Pamantasang Tsinghua
Ang Pamantasang Tsinghua (dinadaglat na THU; Intsik: 清华大学, pinyin: Qīnghuá Dàxué, Ingles: Tsinghua University) ay isang unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Beijing at miyembro ng C9 League ng mga pamantasang Tsino. May mottong "Sariling Disiplina at Komitment sa Lipunan," ang unibersidad ay nakatuon sa mga akademikong kahusayan, kagalingan ng lipunan Tsino, at pandaigdigang pag-unlad. Ang Tsinghua ay nararanggo bilang isa sa mga nangungunang akademikong institusyon sa Tsina at Asya, at nasa ika-14 sa buong mundo ayon sa 2017 Times Higher Education World Reputation Rankings. Mula 2015, ang Tsinghua ay nairanggo bilang ang pinakamahusay sa inhenyeriya at agham pangkompyuter sa mundo, mas mataas pa sa Massachusetts Institute of Technology (MIT) at Pambansang Unibersidad ng Singapore (NUS). Ito ay isa sa mga pinakasinasayt na institusyon sa mundo.
40°00′00″N 116°19′36″E / 40°N 116.32666666667°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.