Research Institute for Tropical Medicine" sa Muntinlupa ay naganunsyo na-ioptimize nito ang real-time polymerase chain reaction (PCR) assay nito para sa pagtuklas ng monkeypox birus.

Ika Hulyo 2022 ang "RITM" at ang "Philippine Genome Center" sa Lungsod ng Quezon ay ang nag-iisang institusyon sa Pilipinas upang matuklasan ang monkeypox through RT-PCR tests, Ang DOH ay pakay na palawigin ang kapasidad at magkaroon ng kakahayan sa ibang institusyon ng ospital, Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino at ilang paliparan sa Pilipinas, ay naglagay ng surveillance, upang matukoy ang mga nag-positibo, Sa isang tahasang pahayag noong Agosto 2. Ang DOH Officer in Charge na si Maria Rosario Vergeire ay sinabi na hindi isasara ang border ng bansa sa kabila ng banta ng monkeypox, mula sa pagpasok at paglabas ng mga banyaga (foreign) at hindi ishu-shut down, kahit pa na hindi nakakatanggap ng rekomendasyon mula sa "World Health Organization" (WHO), Bagaman ang pagbubukas ng face to face classes at ilang unibersidad ay tuloy ang pagbubukas ng klase na magsisimula sa Agosto 22, 2022 ayon sa ilang kooperasyon ng DepEd.

Ang DOH ay pumasok sa isang negosiyasyon maging ang gobyerno ng Estados Unidos upang ma siguro ang bakunang monkeypox para sa limitadong demograpiko, Kaagapay ang iilang miyembro ng WHO.

Ang DOH ay naging aktibo sa pagmamatyag sa mga kaso at magtatayo ng medikal na pasilidad sa bansa.

Tingnan rin

baguhin

Sanggunian

baguhin