Pamantasang Keio
Ang Pamantasang Keio (Ingles: Keio University, Hapones: 慶應義塾大学, Keiō Gijuku Daigaku, dinadaglat bilang Keio (慶應)) ay isang pribadong unibersidad na matatagpuan sa Minato, Tokyo, Hapon. Ito ay kilala bilang ang pinakamatandang institusyon ng modernong mas mataas na edukasyon sa bansang Hapon. Itinatag ito ni Yukichi Fukuzawa bilang isang paaralan para sa kanluraning pag-aaral noong noong 1858 sa Edo (ngayon ay Tokyo). Ito ay may labing-isang kampus sa Tokyo at Kanagawa. Ito ay may sampung mga fakultad: Titik, Ekonomiks, Batas, Negosyo at Komersyo, Medisina, Agham at Teknolohiya, Pamamahalang Pampolisiya, Araling Pangkapaligiran at Pang-impormasyon, Pagnanars at Pag-aalaga, at Parmasya.
Ang unibersidad ay isa sa mga tinagurian ng Ministri ng Edukasyon, Kultura, Isports, Agham at Teknolohiya ng Hapon bilang isa sa labintatlong kabahaging unibersidad sa "Global 30" Project.[1]Sa Estados Unidos, ang Keio ay may hayskul, ang "Keio Academy of New York".
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Universities | Study in Japan(Japanese university) | Global30 Naka-arkibo 2016-08-21 sa Wayback Machine.. Uni.international.mext.go.jp. Hinango noong 2014-06-17.
35°38′57″N 139°44′34″E / 35.6492°N 139.7428°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.