Palitang Smart Connect
Ang Palitang Smart Connect (Ingles: Smart Connect Interchange), na kilala rin bilang Palitan ng Abenida Mindanao (Mindanao Avenue Interchange) at Palitan ng North Luzon Expressway–Daang Palibot Blg. 5 (North Luzon Expressway–Circumferential Road 5 Interchange), ay isang palitang trebol na may dalawang antas sa Valenzuela, Kalakhang Maynila, Pilipinas na nagsisilbing sangandaan sa pagitan ng Daang Palibot Blg. 5 (C-5) at ng North Luzon Expressway (NLEx). Itinayo ito bilang bahagi ng NLEx–Mindanao Avenue Link na may habang 2.7 kilometro (o 1.7 milya) at nagsisilbing karugtong ng mabilisang daanan sa Abenida Mindanao,[1] na sinapi na sa sistemang C-5, at ito ang pinakamalaking palitang trebol sa bansa kung pagbabatayan ang lawak ng lupa.[2]
Palitang Smart Connect Smart Connect Interchange | |
---|---|
Palitan ng Abenida Mindanao Palitan ng North Luzon Expressway–Daang Palibot Blg. 5 | |
Lokasyon | |
Valenzuela, Kalakhang Maynila, Pilipinas | |
Mga koordinado | 14°41′36.7″N 121°0′1.6″E / 14.693528°N 121.000444°E |
Mga lansangan sa daanan | C-5 North Luzon Expressway |
Konstruksiyon | |
Uri | Palitang trebol na may dalawang antas |
Itinayo | 2009–2010 ng Leighton Contractors Asia Ltd |
Nabuksan | 5 Hunyo 2010 |
Pinangangasiwaan ng | Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan Manila North Tollways Corporation |
Kasaysayan
baguhinPinasinayaan ang simula ng konstruksiyon ng NLEx–Mindanao Avenue Link, kasama ang Palitang Smart Connect Interchange, noong 2 Abril 2009,[3] at nagsimula ang mismong pagtatayo noong Abril 21, 2009.[4]
Binuksan sa trapiko ang buong bahagi noong Hunyo 5, 2010, at pinasiyahan nina noo'y Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Manuel V. Pangilinan na tagapangulo ng Manila North Tollways Corporation (konsesyonaryo ng North Luzon Expressway), Victor Domingo na noo'y Kalihim ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH), at ng matataas na mga opisyal ng lungsod ng Valenzuela.[5] Tinatayang nasa 30,000 sasakyan ang gagamit ng bagong daan araw-araw sa unang taon ng operasyon nito.[4] Mula nang binuksan ito, malaki ang naitulong nito sa pagpapagaan ng trapiko sa mas-lumang Palitan ng Balintawak na nag-uugnay ng Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) sa NLEx,[6] na tatlong beses na mas-maliit.[4]
Bagamat binuksan ito sa trapiko noong 2010, unang dinala ng Palitang Smart Connect ang trapiko sa pagitan ng Valenzuela at silangang bahagi ng Kalakhang Maynila, at nakasara sa trapiko ang pakanlurang mga rampa. Masasakatuparan lamang ang gawain sa isang koneksiyon sa pagitan ng palitan at ng kanlurang Kalakhang Maynila kalakip ng pagtatayo ng 2.42 kilometro (1.5 milyang) NLEx–Karuhatan Link o ang Bahaging 9 ng NLEx, sa pagitan ng palitan at ng Lansangang MacArthur, na binuksan noong 19 Marso 2015.[7] Isa pang karugtong papuntang Pantalan ng Maynila na kilala bilang Bahaging 10 ng NLEx ay unang binuksan noong 1 Marso 2019.
Noong 16 Nobyembre 2012,[8] binili ng Smart Communications ang karapatan sa pagpapangalan sa palitan, kaya nabigyan ito ng kasalukuyan nitong pangalan.[9]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "NLEx-Mindanao Ave. road link in place by mid-year". GMA News and Public Affairs. Enero 13, 2010. Nakuha noong Hulyo 8, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "MNTC ready to undertake NLEX-C5 road link proj". The Philippine Star. PhilStar Daily, Inc. Abril 30, 2012. Nakuha noong Hulyo 8, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "MNTC starts construction of roads connecting NLEX from all directions". GMA News and Public Affairs. Abril 2, 2009. Nakuha noong Hulyo 8, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 "NLEX's Segment 8.1 opens today, June 5" (Nilabas sa mamamahayag). Manila North Tollways Corporation. Hunyo 5, 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 20, 2010. Nakuha noong Hulyo 8, 2016.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PGMA inaugurates P2.1-B NLEX-Mindanao Avenue Link". Philippines News Agency. Hunyo 5, 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 29, 2016. Nakuha noong Hulyo 8, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo August 29, 2016[Date mismatch], sa Wayback Machine. - ↑ Reyes, Mary Ann LL. (July 12, 2015). "Seamless travel". The Philippine Star. PhilStar Daily, Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 17, 2016. Nakuha noong July 8, 2016.
{{cite news}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) Naka-arkibo September 17, 2016[Date mismatch], sa Wayback Machine. - ↑ "NLEX's Segment 9 opens Thursday". ABS-CBN News and Current Affairs. Marso 18, 2015. Nakuha noong Hulyo 8, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Smart Communications [@LiveSmart] (Nobyembre 16, 2012). "MOA signing for the SMART CONNECT Interchange. The largest cloverleaf in the Phil now sports a new name. twitpic.com/bdkqy1" (Tweet) – sa pamamagitan ni/ng Twitter.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Smart, MNTC, Voyager tie up for interactive mobile messaging" (Nilabas sa mamamahayag). Smart Communications. Hulyo 26, 2013. Nakuha noong Hulyo 8, 2016.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)