Pamantasang Complutense ng Madrid

Ang Unibersidad ng Madrid Complutense (InglesComplutense University of Madrid; Kastila: Universidad Complutense de Madrid o Universidad de MadridLatin: Universitas Complutensis) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Madrid, Espanya, at isa sa pinakamatandang unibersidad sa mundo. Ang unibersidad ay may humigit-kumulang higit 86,000 mag-aaral ,[1] at may reputasyon bilang isa sa mga nangungunang mga pamantasan sa Espanya.[2][3] Ito ay matatagpuan sa isang kampus na sumasakop sa kabuuan ng distritong Ciudad Universitaria ng Madrid, at may mga aneks sa distrito ng Somosaguas sa kalapit na lungsod ng Pozuelo de Alarcón.

Ciudad Universitaria de Madrid
Eskudo ng Real Colegio Complutense sa Unibersidad ng Harvard

Sa mga nakaraang taon, ang hanay ng mga alumni ay binubuo ng mga nagwagi ng Nobel Prize (7), Prince of Asturias Awards (18), Miguel de Cervantes Prize (7), pati na rin ng mga Komisyoner ng Unyong Europeo, mga Pangulo ng EU Parliament, European Council Secretary General, miyembro ng ECB Executive Board, NATO Secretary General, UNESCO Director General, IMF Managing Director, at Pinuno ng Estado. Ayon sa Espanyol na pahayagang El Mundo, ang unibersidad ay malawak na itinuturing bilang ang pinakaprestihiyoso pang-akademikong institusyon sa bansang Espanya.[4]

Ang Complutense Sa Ibang Bansa

baguhin

Bukod sa isang malawak na serye ng mga kasunduan na nagpapahintulot sa palitan ng mga mag-aaral/propesor sa mga prestihiyosong unibersidad sa buong mundo, ang Unibersidad ng Madrid Complutense sa kasalukuyan ay nagpapatakbo ng apat na full-time na mga institusyon sa labas ng Espanya, ang Real Colegio Complutense sa Unibersidad ng Harvard, Collège des Hautes Études Européennes Miguel Servet (Paris, Pransiya), Cátedra Complutense sa Charles University (Praga, Republikang Tseko), at Cátedra Dubcek (Bratislava, Slovakia).[5][6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Estudiantes 2011-2013". Universidad Complutense de Madrid. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-12-08. Nakuha noong 3 Disyembre 2013. Naka-arkibo 2014-12-08 sa Wayback Machine.
  2. "Ranking Web of Universities- Spain". Webometrics. Nakuha noong 3 Disyembre 2013.
  3. "Universities in Spain". 4ICU.org. Nakuha noong 3 Disyembre 2013.
  4. "Universidades Tradicionales". ElMundo.es. Nakuha noong 3 Disyembre 2013.
  5. "Universidad Complutense de Madrid :: UCM". Ucm.es. 1 Hunyo 1999. Nakuha noong 13 Nobyembre 2011.
  6. "Universidad Complutense de Madrid :: UCM". Ucm.es. 1 Hunyo 1999. Nakuha noong 13 November 2011.

40°26′57″N 3°43′37″W / 40.449039°N 3.727031°W / 40.449039; -3.727031   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.