Palazzo Zevallos Stigliano
Ang Palazzo Zevallos Stigliano ay isang palasyong Barokong matatagpuan sa Via Toledo bilang 185 sa quartiere San Ferdinando ng sentrong Napoles, Italya. Tinatawag din itong Palazzo Zevallos o Palazzo Colonna di Stigliano, at mula noong 2014 ay nagsisilbing isang museo ng mga likhang sining, pangunahin na sumasaklaw sa ika-17 hanggang sa unang bahagi ng ika-20 siglo, na itinaguyod ng Poyektong Pangkultura ng bangkong Intesa Sanpaolo. Ang museo na ito ay nakaugnay sa Museo o Gallerie di Piazza Scala sa Milano at ang Museo sa Palazzo Leoni Montanari sa Vicenza, na pagmamay-ari din ng Bangko.
Palazzo Zevallos Stigliano | |
Itinatag | 1989 |
---|---|
Lokasyon | Via Toledo 185, Napoles, Italya |
Mga koordinado | 40°50′23″N 14°14′55″E / 40.8397°N 14.2486°E |
Uri | Museong pansining, makasaysayang pook |
Sityo | Opisyal na website |