Ang Timog Sudan, opisyal bilang ang Republika ng Timog Sudan [2] (Arabe: جمهورية جنوب السودانان‎, Dinka: Paguot Thudän, Kastila: Sudán del Sur) ay isang bansa sa Silangang Aprika. Ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod nito ay Juba. Ito ay isang bansang napaliligiran ng lupa na may hangganan sa Etiyopiya sa silangan; Kenya, Uganda at Demokratikong Republika ng Konggo sa timog; ang Republikang Gitnang-Aprikano sa kanluran at Sudan sa hilaga. May malawak na latiang rehiyon ng Sudd na dinadaluyan ng Puting Nilo na lokal na tinatawag bilang Bahr al Jabal.

Republika ng Timog Sudan
جمهورية السودان
Watawat ng Timog Sudan
Watawat
Emblem ng Timog Sudan
Emblem
Salawikain: "Katarungan, Kalayaan, Kaunlaran"
Location of Timog Sudan
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Juba
Wikang opisyalIngles, Dinka
Kinilalang wikang panrehiyonAng Arabikong Juba ay ang lingua franca sa paligid ng Juba.
Pangkat-etniko
Dinka, Nuer, Bari, Lotuko, Kuku, Zande, Mundari, Kakwa, Pojulu, Shilluk, Moru, Acholi, Madi, Lulubo, Lokoya, Toposa, Lango, Didinga, Murle, Anuak, Makaraka, Mundu, Jur, Kaliko, at iba pa.
KatawaganTimog Sudano
PamahalaanFederal presidential demokratikong republika
• Pangulo
Salva Kiir Mayardit
LehislaturaAsembleyang Mambabatas
Kalayaan 
mula sa Sudan
6 Enero 2005
9 Hulyo 2005
• Kalayaan
9 Hulyo 2011
Populasyon
• Pagtataya sa 2017
12,575,714
• Senso ng 2008
8,260,490 (disputed)[1] (ika-94)
Sona ng orasUTC+3 (East Africa Time)
Kodigong pantelepono249
Internet TLD.sd

Ang bayan ay unang naging bahagi ng kondominyum ng Anglo-Ehiptong Sudan ng Nagkakaisang Kaharian at Ehipto at naging bahagi ng Republika ng Sudan nang ito ay lumaya noong 1956. Matapos ang Unang Digmaang Sibil ng Sudan, nabuo ang Rehiyong Awtonomous ng Timog Sudan noong 1972 na tumagal hanggang 1983. Nabuo ang panibagong digmaan sa Ikalawang Digmaang Sibil ng Sudan at nagtapos sa isang Komprehensibong Kasunduan ng Kapayapaan noong 2005. Sa patapos ng nasabing taon, ang wtonomiya sa timog ay naibalik nang nabuo ang Pamahalaang Awtonomous ng Timog Sudan. Ang Timog Sudan ay naging isang malayang bansa noong 9 Hulyo 2011 nang madaling araw (00:00) lokal na oras matapos ng isang reperendum na isinagawa noong Enero 2011 na kung saan halos 99% ng mga bumoto ang humiling ng hiwalay na bansa mula sa Sundan.[3]

Bilang ang pinakabagong bansa sa buong mundo (sa kapanahunan ng Hulyo 2011), tumatanggap ang Timog Sudan ng mga pandaigdigang pagkilala ng pagkakabuo at paglaya nito mula sa ibang bansa. Sa araw ng kalayaan nito, ito ay kinilala agad ng apat na bansa at ng Lungsod Batikano.[4][5][6][7][8] Inaaasahang sumapi sa Mga Nagkakaisang Bansa ang Timog Sudan pati sa pagsama nito sa Unyong Aprikano at nag-aalaok na ang Ligang Arabe sa pagkakasapi ng Timog Sudan. Ito rin ay nagnanais na sumapi sa Komonwelt ng mga Bansa.[9]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Discontent over Sudan census". News24.com. 21 May 2009.[patay na link]
  2. "South Sudan becomes world's newest nation". Forbes.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 July 2011. Nakuha noong 9 July 2011.
  3. Martell, Peter (2011 [last update]). "BBC News - South Sudan becomes an independent nation". BBC. Nakuha noong 9 July 2011. {{cite web}}: Check date values in: |year= (tulong)CS1 maint: year (link)
  4. "North Sudan recognizes independence of South Sudan". Allvoices. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 July 2012. Nakuha noong 8 July 2011.
  5. "Germany announces immediate recognition of South Sudan". President of Germany. 8 July 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 December 2012. Nakuha noong 8 July 2011.
  6. "U.S. Support to Peace and Security in South Sudan". U.S. State Department. 8 July 2011.
  7. "DICHIARAZIONE DEL DIRETTORE DELLA SALA STAMPA DELLA SANTA SEDE, P. FEDERICO LOMBARDI, S.I." V. C. Official Site. 8 July 2011. Inarkibo mula sa = 27811&lang = en orihinal noong 26 Hunyo 2012. Nakuha noong 9 Hulyo 2011. {{cite web}}: Check |url= value (tulong)
  8. "Egypt officially recognises the new state of South Sudan". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-07. Nakuha noong 2011-07-09.
  9. "South Sudan Launches Bid to Join Commonwealth". Talk of Sudan. 8 July 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 July 2011. Nakuha noong 9 July 2011.