Pamatay-apoy
Ang pamatay-sunog o pamatay-apoy[1] (Ingles: fire extinguisher) ay isang kagamitan sa pag-aapula ng apoy tuwing oras ng sakuna. Hindi ito ginagamit sa mas malaking sunog na kinakailangang gamitan ng ibang kagamitan. Madalas itong nakakabit sa pader ng mga gusali sa madaling mahanap na puwesto.
Uri at klasipikasyon
baguhinAng pamatay-apoy na may lamang tubig ay ginagamit para sa mga sunog sanhi ng mga papel, kahoy, uling, goma, at solidong plastik. Hindi ito ginagamit sa sunog mula sa kuryente, bakal, at mantika. Ito ang pinakamurang pamatay-apoy.[2] Ginagamit naman ang tuyong kemikal (dry chemical) sa pag-aapula ng apoy na may uri o class A, B, at C. May mga natatanging tuyong kemikal na ginagamit sa pag-aapula ng class D (bakal).[2]
Ayon sa Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas, ang sumusunod na talaan ay ang mga uri ng pamatay-apoy.[3]
Uri | Nakatalagang kulay | Gamit |
---|---|---|
Tuyong kemikal | Pulang katawan na may puting banda | Ginagamit sa mga apoy mula sa solidong materyal o solidong nagiging likido, gas, at kagamitang elektrikal |
Dioksido de karbono | Pulang katawan na may itim na banda | Ginagamit sa mga apoy mula sa likidong nasusunog tulad ng gasolina, langis, at mantika |
Bula | Pulang katawan na may bughaw na banda | Ginagamit sa mga apoy mula sa solidong materyal at likidong nasusunog tulad ng gasolina, langis, at mantika |
Pamalit sa halon | Mapusyaw na luntiang katawan at puting banda | Ginagamit sa mga apoy mula sa mga solidong materyal, likido o solidong nagiging likido, gas at kagamitang elektrikal |
Paraan ng paggamit
baguhinSa wikang Ingles, ginagamit ang akronimng PASS upang matandaan ang mga hakbang sa paggamit ng pampatay ng sunog. Ang mga hakbang na ito ay:[2][4]:
- Pull (Hilahin) - hilahin ang pin o talasok upang matanggal seal o selyo
- Aim (Itututok) - ituro ang hose o diligan sa sunog
- Squeeze (Pisilin) - ipitin ang hawakan upang lumabas ang tubig, bula, o tuyong kimikal
- Sweep (Iwasiwas) - iwasiwas ang tubig, bula, o tuyong kemikal mula sa kaliwa ng sunog hanggang sa kanan ng sunog at pabalik hanggang sa maapula ang apoy
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Sunog! Aling Pamatay-Apoy ang Dapat Mong Gamitin? — Watchtower ONLINE LIBRARY". wol.jw.org. Nakuha noong 2023-04-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 Cherry Park (2022). "5 Types of Fire Extinguishers:A guide to using the right class". Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-03-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Fire Extinguishers: A first aid in fire fighting". www.dti.gov.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "How To Use a Fire Extinguisher". www.sc.edu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)