Ang pagtotoro (Kastila: corrida de toros; Ingles: bullfighting) ay isang tradisyonal na palabas sa Espanya, Portugal, timog Pransiya at sa ilang bansa sa Latinong Amerika (tulad ng Mehiko, Kolombiya, Beneswela, Peru at Ekwador), na kung saan isa o marami pang mga toro ay pinapain sa torohan (plaza de toros o bullring) bilang palaro at aliwan.

Torohan ng Las Ventas sa Madrid.

Ang torero ay ang pangunahing artista sa pagtotoro. Ang sinumang makapaslang sa toro ay tinatawag na maestro at ang kaniyang opisyal na titulo ay matador de toros ("tagapatay ng mga toro"), ngunit ang katagang matador[1] na walang karugtong ay ginagamit lang sa wikang Ingles at di kailanman sa Kastila.

Mga Pangunahing Estilo

baguhin
  • Estilong Kastila, corrida de toros o la fiesta (ito lamang ang estilo na kung saan pinapatay ang toro)[2]
  • Recortes, estilo sa hilaga at kanlurang Espanya
  • Estilong Portuges, cavaleiro at pega[3]
  • Estilong Pranses, course libre o course camarguaise[4]
  • Estilong Bumbay, Jallikatu (o Sallikatu)[5]
  • Estilong Freestyle , sumibol mula sa Amerikanong rodeo

Mga sanggunian

baguhin
  1. Matador (sa Ingles)
  2. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-09-25. Nakuha noong 2011-02-04.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2010-09-25 sa Wayback Machine.
  3. Bullfighting (sa Ingles)
  4. Vaches Pour Cash: L'Economie de L'Encierro Provençale, Dr. Yves O'Malley, Nanterre University 1987.
  5. http://travel.nytimes.com/2007/03/22/travel/21webletter.html


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Espanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.