Pamantasang Case Western Reserve
Ang Pamantasang Case Western Reserve (Ingles: Case Western Reserve University, kilala rin bilang Case Western Reserve, Case Western, Case, at CWRU) ay isang pribadong unibersidad sa pananaliksik sa Cleveland, Ohio, Estados Unidos. Itinatag noong 1826, ang Pamantasang Western Reserve (Ingles: Case Western University, ipinangalanan sa lokasyon nito sa loob ng Connecticut Western Reserve) at Case Institute of Technology (itinatag sa pamamagitan ng mga kaloob ni Leonard Case, Jr. noong 1881) ay pormal na ipinagsanib noong 1967. Inilarawan ng magasing Time ang pagsasanibbilang bilang paglikha ng isang "Cleveland's Big-Leaguer" university.[1]
Ang Case Western Reserve ay partikular na mahusay sa paaralang medikal nito, pati na rin sa mga larangan ng negosyo, pagdedentistal, abogasya, pagnanars, inhinyeriyang biomedikal, atbp. Ang Case Western Reserve ay isang miyembro ng Association of American Universities.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Time magazine reports on CWRU creation - http://www.time.com/time/magazine/article/0,9171,841260,00.html Naka-arkibo 2013-06-24 sa Wayback Machine.
- ↑ "Association of American Universities Membership".
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.