Palazzo Davia Bargellini, Bolonia
Ang Palazzo Davìa Bargellini ay isang estilong Barokong palasyong matatagpuan sa Strada Maggiore sa sentrong Bolonia, Italya . Kasalukuyan itong tahananan ng Sibikong Museo ng Sining Industiryal at Galeriya Davìa Bargellini, na isang eklektikong koleksiyon ng mga pinta na gawa pati na rin ang inilapat na sining at mapapakinabangang palamuti, na inilarawan bilang mga kahanga-hanga sa matandang Bolonia. Ang mga samu't saring koleksiyon ng sining ay naglalaman ng mga seramika, pananamit sa liturhiya, mga susi, ornamental na hawakan ng pinto, mga marionette mula sa teatrong pangkalye, muwebles, bakal, marangyang paglilok ng mga kuwdrong kahoy, at isang ginintuan karwahe.[1]
Palasyo
baguhinPagkatapos ng alitan sa pagitan ng pamilyang Bargellini at ng pamilyang Ariosto noong huling bahagi ng ika-17 siglo, na humantong sa pagkalipol ng dalawang pamilya, minana ng pamilyang Davìa ang pangalan, ari-arian at pera ng Bargellini.[2] Noong 1839-1874, sinakop ng pamilya Davìa ang palasyo. Ipinaubaya ng huling miyembro ang lahat sa mga pampublikong institusyon.[2]
Ang idea ng isang museo ay ipinasa noong 1924 ng may-ari noon at Superintendente ng Galleries, si Francesco Malaguzzi Valeri, sa bahagi upang ipakita ang koleksiyon ng mga pinta na binuo ng mga pamilyang Davìa Bargellini, at ang kaniyang personal na koleksyon ng inilapat na sining. Ito ay naging isang "Museo ng 'Industrial na Sining'.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Our museums / Museo Davia Bargellini". Musei Bologna. Comune di Bologna. Nakuha noong 9 Mayo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Costa, Tiziano (2014). Welcome to Bologna. Eliza Panzacchi and Michael Phillips (translators). Costa Editore. p. 61. ISBN 9788898725090.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)