Pamahalaan ng Katimugang Sudan (2005-2011)

Ang Pamahalaan ng Katimugang Sudan, (Arabe: حكومة جنوب السودان‎, Ḥukūmatu Janūbi s-Sūdān) ay isang pamahalaang awtonomo na nangasiwa sa sampung katimugang mga estado ng Sudan sa pagitan ng pagbubuo o pormasyon nito noong Hulyo 2005 at kalayaan bilang Republika ng Timog Sudan noong Hulyo 2011. Ang pamahalaang awtonomo ay unang itinatag sa Rumbek at lumaong lumipat sa Juba. Ang pook na pinangasiwaan nito ay nahahanggahan ng Ethiopia sa silangan; Kenya, Uganda, at Demokratikong Republika ng Konggo sa timog; at ng Gitnang Republikang Aprikano sa kanluran. Nakahimlay sa hilaga ang lantad na rehiyong Arabo at Muslim na tuwirang nasa ilalim ng control o kapangyarihan ng pangunahin o panggitnang pamahalaan. Ang katayuang awtonomo ng rehiyon ay isang kundisyon ng isang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng Sudan People's Liberation Army/Movement (SPLA/M), o Hukbo/Kilusang Pampagpapalaya ng mga Tao ng Sudan sa pagsasalinwika, at ng Pamahalaan ng Sudan na kinakatawan ng Konggresong Pambansa na nagpahinto sa Ikalawang Sudanes na Digmaang Sibil. Ang hidwaan ay ang pinakamatagal na umiiral na digmaang sibil sa Aprika.[1][2]

Pamahalaan ng Katimugang Sudan
حكومة جنوب السودان
Ḥukūmatu Janūbi s-Sūdān
2005–2011
Watawat ng Katimugang Sudan
Watawat
Emblema ng Katimugang Sudan
Emblema
Mapa ng Katimugang Sudan
Mapa ng Katimugang Sudan
KatayuanRehiyong awtonomo
KabiseraJuba
PamahalaanPamahalaang awtonomo <!—punan lamang ang simula/katapusan ng pangyayari kapag umiiral ang isang particular na artikulo. Huwag bastang sabihin na "abolisyon" o "deklarasyon" lang-->
Pangulo 
• 2005
John Garang
• 2005–2011
Salva Kiir Mayardit
LehislaturaAsembleyang Lehislatibo
Kasaysayan 
• Naitatag ang pamahalaang awtonomo
Hulyo 9, 2005 2005
• Pagsasarili bilang Republika ng Timog Sudan
Hulyo 9, 2011 2011
Lawak
2008619,745 km2 (239,285 mi kuw)
Populasyon
• 2008
8260490
Pinalitan
Pumalit
Rehiyong Awtonomo ng Katimugang Sudan
Timog Sudan

Kasaysayan

baguhin

Ang Ehipto, habang nasa ilalim ng Khedive na si Isma'il Pasha, ay unang tumangka na sakupin bilang kolonya ang rehiyon noong dekada 1870, na nagtatag ng lalawigan ng Equatoria na nasa katimugang bahagi. Ang unang gobernador ng Ehipto ay si Samuel Baker, na binigyan ng komisyon noong 1869, na sinundan ni Charles George Gordon noong 1874 at ni Emin Pasha noong 1878. Ang Digmaang Mahdist ng dekada 1880 ang nagpahina sa sumisibol na lalawigan, at hindi na umiral ang Equatoria bilang isang kolonyang Ehipsiyo noong 1889. Ang mahahalagang mga pook na pinanahanan sa Equatoria ay kinabibilangan ng Lado, Gondokoro, Dufile at Wadelai. Noong 1947, ang inaasahan ng Britanya na maidikit ang katimugang bahagi ng Sudan sa Uganda ay hindi natuloy dahil sa Pagpupulong sa Juba, upang pag-isahin ang kahilagaan at ang katimugang Sudan.

Digmaang Sibil

baguhin

Ang rehiyon ay naapektuhan ng dalawang mga digmaang sibil magmula noong kasarinlan ng Sudan – nakibaka ang pamahalaang Sudanes sa hukbong rebelde ng Anyanya magmula 1955 hanggang 1972 noong panahon ng Unang Sudanes na Digmaang Sibil at pagkaraan ay nakipaglaban ito sa SPLA/M noong Ikalawang Sudanes na Digmaang Sibil sa loob ng halos dalawampu’t isang mga tao pagkaraan ng pagkakatatag ng SPLA/M noong 1983 – na nagresulta sa malubhang pagpapabaya, kawalan ng kaunlarang pang-estruktura, at malawakang destruksiyon at pag-alis ng mga tao mula sa kanilang mga tirahan. Mahigit sa 2.5 milyong mga tao ang namatay, at mahigit sa 5 milyong ang umalis papalabas habang ang iba naman ay nanatili sa loob subalit wala sa kanilang orihinal na mga tirahang pook, at naging mga repuhiyado bilang resulta ng digmaang sibil at mga puwersang may kaugnayan sa digmaan.

Kasunduan ng kapayapaan at awtonomiya

baguhin

Noong 9 Enero 2005, isang tratado ng kapayapaan ang nilagdaan sa Nairobi, Kenya, na naghinto sa Ikalawang Digmaang Sibil ng Sudan at muling nagtatag na awtonomong Pangkatimugan.[3] Si John Garang, na noon ay pinuno ng Hukbo/Kilusang Pampagpapalaya ng mga Tao ng Sudan, ay naglarawan sa tratado bilang "… kasunduang pangkapayapaan na magpapanibago sa Sudan sa habang-panahon."[4] Nagbigay ang tratado ng isang reperendum hinggil sa kalayaan ng Timog Sudan na isasagawa noong 9 Enero 2011, anim na taon pagkalipas ng orihinal na paglagda. Patas na hinati rin nito ang kita mula sa petrolyo sa pagitan ng Hilagang Sudan at ng Timog Sudan.

Nagpatuloy ang paggamit ng batas na sharia sa Hilagang may mas nakararaming mga Muslim, habang ang kapangyarihan ng Katimugang Sudan ay ibinigay sa asambleyang nahalal. Ang Pamahalaang Awtonomo ng Katimugang Sudan ay talagang tumanggi sa pagsasakatuparan o implementasyon ng batas na sharia.[5] Sa banding huli ng 2010, ipinahayag ng Pangulo ng Sudan na si Omar al-Bashir na kapag bumoto para sa kalayaan ang Katimugang Sudan, lubos na aangkinin ng Sudan ang sharia bilang batayan ng batas.[6]

Pinagtalunan ng Pangulong si Salva Kiir Mayardit at ng SPLA ang mga kinalabasan o resulta ng senso sa Sudan noong 2008, na umaangkin na nasa 21 bahagdan ng populasyon ang Katimugang Sudan. Iginiit ng SPLA na kasama ang Katimugang Sudan sa isang-ikatlo (1/3) ng populasyong pambansa at kulang ang bilang na pangkatimugang mga Sudanes.[7]

Reperendum para sa kalayaan (2011)

baguhin

A referendum on independence for Southern Sudan was held from Enero 9–15, 2011. Preliminary results released by the Southern Sudan Referendum Commission on 30 Enero 2011 indicate that 98% of voters selected the "separation" option, with 1% selecting "unity".[8] Southern Sudan became an independent country on 9 Hulyo 2011, a date set by the Comprehensive Peace Agreement.[9] On 31 Enero 2011, Sudanese Vice-President Ali Osman Mohamed Taha stated the Sudanese Government's "acceptance" of the referendum results.[10] On 23 Enero 2011, members of a steering committee on post-independence governing told reporters that upon independence the land would be named the Republic of South Sudan "out of familiarity and convenience." Other names that had been considered were Azania, Nile Republic, Kush Republic and even Juwama, a portmanteau for Juba, Wau and Malakal, three major cities.[11]

Pamahalaan at politika

baguhin
 
Si John Garang de Mabior, ang unang pangulo ng Pamahalaan ng Katimugang Sudan.
 
Si Salva Kiir Mayardit, ang ikalawang Pangulo ng Pamahalaan ng Katimugang Sudan.

Ang Komprehensibong Kasunduan ng Kapayapaan ay humantong sa promulgasyon ng isang Konstitusyong Interim ng Katimugang Sudan[12] na naglunsad ng awtonomong Pamahalaan ng Katimugang Sudan na pinamunuan ng isang Pangulo. Ang Pangulo ang siyang Ulo ng Pamahalaan at Hepeng Komander (Pangunahing Tagapag-atas) ng Hukbong Pampagpapalaya ng mga Tao ng Sudan o Sudan People's Liberation Army. Si John Garang, na tagapagtatag ng SPLA/M ay ang unang pangulo hanggang sa kanyang kamatayan noong 30 Hulyo 2005. Si Salva Kiir Mayärdït, ang kanyang deputado, ay itinalaga bilang unang Pangalawang Pangulo ng Sudan at Pangulo ng Pamahalaan ng Katimugang Sudan noong 11 Agosto 2005. Pinalitan siya ni Riek Machar bilang Pangalawang Pangulo. Ang kapangyarihang panglehislasyon ay nakaatang sa pamahalaan at sa may isang kamarang (unikamaral) na Asambleyang Panglehislasyon ng Katimugang Sudan. Naglaan din ang Konstitusyon ng isang independiyenteng hudisyaryo, na ang pinakamataas na organo ay ang Kataas-taasang Hukuman.

Mga pangulo at mga pangalawang pangulo

baguhin
Mga Pangulo ng Pamahalaan ng Katimugang Sudan
Panahon ng paglilingkod Pangkasalukuyang nanunungkulan Partido
9 Hulyo 2005 hanggang 30 Hulyo 2005 John Garang de Mabior Hukbo/Kilusang Pampagpapalaya ng mga Tao ng Sudan
30 Hulyo 2005 hanggang 9 Hulyo 2011 Salva Kiir Mayardit Hukbo/Kilusang Pampagpapalaya ng mga Tao ng Sudan
Mga Pangalawang Pangulo ng Pamahalaan ng Katimugang Sudan
Panahon ng paglilingkod Pangkasulukuyang nanunungkulan Mga tala
9 Hulyo 2005 hanggang 11 Agosto 2005 Salva Kiir Mayardit Hukbo/Kilusang Pampagpapalaya ng mga Tao ng Sudan
11 Agosto 2005 hanggang 9 Hulyo 2011 Riek Machar Hukbo/Kilusang Pampagpapalaya ng mga Tao ng Sudan

Mga estado at mga kondado

baguhin
 
  Sudan
  Darfur
  Abyei (magsasagawa ng reperendum noong 2011)
  Timog Kurdufan at Nilong Bughaw (magsasagawa ng "mga pagkonsulta sa mga tao" noong 2011)

Ang Komprehensibong Kasunduan ng Kapayapaan o ‘’Comprehensive Peace Agreement’’ (CPA) sa Ingles ay nagkaloob sa Pamahalaan ng Katimugang Sudan ng kapangyarihan para sa tatlong makasaysayang mga lalawigan (Bahr el Ghazal, Equatoria, at Pang-itaas na Nilo) na dating may awtonomiya bilang Rehiyong Awtonomo ng Katimugang Sudan sa pagitan ng 1972 at 1983. Hindi kasama rito ang Kabundukan ng Nuba, Abyei at Nilong Bughaw. Magsasagawa ng reperendum ang Abyei hinggil sa pagsasama ng Katimugang Sudan o hinggil sa pananatili nito sa ilalim ng pagtaban ng mga Sudanes, habang ang Kabundukang Nuba (ang Timog Kurdufan bilang isang kabuuan) at ang Nilong Bughaw ay nangangailangang magsagawa ng "mga pagkonsulta sa mga tao".

Ang pamahalaang awtonomo ay mayroong kapangyarihan sa ibabaw ng sumusunod na mga rehiyon at mga estado ng Sudan:

Bahr el Ghazal
Equatoria
Mas Malaking Pang-itaas na Nilo

Ang sampung mga estado ay lumaong hinati pa upang maging 86 na mga kondado.

Pook ng Abyei

baguhin

Ang Abyei ay isang rehiyong nakalagay sa hangganang nasa gitna ng katimugang Sudan at ng hilagang Sudan na inaangkin ng magkabilang mga partido. Ang rehiyon ay magsasagawa ng isang reperendum hinggil sa pagsasanib ng timog o nalalabing bahagi ng hilaga na kasabayan ng reperendum sa kasarinlan ng katimugan subalit ito ay nabalam. Bilang bahagi ng Komprehensibong Kasunduhan ng Kapayapaan, isang Pangangasiwa ng Pook ng Abyei ay itinatag noong 31 Agosto 2008.[13]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Fisher, Jonah (23 Oktubre 2005). "South Sudan gets new government". BBC News, United Kingdom. Nakuha noong 7 Disyembre 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. News, Reuters (27 Mayo 2008). "Southern Sudan fragile peace". Thomson Reuters Foundation. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Oktubre 2009. Nakuha noong 7 Disyembre 2008. {{cite news}}: |last= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 24 October 2009[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  3. "Historic Sudan peace accord signed". CNN. 9 Enero 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-10-12. Nakuha noong 8 Hulyo 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2010-10-12 sa Wayback Machine.
  4. "Quotes from Sudan peace treaty signing ceremony". Sudan Tribune. 9 Enero 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Hunyo 2011. Nakuha noong 8 Hulyo 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 29 June 2011[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  5. Cohen, Reut (15 Hulyo 2009). "Sharia Law in Sudan". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-26. Nakuha noong 8 Hulyo 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2012-03-26 sa Wayback Machine.
  6. "Omar al-Bashir: northern Sudan will adopt sharia law if country splits". The Guardian. 19 Disyembre 2010. Nakuha noong 8 Hulyo 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Discontent over Sudan census". News24. 21 Mayo 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Hulyo 2011. Nakuha noong 8 Hulyo 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Results for the Referendum of Southern Sudan | Southern Sudan Referendum 2011". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-04-22. Nakuha noong 2012-01-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Sudan deal to end Abyei clashes". BBC News. 14 Enero 2011. Nakuha noong 26 Enero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. http://news.yahoo.com/s/nm/20110131/wl_nm/us_sudan_referendum_acceptance_2[patay na link]
  11. Kron, Josh (23 Enero 2011). "Southern Sudan Nears a Decision on One Matter: Its New Name". The New York Times. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Interim Constitution of Southern Sudan of 2005". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-20. Nakuha noong 2012-01-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2011-07-20 sa Wayback Machine.
  13. [1]

Mga kawing panlabas

baguhin