Pamamaga ng lalamunan

Ang pamamaga ng lalamunan (Ingles: sore throat) ay isang uri ng sintomas o senyales na dulot iba pang uri ng karamdaman. May kaakibat na pananakit, pangangati ng lalamunan, at kahirapan sa paglunok, ang pinaka madalas na sanhi ng pamamaga ng lalamunan ay ang impeksiyon ng birus, subalit maaari ring ito ay dahil sa bakterya.[1]

Mga sintomas

baguhin

Dahil sa sipon

baguhin

Dahil sa karaniwang sipon, ang pamamaga ng lalamunan ay mayroong kasamang pagbahing, pagluluha, pag-ubo, pagkakaroon ng sinat, bahagyang sakit ng ulo, at/o kaya bahagyang pananakit ng katawan.[1]

Dahil sa trangkaso

baguhin

Dahil sa trangkaso, ang pamamaga ng lalamunan ay mayroong kasamang panghihina ng katawan, pananakit ng katawan, pananakit ng kasukasuan, panginginig ng katawan, pagpapawis ng katawan, at pagkakaroon ng mataas na lagnat.[1].

Kabilang sa mga sanhi ng pamamaga ng lalamunan ang birus na nakakahawa, bakteryang nakakahawa, alerhiya, panunuyo ng lalamunan, pagkairita ng lalamunan. Madalas na maapektuhan ng pagkaroon ng pamamaga ng lalamunan ang mga taong mayroong mahinang resistensiya laban sa sakit.[1]

Kaganapan

baguhin

Dahil sa birus

baguhin

Ang pamamaga ng lalamunan na dulot ng birus ay karaniwang nawawala nang kusa pagkaraan ng isang linggo.[1]

Dahil sa bakterya

baguhin

Ang pamamaga ng lalamunan na dahil sa bakterya ay nagtatagal at maaaring lumala. Kabilang sa mga kumplikasyon ng pamamaga ng lalamunan ang may kaugnayan sa kalagayan ng puso at ng bato.[1]

Lunas at ginhawa

baguhin

Kailangan ang pagpapakonsulta sa manggagamot upang malaman ang sanhi ng pamamaga ng lalamunan. Ang pamamga ng lalamunan na dulot ng bakterya ay maaaring malunasan ng mga antibiyotiko. Kabilang sa mga gawain na nakapaglulunas ng pamamaga ng lalamunan ang pagpapahinga, pag-inom ng maraming mga pluwidong katulad ng katas ng prutas, tubig, tsaang hindi matapang na maaaring may halong pulut-pukyutan, limon, o kalamansi; pagkonsumo ng malalambot na mga pagkain; pag-iwas sa mga pagkaing maaalat; madalas na pagmumumog ng tubig na may asin (ang karaniwang antas ay 1 kutsarita ng asin na inihalo sa 2 mga tasa ng tubig); pagtigil sa paninigarilyo; pag-iwas sa usok ng sigarilyo; pag-inom ng mga lozenge (halimbawa nito ang Strepsils; na hindi ipinapainom sa bata na mayroong edad na mas mababa kaysa sa 5 mga taong gulang); at pagpapahinga ng tinig.[1]

Pag-iwas

baguhin

Nakakatulong sa hindi pagkakaroon ng pamamaga ng lalamunan ang pagkonsulta sa manggagamot upang malaman ang mga paraan upang huwag magkaroon ng ganitong kalagayan. Kabilang sa mga gawain nakapagpapaiwas ng pagkakaroon ng pamamaga ng lalamunan ang palagiang paghuhugas ng mga kamay, pag-inom ng maraming tubig at iba pang uri ng mga pluwido (upang huwag magkaroon ng dehidrasyon); pag-iwas sa usok; pagtatakip ng mga butas ng ilong kung nasa lugar na mausok; hindi paninigarilyo; pag-iwas sa mga taong may sakit na katulad ng sipon o pamamaga ng lalamunan; pagtatakip ng bibig kung nakikipag-usap sa isang taong may sakit na katulad ng sipon o pamamaga ng lalamunan; hindi paggamit ng mga kubyertos, mga baso, mga tuwalya, at iba pang mga gamit na ginagamit ng ibang mga tao; pag-ubo at pagsinga na gumagamit ng tisyu sa tamang paraan; tamang pagtatapon ng ginamit na tisyu pagkaraang umbo at suminga; at pag-iwas na gamitin ang panyo para sa pagsinga o pag-ubo.[1]

Paglala

baguhin

Kailangan ang pagpapakonsulta sa manggagamot kapag lumala ang pamamaga ng lalamunan. Kabilang sa mga katangian ng paglala ng namamagang lalamunan ang pagtagal ng kalagayang ito na lampas na sa isang linggo; pagkakaroon ng kahirapan sa paglunok; pagkakaroon ng kahirapan sa paghinga; pagkakaroon ng labis na paglalaway; pagkakaroon ng mataas na lagnat; kapag namamaga at nakakapa ang kulaning nasa leeg; pagkakaroon ng nana sa lalamunan; pagkakaroon ng mga pantal sa katawan; pagkakaroon ng malat na tinig, partikular na kapag nagtagal nang dalawang mga linggo; pagkakaroon ng plema at/o dugo sa laway na nilulura; pagkakaroon ng dehidrasyon o kakulangan ng tubig sa loob ng katawan; at kung paulit-ulit ang pamamaga ng lalamunan (gumagaling at bumabalik).[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 1.8 SORE THROAT, KALUSUGAN PH